Lumipas ang panahon at bagamat marami na siyang naririnig na tinig sa kanyang isipan pilit niya parin yung nilabanan para kay tatag ang pagkain ng karne ng tao ay walang kapatawaran sa amang naglikha... Dahil sa oag nanais niyang wag mapunta sa impyerno kung kayat lahat ng maari niyang gawin na pag iwas ay kanyang ginawa..... Ang una niyang ginawang hakbang upang bumalik sa normal ay ang pag kunsulta sa albularyo sa karamdaman niyang iniinda noong una naging maayos naman ang kanilang gamotan ngunit makalipas naman ang ilang araw nahihirapan na ang albularyong tulongan siya nang dumating na sa Punto na umamin na ito na wala na siyang magagawa sa kanyang karamdaman doon na siya nag pasya na ipahanap sa mga taohan niyang aswang ang matandang kuba na kasosyo ng nag laho niyang amo... Hindi naman naging mahirap para sa kanya na isakatuparan ang paghanap dahil nasa ilalim paden ng kanyang pamamahala ang lahi ng aswang na minsan ng tumulong sa kanya matapos niyang mapakalat sa mga ito ang kanyang utos agad namang hinanap ng mga aswang ang kuba halos hindi sila bumalik ng isang buwan dahil nais nilang matupad ang kagustohan ni tatag sa pag sapit ng unang lingo ng sumunod na buwan doon na niya naramdaman ang presensya ng mga mensaherong inutusan niya sa pag balik ng mga ito sa kanyang lugar nasipat niya ang isang matandang kuba na nag lalakad kasama ang mga aswang nag magkatitigan silang dalawa agad naman itong napa ngisi habang papalapit itong nag lalakad sa kanya.. Sa pag haharap nila animoy hindi maipinta rito ang kagalakan na makikita sa kanyang mga mata bago pa man ito makapag salita inabisuhan niya ang mga alagad na iwan muna silang dalawa "kamust iho hihihi ang bilis ng panahon dati katulong ka lang sa lupaing ito ngayon ikaw na ang nag mamay ari sabihin mo ano ang kailangan mo balita ko nais mong ipakuha sakin ang mutya ng igaras na nasa loob ng sistema mo nakakapag taka naman yata kay lakas ng kapangyarihan niyan subalit pilit mo yang tinatangihan" wika ng matandang kuba habang nag lalapat ang kanyang mga daliri sa bawat isa, at matapos naman niyang marinig ito inanyayahan niya naman itong pumasok sa bahay niya hindi nila maaaring pag usapan ang bagay na yun sa bakuran nila sa kadahilanang madaming tenga ang nakikinig makalipas naman ang ilang minuto nang makapasok na sila sa loob ng tahanan niya agad naman niyang inutusan ng matanda na tangalin ang bertud na nasa kanyang loob ayon kay tatag hindi niya kailangan ang ganoong kapangyarihan gawa nang maaring naapektuhan nito ang kanyang kaluluwa sa pagtagal ng panahon ayaw din niyang gumawa ngbkarumal dumal na gawain sa kanyang kapwa kung kayat habang maaga pa nais na niya yung itakwil sa kanyang pagka tao nang marinig naman yun ng matandang kuba ngumisi lamang iyon habang nanatiling nakatitig sa kanyang mga mata maya maya paglapit na paglapit nito sa kanya bigla itong bumulong na " madali lang yang pinapagawa mo iho subalit bago ko yan maikalas sa iyong katawan kailangan mong nanumpa sa banal na lupa ng mga diwata hindi na natin kailangan pang pumunta sa kung saan sapagkat dito mismo sa kinatitirikan ng bahay mo dito nananalangin ang dati mong amo mag intay ka gagawa ako ritwal" kasabay ng pagwika nito ay siya namang dahan dahang pag ukit ng mga simbolo sa papag ng kanyang tahanan makalipas nga lang ang ilang minuto inabisuhan na siya nitong tumayo sa gitna para umpisahan na ang pagtangal ng bertud ng agaras sa kanyang sistema bagamat hindi niya alam ang susunod na gagawin ng kuba mas pinili niya iyong pagkatiwalaan ng sa ganun wala siyang pag sisihan sa hinaharap sa pagtayo ni tatag sa gitna nito tanging lakas lamang ng kanyang loob ang kanyang pinang huhugotan para gawin ang bagay na yun sa isang iglap pagkarinig niya sa usal ng kuba halos hindi na niya maunawaan kung anong nangyayare sa kanyang katawan pakiramdam niya noon, lumulutang siya, napupunit siya, nakakakita rin siya ng kung ano anong mga nilalang at hindi maipaliwanag na kaganapan makalipas lamang ang ilang minuto sa hindi inaaaahan na kaganapan na dapo siya sa isang lugar kung saan merong napaka liwanag na pintong dahandahang bumubukas pag pasok niya roon nasipat niya ang isang nilalang na nakaupo sa ere habang pinag mamasdan niya ito tanging korona lamang ang kanyang nasiailayan napansin niya rin na ang sinturon nito ang nag sisilbing mga paa nito sa lugar na labis naman niyang ikinagulat pag lalarawan ni tatag meron itong ginintuang kasuotan at wala yung suot pang itaas mahahaba den ang braso nito at merong matitingkad na balat makisig pangangatawan ng nilalang at bakas sa wangis nito ang taglay niyang lakas sa pakikidigma sa pag hawak nito sa kanyang dibdib kitang kita ni tatag ang pag labas ng kalahati ng bertud ng agaras matapos niya yung masilayan bigla namang nandilim ang kanyang paningin na para bang hinugot siya pakararumlan pag mulat niya ng kanyang nga mata bumungad sa kanya ang kubang halos hindi maipinta ang pag mumuka hawak hawak nito ang kalati ng bertud ng agaras na para bang hindi makapaniwala sa bagay na kanyang nakuha "A a aano ito papapaano nangyaring kalahati lang ito nnnasan ang ka-kalahati tatag man lilinlang ka.. Manlilinlang ka..." nag aangil na wika ng kuba habang dahan dahang umaatras sa kanyang harapan bago pa man niya ito mahawakan bigla naman itong kumaripas ng takbo nang masipat nito ang gintong singsing na kanyang suot hindi naging mahirap sa nilalang na masipat ang singsing na yun sapagkat unti unti yung nagliliwanag sa kabila nang napaka dilim na paligid sa pag alis nito sa loob ng kanyang bahay wala na siyang ibang nagawa kundi ang maupo maigi den niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili sa kadahilanang wala siyang ideya sa ritwal na ginawa ng matanda..... Maya maya pa ng mapagtanto niyang nasa maayos naman ang lagay ng kanyang katawan minabuti na niyang lumabas upang tignan ang mga taohang aswang na kasama niyang namumuhay sa lupaing iniwan sa kanya ng kanyang amo pag silay niya sa mga itong normal namang nananahan sa lugar pinili na ni tatag na mag pahinga habang nag iintay siya sa niluluto panay naman ang kanyang pag iisip sa nilalang na humati sa bertud ng agaras naniniwala siyang totoo ang pangitaing yun lalo nat nasipat niya ang kuba na dala ang kalahati nito sa pag papatuloy ng kanyang pag iisip bigla naman nabaling ang kanyang atensyon sa paligid ng biglang nakaramdam siya ng isang kakaibang presenya na pumasok bago pa man siya makatayo sa kanyang kinaroroonan laking gulat na lamabg niya nang makita niya mula ang nilala na nakalutang sa kanyang harapan dahan dahan yung lumalapit sa kanya gamit ang sinturon nitong nag sisilbing mga paa sa pag silay ni tatag sa muka nito doon niya nasilayan ang maputi niyang mga mata at kulay abo nitong mga buhok na hindi bumababa pag kumpas ng nilalang na yun ng kanyang kamay lahat ng gasirang naroon ay bigla nalang nagkaroon ng siga narinig din niya ang mga aswang na namumuhay kasama niya na nagsi pulasan mula sa lugar na kanilang kinaroroonan sa pag balik sa katahimikan sa paligid doon na niya nakilala ang nilalang na yun bagamat hindi ito nag sasalita rinig na rinig naman ni tatag ang pangungusap nito sa kanyang isipan ayon sa nilalang siya ang nagsasakatuparan ng lahat ng hangarin ng kung sino man ang nag tatangan sa gintong singsing hindi mahalaga rito kung anong pagkatao meron ang nag tatangan sa sing sing na yun gawa nang ang tanging mahalaga lamang para sa diwata ay pag lingkuran ito ayon sa nakapag kasunduan nilang dalawa mariin din nitong inilahad sa kanya na kung hindi siya karapat dapat mag tangan ng armas na yun paniguradong matutunaw ang kanyang kaluluwa bago pa man niya yun malaman.. Matapos itong mailahad ng nilalang bigla naman yung ngunisi sa kanya habang dahandahang naglalaho sa pagpatay sa mga gasira doon nasipat ni tatag na kumukulo na ang niluluto niya kinagabihan halos tulala naman siya at hindi mapakali dagdag alalahanin niya kase ang tungkol sa sinabi ng kuba at ang naging pahayag sa kanya ng kaptan naniniwala si tatag na kung hindi Nakuha ng kuba ang kabooan ng bertud maaaring ang kalahati nito ay naroon paden sa kanyang kalooban upang maresolva ang kanyang katanongan ipinatawag niya si tenyente gemo gawa nang naniniwala siya na yun lamang ang makakasagot sa mga katanongan niya makalipas lamang ang ilang minuto inabisuhan na niya ang mga mensahero na tawagin ang mga pangkat nito bagamat malayo sa kaniyang lugar ang dwenyas nakakasiguro siyang hindi mahihirapan ang pangkat ni gemo ang pag bisita sa kanyang tahanan ngayong gabi habang hindi pa yun nakakarating wala na siyang ibang ginawa kundi ipunin ang mga aswang na namumuhay malapit sa kanyang bahay minabuti niyang abisuhan yun sa mga nangyare nang sa gayun ay hindi siya pag isipan nito ng masama matapos itong maipagtapat ni tatag harap harapan na niyang inilahad sa kanyang mga taohan na malaya na yung bumalik sa kanikanilang mga lugar bukod kase sa wala na yung hahabolin sa kanya alam niyang matagal na ding nangungulila ang mga pamilya nilang iniwan nang marinig naman yun ng mga aswang paisa isa naman yung nag pa alam sa kanya bago yun umalis taos puso nitong pasasalamat ang binagay nito sa kanya sa kadahilanang ni minsan hindi niya yun pinag diskitahan bagamat madami ang umalis may mga mangilan ngilan namang nanatili sa kanyang tabi mas ninais ng ibang pamilya ng mga aswang na manatili sa kadahilanang malawak ang lupain ni tatag sa lugar ng sapian hindi hamak na mas mabubuhay sila doon ng payapa kumpara sa mga baryong kanilang kinalakihan bago sumapit ang hating gabi dumating na nga ang pangkat ni tenyente gemo habang nag lalakad yun sa malawak na lupain kitang kita ni tatag ang pagliwanag ng mga mata nito maya maya pa pag pasok nito sa bakuran na masaya naman yung nag wika sa kanya nang "magandang gabi sayo manong tatag ano ang aming maipaglilingkod batid namin biglaan naman yata ang inyong pagpapatawag" nang marinig naman ni tatag ang sinabi nito agad naman niya itong senenyasan na pumasok sa kanyang tahanan upang hindi ito maapektuhan ng presensya ng sing sing pansamantala niya muna iyong ikinuble sa kanyang bulsa pag pasok nilang dalawa sa loob ng kanilang bahay kalmado naman niya yung pinaupo sa sala nang magkaharap sa silang dalawa doon na nilahad ni tatag ang tungkol sa mga bagay na nais niyang malaman habang nag kikwento siya kitang kita niya sa muka ni gemo ang hindi makapaniwala aa mga bagay na naririnig nito nang malaman nito ang tungkol sa pagka hati nito sa bertud bigla naman yung umalma na oarang hindi makapaniwala sa mga kataga na pumasok sa isip niya "ano nahati ang bertud p.p.papano nang yare ang bagay na yun ngayong buhay kapa kusang namamatay ang bertud ng mga kauri natin sa tuwing nawawalan ng buhay ang katawan ng nag tatangan nito yan ang rason kung bakit lilipat na yun sa ibang katawan kusang namamatay ang minsan nanung nag tangan sa kaso mo buhay kapa imposibleng mahati ang bertud ng agaras dahil sa pagkakaalam ko gawa yun sa solidonhg anino ng mga kaluluwa"pahayag ni gemo sa mga bagay na