"What the fck are you doing? Bakit mo hawak ang mga alahas ni Mommy?" naiinis na tanong ko sa kaniya. Sumiklab ang galit sa aking puso dahil sa aking nasaksihan. Kaya pala ako kinakabahan dahil may nakikialam ng gamit ni Mommy. Acceptable ba ang ganito? Nakialam siya ng hindi naman niya pagmamay-ari. Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon niya nang bumukas ang pinto. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Ang sabi ng ama mo ay sa akin na ito—” Kaagad kong hinila ang kaniyang buhok at galit na sinampal siya. Sino siya para angkinin ang gamit ni Mommy? Kinuha na nga niya ang asawa ni Mommy. Pinatay na nga nila si Mommy tapos pati ang mga gamit na iniwan niya, kukunin din niya? Ganoon ba kakapal ang kanilang mukha para angkinin ang mga bagay na hindi naman sa kanila? "Ang kapal ng mukha mong angki

