“So anong plano mo Bessy?” Makalipas ang ilang minutong pagko-comfort niya sa kaibigan. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang magiging baby ko Anna. Ayokong mapahamak ang baby ko,”sabi niya. Nagbabadya na naman ang kanyang pagtangis. “Tama na “yan. Di makakabuti sa inyo ng baby mo kung iyak ka ng iyak diyan.” “Pasensya na Bessy. Mahal na mahal ko kasi si RJay.”napasinghot pa siya. “Alam ko naman eh. Di mo man lang ba siya tatawagan para i-confirm kung totoo?” “Natatakot ako. Malayo siya sakin. Baka mas lalo lamang mapahamak ang magiging baby namin.” “So ano talaga ang gusto mong mangyari?”nasa mukha nito ang matinding awa sa kanya. “Bessy,pwede mo ba akong tulungan?” “Just say it.” Paglayo ang nakikitang paraan ni Rosemarie upang masiguro niya ang kaligtasan nilang mag-ina. Kinausap niya

