“Maam okay lang po ba kayo? Hindi po kayo nakakaen ng maayos kanina. May gusto po ba kayong ibang kainin?”nag-aalalang tanong ni Rina sa kanya. “Ah,wala “to. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko dala na rin siguro ng init sa labas kanina.”ngumiti siya saglit. “Si Mang Allan pala baka di pa kumakaen, pakisabi na bumili na lang siya kahit sa labas. Pakibigay na lang ito sa kanya.”inabot niya ang pera dito. “Sige po Maam. Babalik din po ako agad.”tugon nito. Natutulala siya. Napailing-iling na lamang sa rebelasyong nalaman. Hinid niya makalimutang ang madilim na mukha ni RJay lalo na ng dumating si Lucas.Siguro ay nasa isip pa rin nito na may relasyon sila ng lalaki, na ito ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay noon. Naguguluhan siya sa di-maipaliwanag na dahilan. Marahas siyang napab

