Lulan na sila ng sasakyan ng walang kibuan. Tila tinatantiya ang bawat isa. Malimit magpang-abot ng tingin ngunit walang nais magsalita. Parehong nakakaramdam ng kakaiba: kaba at excitement. Panaka-nakang ngumingiti sa bawat isa. Nanatiling walang ingay na maririnig sa dalawa hanggang makarating sa kanilang paroroonan. Inalalayang bumaba ni RJay si Rosemarie mula sa sasakyan. Madilim na ng makarating sila sa isang modern ancestral house. Ang katahimikan nito na napapalibutan ng magandang kapaligiran ang lalo pang dumagdag sa kagandahan ng lugar. Napaka-presko sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Natatanaw ang liwanag ng ilaw sa di kalayuan ang isang mallit na kubo malapit sa ilog. Mga ilang sandal silang nakatayo ng basagin ni RJay ang katahimikan. “Ahm Rosemarie, pasensya ka na kung di ko

