Hinayaan ko si Matthew sa kagustuhan niya. Hindi ko rin alam kung bakit naging kalmado na ang puso ko pagkatapos no'n. Natanggal iyong mga nasa isip ko dahil tama naman ang sinabi niya. Hindi kami tatagal kung hindi siya seryoso sa akin. Naging busy ako sa pagtatrabaho at minsan ay kinakausap ko sina Tita at Tito pero ramdam ko pa rin ang lungkot nila kaya hindi ko magawang hindi maging malungkot. Mahirap, oo pero hindi ko maiwasan lalo na kapag sumasagi sa isip ko si Xia. Sariwa pa rin kasi sa akin ang sugat at pakiramdam ko ay matatagalan bago maghilom ang sugat namin. Malaki ang naging parte ni Xianel sa amin kaya masakit sa akin na mawala na lang siya basta-basta. Palaging sumasagi sa akin ang mga naging pagsasama namin at minsan napapatanong ako kung ano ba talaga ang nangyari sa ka

