IV

854 Words
"There you go." Huminga lang nang malalim si Rose pagkalabas ng hospital. Kahit pa naka-mask mas magaan parin yon kaysa nasa loob siya at suot na PPE. Masyadong mainit at sobrang tagaktak ang pawis na halos magwaterfall na. Muntik na siyang i-let down ni Rexona. She checked her bank's mobile app. Napangiwi siya dahil 0 balance parin yon kahit payday na, wala paring sweldo. Naibibigay naman yon ng kumpleto kaso sobra ang delay. Kung wala siyang naitabi malamang gutom ang aabutin. Kasabay pa ng padami nang padami na pasyente. Marami pang nagsisinungaling ng totoong lagay. Last year, half of their staff were quarantined. Two were infected. Dahil lang may isang pasyente na hindi nagsabing may close contact sa isang positive case. Nag-alala din siya dahil puro buntis ang mga kasama at may mga baby din na nandoon. Hindi daw totoo yung virus. Gawa-gawa lang ng media. Masarap saksaksan minsan ng tubo sa lalamunan nang walang anesthesia. Sayang at di niya linya yon. Huminga nalang uli siya nang malalim. Sana lang talaga matapos na ito. She checked her messages, busy siya kanina kaya ngayon lang niya tiningnan. Kay Carrie yung una niyang nakita. Napangiti siya. -Teh, were na u? Tinatanong nila Tita. -San ka daw uuwi? Sa boarding house ba? Nagtype siya ng sagot dito. -Condo muna, beh. It's been days nung umuwi siya doon. Mabisita man lang, baka inaamag na. Though she really misses going to their family's compound, nandoon kasi ang mga Lola at tiyahin niya. Kaso puro seniors ang nandoon. Kahit sabihing malalakas pa sila sa kalabaw ngayon, they all have comorbidities, baka may madala pa siya galing sa trabaho, mahirap na. She checked the others. All from her colleagues and one from her Dada. -Take care, mija. Weird. Walang kasunod yon. Usually isang mahabang paragraph ng paalala ang sini-send ng ama sa kanya araw-araw. Nagkibit-balikat lang siya. Maybe he's busy, she thought. Kasama nito yung bagong asawa sa Hawaii. She promised she would let him have his retirement peacefully kaya di naman siya nakikialam na. Masyado nang magulo ang buhay ng ama niya. Ang dami ba namang kaaway. Ngayon lang nga natahimik. And then si Buds. -Coming tonight? Ngumiti siya sa mensahe nito. Replace the 'o' with 'u' and add another 'm', she might consider. But she had some things she needed to do. Nakaplano na. Bukas nalang siguro. And, though she enjoyed last time so much, she's still a bit sore. Hanggang ngayon ramdam parin niya. Masyado yatang napagod, pahinga muna siguro ngayon si kiffy. Dumiretso siya sa parking lot. Medyo malayo yon sa hospital building kaya wala gaanong tao. But something was off, she thought. Ramdam niyang may nakatingin at sumusunod sa kanya. Hindi parin talaga pumupurol ang pakiramdam. A key. A pen. Anything pointy will do Tinuloy niya lang ang lakad. She reached inside her pocket as she heard the footsteps approaching. Pinakiramdaman niya ang paligid. Sila lang ang tao doon. Nagtitipid rin ang hospital kaya walang CCTV sa banda sa parking. Man. Six feet one. One hundred seventy something. Smells like raspberries and gin. Seemed familiar, she thought. Napangisi siya. Malapit na. Ramdam niya. Mabilis siyang pumihit patalikod at tinutok ang ballpen sa leeg nito. She can smell a hint of blood, mukhang sumablay siya doon at nagasgas niya ang balat. Di niya naman sadya. Kailangan na niya yata ng practice uli. "F*ck. What the f*ck?!" Sigaw ng lalaki habang hawak ang leeg. Napaatras pa. Blood trickling down his hands. Sorry naman. Umirap siya at tinago ang ballpen sa bulsa. Masyadong lang OA. Malayo naman sa bituka yon. Pero kung sakaling malapit-lapit pa ito ng isang hakbang, bumaon na sa trachea nito yung dulo ng ballpen. "Xaiv." Kahit nakamask na itim ay kilalang-kilala niya. At kahit na nakamask alam niyang nakangisi na din ito sa kanya. "You almost had me there. F*ck." Sabi nito sabay tanggal ng hood ng jacket. Sinuklay pa ng itim na itim na buhok. Mahaba iyon dati, mabuti at naiisipan nang gupitan. "Kakadating ko lang tapos ganyan isasalubong mo sakin." There's a bit of a twang when he said that. Pero marunong parin itong managalog. Di pa nakalimutan ang mga tinuro niya. "Sorry, I missed." Tumayo lang ang lalaki ng tuwid at bahagyang pinunasan ang leeg. "You missed what?" "About an inch." "F*ck. You really want to kill me, do you? After everything we've been through?" "Kasalanan mo yan. May pasunod-sunod ka pa kasing nalalaman." Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti. "C'mon, Xaiv. I'll fix that up." She sighed. Hindi niya alam kung bakit nandito si Xavier. It's been years since she saw him. And she knew he's still part of the System. Hindi rin naman ito basta susulpot nalang. Unless it's an order from one of the Chancellor. Their heads. She pressed her keys at naglakad papalapit ng sasakyan. "Red." Humarap siya nang tawagin nito. Matagal na rin niyang di ginagamit ang pangalang yon. Hindi na siya sanay na marinig. "What is it this time, Blue?" Tawag niya sa code nito. She saw his chest heave. At kahit mata lang ang nakikita niya, nababasa niyang may dala itong masamang balita. "Indigo is dead."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD