“DAD, we need to do something. Matagal nyo ng pinamahalaan iyang kompanya na yan. Bakit parang nagdadalawang isip kayo na ipaglaban ang karapatan nyo?”boses ng isang lalaki ang maririnig sa isang lihim na silid. “Hindi mo alam ang sinasabi mo!” malakas na tugon ng ama nito. “You’re impossible Dad! Buong buhay nyo inilaan nyo na diyan. Bakit di mo kunin ang dapat ay para sa inyo?” Napahawak ng mahigpit ito sa gilid ng babasaging mesa. “Malaki ang tiwala nila sa akin. Ayaw kong masira iyon dahil sa kagustuhan mong makuha ito. Sa una pa lang, hindi na ito naging satin. Alam mo “yan!” Nanlilisik na mata ang ipinukol nito sa binata. “Balewala na “yun sa lahat ng isinakripisyo mo sa kompanyang “yan! Nagkaroon ng malubhang sakit ang asawa mo na sa hanggang huling sandali ay di mo magawang ibi

