Legal vs Kabit

1016 Words
"Jeff, puwede naman natin itong idaan sa maayos," luhaan kong pahayag ngunit hindi siya nakikinig sa akin. "Ito ang gusto ko, may reklamo ka ba, ha?!" Sabay pakita nito ng kamao niya. Nakaramdam na naman ako nang takot dahil hindi pa ako naka-recover sa naunang pananakit niya. "Aray… Jeff!" napasigaw ako sa sobrang sakit at napahawak nang mahigpit sa sapin ng higaan. Dahil hindi sa aking hiyas ipinasok ang p*********i niya. Kung 'di sa ibang butas. Habang ramdam niya na nasasaktan ako ay mas lalo siyang ginaganahan. "Jeff, tama na..." walang tigil ako sa pagmamakaawa at daing ngunit hindi pa rin niya ako pinakinggan. Nang makaraos siya ay agad itong humiga at walang pakialam sa akin. Habang ako naman ay namimilipit sa sakit na halos hindi makatayo. Sumandal ako sa gilid ng kama at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak. Hindi ko maiwasan ang mapahagulgol dahil sa sobrang sama nang loob ko para sa aking asawa. Gusto ko sana itong kausapin ngunit tulog na agad siya. Dahil sa ginawa niya sa akin ay nagpasya na akong makipag hiwalay na lamang. Sapagkat pakiramdam ko ay binababoy na niya ako at hindi na nirerespeto. "Bahala na kung maghihirap kami ng mga anak basta huwag lang akong babuyin nang paulit-ulit," wika ko sa aking sarili. Kinabukasan nang umaga ay hinintay kong magising ang aking asawa para makipag-usap ako nang masinsinan tungkol sa pakikipaghiwalay ko sa kaniya. "Jeff, puwede ba tayong mag-usap?" Panimula ko rito. "Importanteng-importante ba 'yan?" tugon nito na hindi man lang tumingin sa akin. "Tungkol sa ating dalawa." "Oh, bakit? May problema ba?" "Jeff, g-gusto ko na sanang makipaghiwalay," halos paanas kong sabi dahil kinabahan ako. Bigla siyang humalakhak at humarap sa akin. "Ano ang sabi mo? Ulitin mo nga!" turan nito na may galit sa mukha nito. Bigla akong napatayo at umatras dahil nanlisik sa galit ang mga mata ng aking asawa. "J—Jeff..." nanginginig kong sambit at patuloy sa pag-atras. "Nagpapatawa ka ba, ha?!" Sabay hawak niya sa dalawa kong balikat. "—Hindi! S-seryoso ako. Pagod na pagod na ako! Ayaw ko na sa ganitong sitwasyon natin. Hindi mo na ako itinuturing na asawa o kahit tao man lang!" Luhaan kong tugon habang seryoso akong humarap sa kaniya. "Ang dami mong drama! Walang hiwalayan na mangyayari! At tandaan mo ito, Jenny! Huwag na huwag mong tangkain na maglayas o iwanan ako! Dahil papatayin kita at uubusin ko ang iyong pamilya! Naintindihan mo?!" bulyaw nito sa akin. Na mas lalong nanlisik ang mga mata niya sa galit. At nagpakawala ito ng isang sampal na dumapo sa aking pisngi. Iniwan ako ng aking asawa na umiiyak at sapu-sapu ang isang kong pisngi. Walang akong nagawa kung hindi ang humagulgol na lamang. Kahit nakaramdam pa ako ng sakit na dulot ng ginawa nito kagabi ay sinikap ko pa rin na magtungo sa kusina upang maghanda ng almusal namin. Nagiging kalbaryo ang buhay ko sa piling ng aking asawa. Ang tanging nagpapalakas na lang sa akin ay ang dalawa kong anak. Dito na lamang ako humuhugot at kumukuha ng lakas. ISANG GABI, habang nasa sala kaming mag-ina at nanonood ng palabas ay biglang dumating si Jeff na mayroong kasamang babae na mas bata ito kaysa akin. Napakaseksi ng babae, kung ikumpara sa akin ay hindi man lamang ako nangangalahati rito. Lumaki ang aking mga mata at tulala rin ang mga anak ko. Halos dinurog ni Jeff ang aking puso sobrang sakit ang aking nararamdaman ng mga sandaling ito. Nagtuloy silang dalawa sa kuwarto sa kuwarto naming mag-asawa na parang hindi man lang kami nakita. "Mommy, sino ang kasama ni Daddy?" inosenteng tanong ng bunso kong anak. "Hindi ko kilala, anak," halos paanas kong tugon na ang aking tingin ay nakasunod sa kanila. "Mommy, bakit dinala ni Daddy sa kuwarto ninyo?" sabat naman na tanong ng panganay kong anak. "H-hindi ko alam..." sabi ko at nagsimulang pumatak ang aking mga luha. Nakaramdam ako ng sobrang hiya sa harap ng aking mga anak. Hindi ko napigilan ang aking sarili at bigla akong napahagulgol sa harap ng mga bata. "Mommy..." sambit ng bunso ko at yumakap ito sa akin. Tumakbo naman sa kusina ang panganay kong anal at kumuha ito ng tubig. "Mommy, uminom ka muna ng tubig..." pag-alalang sabi nito. "Salamat." At niyakap ko sila. "Pumasok muna kayo sa kuwarto ninyo," malumanay kong utos at sinunod naman nila ako. Pinuntahan ko ang aking asawa sa loob ng kuwarto namin. Ngunit hindi ko napansin na huminto pala ang mga bata sa may pintuan at pinagmasdan nila akong pumasok. "Animal ka, Jeff! Sumosobra ka na! Dito mo pa mismo dinala sa bahay ang kabit mo! Kung wala ka ng respeto sa akin bilang iyong asawa, sana sa mga anak mo ay nagtira ka naman!" bulyaw ko rito. "Sweet, siya ba ang asawa mo? Kaya naman pala pinagpalit ka ni Jeff sa akin ay dahil mukha ka pa lang basahan!" Pang-aalipusta ng kabit niya at tumawa pa ito. "Basahan pala!" Galit na galit ako at sinugod ko ang babae sa kama at agad ko siyang sinunggaban sabay hila ko sa buhok nito. "Bitiwan mo ako… Jeff! Jeff!" nagsisigaw ang kabit niya at bumagsak ito sa sahig. Sabay hila ko palabas ng kuwarto. "Tama na Jenny! Bitiwan mo siya! Kahit kailan ay wala ka pa ring kuwenta, bastos ka pa rin!" singhal ni Jeff sa akin habang hiniwalay niya ako sa kabit niya. Naitulak siya niya ako at bumalandra sa may lamesa. Agrabyado ako dahil mas kinakampihan niya ang kaniyang kabit. Dahil sa galit ni Jeff sa akin ay nilapitan niya ako at pinagsasampal nang paulit-ulit. "Lumalaban ka na, ha!" sabi pa niya habang patuloy niya akong sinasaktan. "Sige, Jeff! Bugbugin mo pa iyan..." utos ng kabit niya. "—Daddy...huwag!" sigaw ng dalawa naming anak na yakap nila ang isa't isa dahil sa sobrang takot. Ngunit hindi nakinig ang aking asawa at sinunod ang utos ng kabit niya. Patuloy niya akong sinusuntok at pinagsasampal. Aksidente namang nahulog ang baril niya sa sahig at hindi niya ito napansin. Dali-dali ko itong pinulot at tinutok sa aking asawa. "Sige! Lumapit ka!" Banta ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD