Kabanata 95 Narrator’s Point of View “Caden...” Nagising si Caden sa marahang yugyog sa kanya ni Lalaine. Alas dos pa lang nang madaling araw. Dalawang oras pa lang ang tulog niya dahil nag-overtime siya sa trabaho para mahabol ang pending tasks niya. “Caden...” muling tawag sa kanya ng nobya. Pagod na pagod ang katawan niya at antok na antok pa siya, pero pinili niyang imulat ang mga mata. “What is it?” malambing niyang tugon dito habang pumipikit-pikit pa dahil sa mahapding mga mata. “Gusto ko ng binagoongang baboy,” sambit nito sa kanya. “Okay, I’ll wake Felice up and make her cook something for you,” marahang tugon niya at babangon na sana pero pinigilan siya ni Lalaine. Napatingin siya rito at umiling lang ito sa kanya. “Bakit?” “Gusto ko ikaw ang magluto,” paglalambing nito s

