Avah Allison Walker
"Oh? Masaya ka na at nahalikan mo na ako?" tanong ko sa kanya tapos bigla naman nya akong niyakap
"Harap mo nga ulet sakin yang mukha mo" utos ko sa kanya tapos sinunod naman nya ako, Hinawakan ko ang pisngi nya tapos napatingin ako sa mapupula na namamasang labi nya.
"May I?" tanong ko ng hawakan ko ang salamin nya tapos tumango naman sya sakin, Nang tuluyan ko ng alisin ang salamin na suot nya tinitigan ko sya ng maigi.
"Mas gwapo ka pala kapag walang salamin sa mata eh" sabi ko sa kanya tapos pinisilpisil pa ang pisngi nya
"Malabo ba mata mo?" tanong ko sakanya
"Hindi, Trip ko lang mag lagay ng salamin" sagot nya sakin
"Ano nga ulet tayo?" tanong ko sakanya
"Basta ako asawa kita, Ikaw mag isip kung ano ako sayo" sagot nya kaya palihim naman akong napangiti, Niyakap nya ako at umalis na sa ibabaw ko tapos doon ko lang naramdaman kung gaano sya kabigat. Hindi naman sa mataba sya, Hmm sakto lang naman yung katawan nya may abs nga din ang luko eh.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong nya ng makatayo na ako at nagsimula nang mag ayos ng higaan
"Secret" sagot ko tapos niyakap naman nya ako mula sa likod tapos ramdam ko ang mainit na hininga nya sa leeg ko.
"I want your kiss, I want you, Everything with you" sabi nya
"Paano kung mabuntis talaga ako?" tanong ko
"Ede bubuntisin na talaga kita tapos sunod kasalan na" sagot nya tapos sinimulan nyang halikan ang balikat leeg pisngi ko Tapos ng maharap ako sa kanya humawak ako sa batok nya at ako na mismo ang humalik sa kanya.
"Avah" rinig kung tawag ni Nanay JJ pero hindi ko iyon-namin pinansin patuloy lang kami sa pag hahalikan hanggang sa kaninang tawag ay naging katok na.
"Po?" tanong ko
"Baba na kayo dyan at kakain na" sabi nya
"May kinaka-" naputol ang sasabihin ko ng malaman kung tsk nevermind
"Pababa na po" sagot ko tapos narinig ko naman ang pag alis nya
"May kinakain ka na pala ah" tukso nya tapos niyakap ako
"Tabi! Kakain na ako" sagot ko sakanya
"Busog na ako, Kinain nakita eh, Hindi nga lang lahat" sabi nya tapos pinalo ko naman sya
"May pagka manyak ka pala ano" sabi ko
"Isako kitang babae ka dyan eh" sabi nya
"Sakuhan tayo ano!" sabi ko tapos bigla syang tinayo
"Oh sinako" sabi nya
"Hindi mo pa ako naisasako nasa truck ka na" natatawang sabi ko at lumabas na ng kwarto tapos humabol naman sya sakin tapos hinawakan ako sa bewang, Hinayaan ko na lang sya at kumuha na ng kakainin.
***
"Ate! Ate! Boyfriend mo yun?" tanong ni Clara sakin habang sina Nanay naghihintay lang ng isasagot ko
"Hmm yeah he is" sagot ko tapos ngumiti pa
"Sabi ko na nga ba in love kang bata ka" sabi ni Nanay JJ tapos si Nanay Belen naman nakangiti lang
"Sya na ba ang the one?" tanong ni Tatay Nando
"Malay natin diba" nakangiting sagot ko
"Aysus na inlove ang bebe" sabi ni Nanay Belen tapos inakbayan naman sya ni Tatay Nando mag asawa ang dalawa na yun eh.
"Oh sige po Nay Tay Clara una na po kami" paalam ko tapos kumaway na sa kanila.
Pumunta na ako sa likod ng bahay kung saan nakaparada ang kotse ko binuksan yun ni Clark tapos ng mailabas ko na ang kotse sumakay na si Clark.
"Sana marunong ako mag drive" sabi nya
"Bakit di ka mag aral?" tanong ko habang nag dri-drive na
"Ayoko" simpleng sagot nya
"Bakit nga?" pangungulit ko
"Dyan kasi namatay si Lolo at Lola na syang nag palaki sa akin" sagot nya kaya tiningnan ko naman sya ng matagal
"Dahil sa kanila buhay ako pero sila naman ang patay" dugtong nya kaya inihinto ko ang sasakyan at humarap sa kanya, I'm not good in comforting pero sana tumalab.
Niyakap ko sya sabay ngiti sa kanya.
"Smile" nakangiting sabi ko
"Your dimples is make me crazy, Wag ka ngang ngumiti masyadong nakakaakit yang dimples mo" sabi nya tapos nag pout pa pero lalo lang akong ngumiti tapos bigla naman nya akong hinalikan tapos ako naman itong napasimangot...
Sige nga, Buksan ko ulet ang puso ko, Pero sana sa pag bukas nito nasa tamang tao na ako.