Kabanata 86 I thought I could still hold it in until I reach my hotel, pero hindi. Hindi ko na kinaya ang sikip ng dibdib at bigat ng pakiramdam ko. Sunod-sunod na gumulong ang mga butil ng luha sa aking pisngi habang nagmamaneho ako. I even had to stop the car dahil sobrang labo na ng paningin ko dahil sa mga luhang walang-tigil na umaagos. Kinagat ko ang nanginginig kong labi. I tried to suppress my sobs, but I failed. Tuluyan akong umiyak nang malakas. I let it all out. The pain, the regrets, the weights of the past that I have been carrying for eight years—I let it all out. Akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko nang i-manage ang nararamdaman ko, pero hindi pa pala. Seeing him in flesh brought me back to the day I left him; to the days I wished I never left; to the times I thought

