NAGING matagumpay ang ang launching ng new product ng Saavedra Motors. Bagay na bagay rin ang theme song na napili para sa commercial nito. Balik trabaho na ang mag-asawa. Tanging si Bernard lamang ang nakakaalam ng totoong estado ng dalawa. “Rose, mabuti napadaan ka dito. Mukhang walang balak kumain ang asawa mo.”bungad na sabi ni Bernard pagpasok niya ng opisina ng CEO. Nakita niyang subsob ito sa pagbabasa ng mga dokumentong natambak sa ibabaw ng mesa. Hindi nito napansin ang paglapit niya. Ang akma niyang pagbulong sa tenga nito ay nauwi sa kanyang pagtili ng bigla siya hablutin at iupo sa kandungan nito. “RJay!” “Finally, pinuntahan mo rin ako dito. Kanina pa kita hinihintay.” “Why?” Hinaplos niya ang mukha nito. “Nami-miss na kita agad eh.” Mabilis siyang hinalikan nito sa mga

