Kabanata 69 Pigil ang aking paghinga nang tuluyang lumapat ang labi niya sa akin. Dama ko ang masuyong paghagod nito kasabay ng paghaplos ng mainit niyang palad sa aking pisngi. Habang ang isang kamay naman niya ay naglandas sa aking baywang at hinila ako palapit sa kanya para pagdikitin ang aming mga katawan. Damang-dama ko sa aking tiyan ang matigas at kumikislot-kislot niyang umbok. Nilunod niya ako sa mapupusok niyang mga halik. Nauubusan na ako ng hangin pero may parte sa aking ayaw tumigil. Kaya naman inilingkis ko ang magkabilang kamay ko sa palibot ng kanyang leeg at mas hinila pa siya palapit sa akin para laliman pa ang aming halikan. Kahit nasa tubig kami ay ramdam ko ang init na unti-unting nabubuhay sa kaloob-looban ko; ang init na sanhi ng panunuyo ng aking lalamunan. N

