CHAPTER 17

803 Words
Avah Allison Walker "Were here" rinig kung sabi nya "Bakit ang tahimik naman dito? Parang walang tao?" tanong ko sa kanya, Sa manila kasi kahit 6:20 na ng madaling araw madami nang taong pagala-gala. Eh dito tahimik at parang walang katao-tao. "Ganyan talaga dito, Yung iba panigurado umahon na sa bundok at yung iba naman baka tulog pa" sagot nya sa akin, Tumango na lang ako at bumaba na sa sasakyan at pinagmasdan ang bahay nila. Dalawang palapag ito, Yero din naman ang bubong pero walang pintura ang labas ng bahay nila, may mga halaman din na nakatanim sa gilid nito at may isang hayop. "Ano yan?" tanong ko sa kanya, May putik yung malaking itim na hayop. "Kalabaw" sagot nya at ginulo ang buhok ko, Hinawakan nya ang bewang ko at inalalayan akong makatawid sa maliit na kahoy na tulay. 'Gosh' Kumatok sya ng limang besis ngunit wala pading nabukas nitong brown na pintuan na gawa lang din sa kahoy 'Tsk, I'm crazy eh yung pintuan din naman sa kubo namin kahoy' "Wala atang tao" sabi ko "Ma!! Pa!!" kalabog nya sa pintuan "Hoy! Ang aga-" natigil ang isang medyo matabang babae ng makita kami lalo na si Clark, Nakanganga yung babae na tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita o nakita. "Mahal! Tumingin ka nga dito! Baka nananaginip lang ako dali!! Ang haloy mo naman!!" sigaw nong babae na siguro ito na yung mama ni Clark "Diyos ko, Ito ba yung anak natin? Hindi ba ako nananaginip?" Gulat na tanong nong lalaki na kadadating pa lang "Ma! Pa, Ako ito yung gwapo nyong anak" pakamot ulong sabi ni Clark 'May pagkahangin din pala itong isang ito' sabi ko sa sarili. Nag unahan namang lumabas yung dalawang matanda at sumungab ng yakap kay Clark, Sana lahat ganyan ang magulang. Ngumiti na lang ako at pinagmasdan silang nag yayakapan. "Ma, Pa tama na nga ang yakap. Amm Mama ko, Papa ko Si Avah asawa ko" pakilala nya sa akin tapos sinapok ko naman sya ng sabihan nya akong asawa. Tapos yung dalawang matanda naman biglang napanganga "Pumunta ka lang Manila nag kaasawa ka na agad?! Diyos ko habagin kang bata ka" sabi nong babae "Ma, Nabuntis ko sya, Pa sorry" sabi ni Clark kaya nakanganga naman ako ngayon sa pinagsasabi nya tapos itong mga magulang nya lalong napanganga, kaya ang ginawa ko tatlong besis kong sinuntok itong lalaki na ito. "Ahh hindi po, Wag po kayong maniwala sa baliw na yan, Hindi po nya ako asawa girlfriend lang po at mas lalo pong hindi po ako buntis" sabi ko tapos tumango-tango naman yung dalawang matanda "Anong hindi asawa? Eh doon din naman ang pun-" "Gusto mo ng suntok?" putol ko sa sasabihin nya kaya nag acting naman syang zinipper ang bibig nya. "Maray na aga sa iyo iha" sabi nong babae, Kumurap ako ng dalawang besis dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nya tapos maya-maya tumingin ako kay Clark "Magandang umaga daw sayo mahal kong asawa" malambing na sabi ni Clark kaya binatokan ko naman sya "Good morning din po" nakangiting sabi ko "Anak kaninong kotse iyan?" tanong nong tatay ni Clark "Sa asawa ko" sagot ni Clark tapos muling hinawakan ang bewang ko "Oh sya sige, Pumasok na muna kayong dalawa" aya nong mama ni Clark "Ahh, Wait! Alli this is my mother Marian Del Vero and this is my father Xio Ezokare" "Hello po Ma'am, Sir I am Avah Allison Walker " nakangiting pakilala ko sa kanila "Ma'am, Sir na ano tawagin mo na kaming mama at papa tutal magiging asawa ka pala nitong anak ko" sabi nong mama ni Clark tumango ako sa kanila at pumasok na din sa loob. Pag pasok ko sa loob ng bahay nila ok lang din naman, May mahabang kahoy na upuan at may dalawang maliit. "Feel at home Alli" sabi ni Clark tumango na lang ako at muling pinagmasdan ang loob ng bahay nila. *** "Darling, Asawa ko gising na" rinig kung sabi ni Clark "Eh, Ang aga pa" sabi ko kahit hindi ko alam kung anong oras na "Gaga 9:20 na ng umaga" sabi nya tapos niyakap ako mula sa likod kaya humarap naman ako at yumakap na din sa kanya, Minulat ko ang mga mata ko at ang nakangiting labi nya ang sumalubong sa akin agad ko yung hinalikan na agad din naman nyang ginantihan. "Ayieeee, Mas masarap ka pa talaga sa almusalan" sabi nya sa akin kaya sinapok ko naman ang noo nya "You really love hurting me huh, Well it's ok at least ang sabi mo kina Mama at Papa kanina 'Girlfriend' kita" sabi nya tapos hinigpitan ako ng hakap "Di ako makahiga!! Let me go!" sabi ko sakanya, Hinalikan muna nya ako bago pakawalan sa bisig nya 'Ash! This is crazy!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD