CHAPTER 6

790 Words
Avah Allison Walker Kararating lang namin dito sa bahay, Gabi na kaya dito ko muna sya patutulogin.. "Clara paayos naman yung guest room" utos ko sa bunsong anak ni Nanay JJ "Sige ate" aniya tiningnan ko si Noah na habol tingin doon kay Clara "Wag mong sabihin na gusto mo si Clara?" aniko "Bata yun bakit ko papatulan?" tanong nya "Age doesn't matter" sagot ko tapos niyaya sya sa kusina para kumain "Dyan ka lang" utos ko sakanya tapos pumunta naman ako sa dirty kitchen kung saan naandon si Nanay JJ "Nay, Dito ko na ho muna sya patutulogin" sabi ko sakanya "Ikaw bahala Iha, Boyfriend mo ba yan?" tanong nya tapos tumingin naman ako kay Noah na parang pinagmamasdan itong bahay 'Mag ano nga ba kami?' "Hindi po, Kaibigan ko lang po sya" sagot ko at niyakap sya "Ate ako din hug mo" ani Clara na pitong taon palang kaya lumapit ako sakanya at hinug sya, I don't have sister or brother kaya turing ko na dito kay Clara ay kapatid "Sumabay na po kayo saamin kumain" aya ko pero umiling lang si Nanay "Mamaya nalang kami" sagot pa nya "Oo nga Iha mamaya kung ano pang sabihin nyang kaibigan kuno mo pag nakisabay kami" sabi naman ni Nanay Belen "Trust me mga Nanay, Iba si Noah" sagot ko at ngumiti pa tapos nag lakad na ulet papunta Kay Noah "Kumain ka na alangan ipagsandok pa kita" sabi ko nang makaupo na ako "Baka kasi pag nag sandok na ako na walang pahintulot mo sabihin mo patay gutom ako" sagot nya 'Ganon na ba ako kasama?' "Manghuhula ka? At alam mo na agad kung ano ang sasabihin ko?" inis na tanong ko "Sa sama ng ugali mo pwedeng sabihin mo ang katagang yun" sagot nya "Bakit kilala mo ba ako ng husto kaya sinusumbatan mo ako?" tanong ko tapos bigla naman syang tumahimik "Sasamahan ka nalang ni Nanay JJ kung saan ka matutulog, Magpapahinga na ako" sabi ko at tumayo na "Di ka kakain?" takang tanong nya "Thanks for your concern pero wala na ako sa mood" sagot ko at diniinan ang salitang 'Na' Umalis na ako at iniwan na sya, Pag dating ko sa kwarto huminga muna ako ng malalim saka humiga.. To. Gago "Sorry, Baba ka na kumain ka na muna" basa ko sa text ni Noah 'Gosh' Pinatay ko nalang ulet ang cellphone ko at pumikit na tapos maya-maya may kumatok sa pintuan ng kwarto ko pero hindi ko iyon pinansin, Tumalikod ako sa harap ng pinto at saka muling pumikit ngunit narinig ko nanaman ang katok ng pintuan hanggang sa huminto na iyon... May naramdaman akong umupo sa kama ko at hinimas ang buhok ko kaya tuluyan ko nang munulat ang mata ko at tiningnan kung sino man yung taong iyon.. "What the hell!! Bakit ka naandito sa kwarto ko?" Gulat at takang tanong ko tapos nakita ko naman malapit sa paahan ko na merong isang tray na may lamang---Pagkain "Bakit mo ako dinalahan nyan?" tanong ko at pinakitang naiinis ako kahit hindi "Peace offering, Nasaktan ka ba sa sinabi ko kanina?" Tanong nya kaya napataas naman ang kilay ko "Manhind ako, Hindi na ako nasasaktan ng basta-basta dahil lang sa salita" sagot ko "No, Your lying hindi ka aalis sa baba kanina kung hindi ka nasaktan" sabi nya "Hindi nga ako nasaktan, Galit..Galit ako" sagot ko sakanya "Ede nasaktan ka nga, Hindi ka naman magagalit kung hindi ka nasaktan" sabi nya sabay higa sa higaan ko "Aba! Ang swerte mo naman para makihiga dyan sa higaan ko!! Alis!" aniko "Nung isang gabi nga nakihiga kadin sa higaan ko di naman kita pinaalis" sabi nya tapos binigyan ako ng nakakalokong ngiti "Sige, Ipaalala mo pa ang pagkakamali na iyon" sabi ko "Bakit? Pinagsisihan mo ba na may nangyare satin?" tanong nya tapos tumingin pa ng deretsyo sa mata ko "Eh ikaw? Pinagsisihan mo ba?" Balik na tanong ko "Bakit ko pa pagsisisihan kung nagawa ko na? Nung una oo pero wala naman na tayong magagawa para ibalik ang nakaraan" sagot nya "Eh paano kung buntis ako?" tanong ko "Ede papakasalan na kita" sagot nya tapos natamimi naman ako "Halika nga" sabi nya tapos inipit ako ng braso nya "Dito na ako matutulog" sabi nya saakin "Ano ka! Alis!" sabi ko naman "Hangga't hindi mo ako pinapatawad at kumakain hindi ako aalis" sabi nya tapos sinanday pa ang paa nya sa mga binti ko "Hayst!! Oo na sige na kakain na!" aniko "Di mo pa naman ako bati" sabi nya "Grrr!! Oo na sige na bati na tayo! Now get out!!" sabi ko tapos binitiwan naman nya ako "Susuboan kita" aniya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD