Chapter 43

1260 Words

Nang pakiramdam kong maayos na ang aking utak, bumaba ako ng aking kuwarto. Ilang buwan na rin ako rito at masasabi kong nakatulong din ang pagpapahinga ko dahil kahit papaano, naging kalmado na ako at unti-unti ko nang naiintindihan ang mga paliwanag ni Matthew. "Tita," bati ko kay Tita nang makita ko siya sa kusina. Ngumiti naman siya sa akin at ibinigay ang strawberry na punong-puno ng chocolate. Umaga pa lamang ay ito na ang ibinigay niya sa akin. Medyo nahihiya tuloy ako kay Tita pero kahit papaano ay tumaba ang puso ko. Nami-miss ko kasi si Mommy. Siguro kung hindi pa nawala si Mommy, baka sakaling nararamdaman ko iyong pag-aalaga niya sa akin. Baka sitahin niya rin ako sa mga bagay na hindi puwede sa akin. Ngayong naalala ko si Mommy, kumirot ang puso ko. Miss na miss ko na siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD