Kabuwanan na ni Rosemarie. Siyan na buwan din niyang iningatan ang sarili para sa kanyang magiging supling. Excited siya na makita ang mga ito. Kambal ang magiging anak niya! Isang babae at lalaki. Kakatapos lang niyang mag-online para sa oral defense kasama ang kaibigang si Anna. Naging maganda naman ang resulta at pinuri pa siya ng mga panels dahil sa kanyang pagpupursige na makatapos sa kabila ng kanyang pagdadalang-tao. Mahirap man na malayo sa minamahal na pamilya, naging makabuluhan naman ang lahat ng kanyang pananatili sa bayan ng Masbate dahil sa patuloy niyang pag-aaral online at sa tulong at pag-aalaga ng pamilya ni Manang Nora na kasama niya sa bahay. Papunta siya ng banyo ng marinig ang boses ni Junjun, ang apo ni Manang Nora na sampung taong gulang lamang. “Ate Rose! Tumutuno

