Blurb

209 Words
Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan si Lalaine na mamasukan bilang isang kasambahay sa mansyon ng mga Consunji. Siya ang papalit sa tiyahin na kinailangang tumigil sa pagtatrabaho dahil sa sakit nito. Dahil sanay na rin naman siya sa mga gawaing bahay ay hindi na siya nahirapan pa nang magsimulang magtrabaho. Mabilis din niyang nakasundo ang mga kasamahan sa mansyon dahil magaling siyang makisama. Akala nga niya'y mahihirapan siya ngunit naging magaan naman ang lahat para sa kanya. Naging maayos at matiwasay ang takbo ng buhay niya. Unti-unti na niyang nagugustuhan ang buhay sa mansyon, hanggang sa magbakasyon ang kambal na lalaking anak ng kanilang amo mula sa siyudad. Sa pagdating nila ay hindi niya lubos akalaing magbabago ang takbo ng buhay niya. Dahil sa walang magawa ang mga ito sa hacienda ay siya ang napagtripan ng mga ito. Nang una ay puro pang-aasar lang ang dinadanas niya. Ngunit nang lumipas ang mga araw ay tila unti-unting nag-iba ang mga titig at haplos na binibigay ng mga ito sa kanya—naging malagkit, mainit, nakakapaso. Ramdam niya ang pang-aakit ng mga ito. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na pinag-aagawan ng kambal; kapwa gustong maangkin siya at ang katawan niya. Ngunit ang tanong, kanino siya bibigay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD