Pagkatapos naming kumain ay medyo nag-aalangan pa akong magsalita at nakita ko namang ganoon din siya. Parang nagpapakiramdaman muna kami kung paano ang magiging approach namin sa isa't-isa lalo pa at ngayon lang kami nagkita. "Gusto mo bang magpunta sa VIP room? May mga sasabihin lang kasi akong importante," wika ko sa kaniya. Nakita ko naman na medyo naguluhan siya sa aking sinabi ngunit kaagad din naman siyang sumunod sa akin nang sabihin ko sa waiter na magtutungo na kami sa VIP room na pina-reserve ko rin. Nang makapasok kami ay kaagad kong inilabas ang envelope sa na ibinigay sa akin ni Tito tungkol sa nangyari noon. Gusto kong ipakita sa kaniya lahat nang kailangan niyang malaman lalo pa at alam kong may posibilidad na hindi siya maniwala sa akin kung sasabihin ko lamang. Kailan