narinig niya matapos naman yung malaman ni tatag maging ito man ay hindi makapaniwala kahit bigo siyang makakuha doon ng kasagotan hindi na niya yun pinansin gawa nang ang mahalaga sa kanya buhay siya at humihingi nang matapos na ang kanilang pag uusap agad naman umalis ang pangkat ni gemo para dumalik sa dwenyas nag abisu den yun sa kanya na baka sa mga susunod na araw hindi ito makabisita madame pa kaseng ginagawang bagay itong si gemo gaya ng paghahanap ng kanilang biktima para mapunan ang palaging kumukulo nilang sikmura nang marinig naman ni tatag ang sinabi nito ninais na lamang niyang huwag nang tumutul maliban kase sa hindi niya hawak ang kaisipan ni gemo alam niya ring madame itong responsibilidad na tinatalikuran para lamang duminig sa kanyang mga pag tawag
Lumipas pa ang mga araw nanatiling normal ang kanyang pakiramdam labis labis naman ang kanyang pasasalamat noon gawa nang nababahala siyang baka mag traydor sa kanyang katawan ang kalahating bertud ng agaras ilang araw na den niyang sinusubukan tawagin ang aktan pero tila ba hindi yon nakikinig sa kanyang mga pakiusap para naman mabaling sa ibang bahay ang kanyang atensyon minabuti niyang gumawa ng mga gawaing pansamantalang mag bibigay kasiyahan sa kanya dahil sa pag sasaka lamang ang tanging hilig ni tatag mung kayat araw araw niyang binubuhos ang kanyang oras sa pag tatanim ng mga puno.. 0alagi din siyang nag papastol ng kambing sa malawak na lupain kung saan payapa siyang nakakapag isip ng kanyang gagawin isang hapon habang nag lalakad si tatag pabalik sa kanyang bahay nakasalubong niya ang mga aswang na naninirahan sa kanyang lugar pag lapit ng mga ito sa kanya bigla naman itong nag sipag yoko upang mag bigay galang bumati din ang mga ito ng magandang hapon na siya namang kinatuwa niya kahit papano sa pag lagpas ng mga aswang sa kanyang pinaroroonan laking gulat na lamang ni tatag ng biglang sumigaw ang isa sa mga ito pag silay niya rito bumungad sa kanya ang kamay ng isang lalaki na bigla namang lumubo ang mga ugat nito nagsilitawan na parang malapit na itong pumutok noong una hindi pa niya alam kung anong nangyare pero nang ilahad sa kanya ng lalaki na sumayad ang balat nito sa kanyang singsing doon na siya dahan dahang kinabahan halos hindi na mawari ni tatag kung ano ang kanyang gagawin sa kadahilanang diwata ang may gawa ng karamdamang iyon... Habang sumisigaw sa sakit ang lalaki nag pasya silang dalhin ito sa loob ng kanyang tahanan itinago den muna ni tatag pansamantala ang kanyang singsing nang sa gayun hindi na ito makapaminsala pa maya maya pa habang pinag mamasdan niya ang lalaki doon niya nasilayan kung gaano ka tindi ang pinsala nitong natamo dahil na lamang sa paglapat ng balat nito sa gintong singsing upang hindi siya mapag balingan ng galit ng pamilya ng aswang hangat maaari ninais niyang ikubli ang mga nangyare sa pag lubog ng araw mas lalo pang dumanas ng kakaibang sakit ang nilalang panay na ang pag sigaw nito na taposin nalamang ang kaniyang buhay sa kadahilanang hindi na nito maatim ang kakaibang pakiramdam na patuloy bumabalot sa kanyang sistema makalipas pa ang ilang minuto doon na tumawag ng albularyo sa kadiliman ang pamilya ng aswang dahil sa naroon ito sa kabilang baryo kung kayat nag intay pa sila ng ilang oras para lamang magamot ang lalaki subalit bago pa man makarating ang kanilang hiningan ng tulong tuluyan namang pumanaw ang lalaking iyon dahil sa tindi ng pinsalang natamo ng katawan nito sinubukan pang buhayin ng pamilya nito sa pamamagitan ng oag papainom doon ng dugo ng tao pero wala na yung nagawa., dahil sa pagkamatay ng lalakeng yun naging palaisipan naman sa pamilya nito ang eksaktong rason kung bakit yun binawian ng buhay... Habang mag uusap ang mga nilalang sa kanyang harapan minabuti naman ni tatag iwanan na ang mga ito sa pag balik niya sa kanyang tahanan halos Panay naman ang pag iisip niya kung bakit biglaan ang pagka matay ng aswang inakala niya kaseng may lakas pa iyong lumaban ng sumpa dahil sa tindi ng bakod at puder nito sa katawan ang hindi pa gaano maunawaan ni tatag ay kung bakit mabilis ang epekto ng gamit ng kaptan matapos niya namang maalala ang tungkol sa diwata laking gulat na lamang niya ng muli nanaman itong lumitaw sa kanyang harapan pagsilay niya rito bigla naman siyang kinabahan gawa nang kitang kita niya sa nilalang na yun na animoy hindi pagkatuwa sa biglaan nitong paglitaw sa kanyang pamamahay paglapat ng daliri nito sa kanyang noo nakarinig siya ng isip sa kanyang isipan na nag sasabi nang " HUWAG MOKONG TAWAGIN NG TAWAGIN HINDI KO GUSTO ANG MANATILI SA INYONG MUNDO MAGING MAPAGMATYAG KA MORTAL BALANG ARAW YANG MGA KINIKILALA MONG PAMILYA ANG SIYA MISMONG TUTUKLAW SAYO" Matapos nitong makapag wika bigla naman yung nag laho sa kanyang silid nayamaya pa nabaling naman ang atensyon ni tatag sa pinto ng bahay niya ng makarinig siya doon ng tatlong katok pag bukas niya rito bumungad sa kanya ang kaibigan niyang aswang na nakatayo sa kanyang tahanan nagkatitigan silang dalawa ngumisi Lamang ito sa kanya habang nag wiwika na "pasensya kana manong tatag kung nang iistorbo ako inutusan lang ho kase ako ni tatay pinapapunta niya ho kayo sa aming bahay yun ay kung wala ho kayong ginagawa nang marinig naman ni tatag ang sinabi nito minabuti niyang bumalik muna sa loob ng kanyang silid upang mag palit ng damit sa pag bagtas nila ng daan panay naman ang kanilang pag uusap ukol sa pakay ng padre de pamilya nito ayon sa lalaki dumating na ang mang gagamot na sinadya nila sa kabilang baryo lahat ng nakita ng kapatid nitong pumanaw bago ito mawalan ng buhay ay nais makita ng nilalang na yun may kutob kase ang albularyo ng kadiliman na nasa kanila ang sagot sa kung papaano yun namatay ng biglaan dagdag pa nito na matindi ang pag mamalabis ng albularyong yun na malaman ang eksaktong ikinamatay ng kapatid nito bukod kase sa banta iyon sa lahi may pusibilidad den na magamit yun sa kanila sa hinaharap matapos naman yun mapag alaman ni tatag nanatili lamang siyang kampante sa lahat ng kanyang mga narinig inisip na lamang niya di hamak na mas tuso ang kaptan kumpara sa albularyong nais malaman ang katotohanan.... Lumipas pa ang ilang minuto narating na nga nila ang tahanan nito pag pasok nila sa loob bumungad sa kanila ang matandang nag aayuno sa harap ng kandilang itim agad nag ka titigan si tatag at albularyo laking gulat na lamang ng mga taga doon nung biglang nahulog ang matanda sa silyang kinauupuan nito habang patuloy itong nakikipag titigan kay tatag bakas sa muka ng nilalang ang hindi maipinta ang takot nito sa katawan dahil sa pangyayaring iyon napilitan nang umalis si tatag minabuti niyang lisanin na lamang ang lugar upang hindi na mas lumalala pa ang mga kaganapan hindi naman siya nababahala sa sasabihin ng mga ito sa kanya lalo nat alam niya sa kaniyang sarili kung anong klaseng abilidad meron siya matagal nading naibaon ni tatag sa katawan ng mga aswang ang isang kapangipangilabot na sumpa kapag nag salita ito tungkol sa pagbabanta sa kanyang buhay..
Lumipas ang gabing iyon pansin na lamang ni tatag ang pagka wala ng pamilya sa tirahan ng mga ito maaaring lumisan na ang mga aswang gawa ng ayaw na nitong madagdagan ang hindi maipaliwanag na kaganapan sa kanilang pamilya labis naman niya iyong nauunawaan lalo nat alam niya ang pakiramdam ng malagay sa panganib ang buhay.......