Nandito si Mara sa isang napakalawak na lupain. Mayroong limang gusali at may kaniya-kaniyang palikuran doon. Tuwing lunes at biyernes ay napupuno iyon ng mga batang paslit at sila ay mga nakaunipormeng puti.
"Mara! Dalian mo at male-late na tayo."
Nagmadali ang batang nagngangalang Mara at agad na sinundan ang kaniyang ina.
Inilibot ng paslit ang kaniyang paningin sa paligid kung saan ay limang taon na niya nililibot. Mayroong mga batang masayang naglalaro sa palaruan at mayroon ding mga batang nagpapaalam sa kanilang mga magulang.
Hindi maiwasan ni Mara mainggit at tanungin ang sarili kung bakit hindi iyon ginagawa ng kaniyang ama at ina kung gayon ay nasa iisang lugar lang din naman iyung pinupuntahan nila.
"Mara, gusto ko galingan mo sa bago mong titser. Pinagmalaki ko pa naman sa kaniya kung gaano ka kagaling sa math," masayang sabi ng kaniyang ina.
"Ina, diba mahina ako sa math. Baka umasa 'yon na magaling nga ako."
Agad na napatigil ang kaniya ina sa paglalakad at lumuhod na kasing tangkad ni Mara.
"Anong sabi ko sa 'yo nong tinuturuan kita?" galit na tanong nong kaniyang ina.
Nanginig ang katawan ni Mara at nauutal-utal na sinagot ang ina, "H-huwag pangunahan ng takot pero mama, hindi nga kasi..."
Hindi na natapos ni Mara ang kaniya sasabihin dahil marahas na hinawakan siya nong kaniyang ina ang kamay, "Kapagsinabi ko sa 'yong kaya mo, dapat mong kayanin! Basta, magsumikap ka!"
Gustuhin man umiyak ni Mara, mas pinili na lamang nito na itago sa kaloob-looban niya ang luhang iyon.
Nang makarating sila sa isang kwartong mayroong apat na put-dalawang bata ay agad na hinalikan ito ng kaniyang ina sa noo at nagpaalam.
Kinakabahan man, taas noo siyang pumasok sa kuwartong iyon at nilapag sa katabing silya ang kaniyang back pack na mayroong cartoon design.
"Mara! Mara, prinsesa na pangit," pakantang sabi nong bata.
Sa loob ng limang taon, palaging iyon ang kaniyang naririnig. Tila ba isang musika na lang iyon sa kaniyang tainga dahil kahit hindi nila salitain, naririnig niya ito sa kaniyang ulo tuwing gabi.
"Mara, hayaan mo na sila," sabi nong batang uhugin kay Mara.
"Good morning, kids."
Agad na tumahimik ang mga batang nagdadaldalan at nilingon ang pinanggalingan noong misteryosong boses.
"Today is the day that all of you will die."
Ang ibang bata ay nagsalubong ang kilay at ang iba naman ay tila ba pilit na iniintindi ang sinabi ng lalaki.
"Die?" natatakot na bigkas ni Mara.
Oo nga at mahina si Mara sa asignaturang matematika pero mayroon siyang hindi matawaran na galing sa wikang Ingles.
"Die? Diba a-ang ibig sabihin non ay mamamatay," nanginginig na bulong ni Mara sa kaniyang sarili.
Isang putok ng b***l ang nagpatigil kay Mara sa pag-iisip. Ganon na lamang ang gulat niya nang makitang nakahandusay ang kaklase niyang kanina lang ay inaasar siya.
Dahil doon ay nagkaniya-kaniya magsitakbuhan palabas ng classroom ang mga bata at ang iba ay nag-uumpisa na magsiiyakan.
"Mommy!"
"Ahhh! Takbo!"
Nagkakagulo na ang lahat pero si Mara ay napako sa kaniyang kinauupuan. Nanginginig ang kaniyang mata at labi dahil sa nararamdaman niyang takot.
"A-ano nangyayari?" tanong niya sa kaniyang sarili.
Unti-unting bumabagal ang paligid ni Mara, naisin man niyang tumakbo dahil nakikita niyang unti-unting paglapit sa kaniya nong estrangherong lalaki.
"Little girl, bakit hindi ka rin nakikitakbo? Gusto mo na ba mamatay?"
Dahan-dahan niyang pinihit pakaliwa ang kaniyang ulo para tingnan ang mukha nong lalaki. May nakaukit na ngisi sa labi niya pero mas kapansin-pansin ang kalungkutan sa mga mata nito.
"Mara! Ano bang ginagawa mo riyan? Lumayo ka sa kaniya!"
Nagitla si Mara dahil narinig niya pagsigaw ng kaniyang ina at nang lingunin niya ito, nagulat siya dahil nandon din ang kaniyang ama.
"Mara!" sigaw ng kaniyang ama, "Huwag mong sasaktan ang anak namin!"
Hahakbang na sana siya para puntahan ang kaniyang mga magulang pero agad siyang hinahawak sa leeg nong lalaki at marahas na tinutok ang labi ng b***l sa kaniyang leeg. "Sige! Subukan niyong lumapit. Papatayin ko siya!"
Nagpumiglas si Mara para makaalis pero ano nga ba ang laban ng isang paslit sa armadong lalaki. Kinaladlad siya nito papunta sa kabilang labasan at dinala sa entabledo ng eskwelahan.
"Mama! Papa!"
Si Mara, may ama at ina na mga guro. Ang kaniyang ama ay nagtuturo asignaturang ingles kaya hindi kataka-taka na nagkakasundo ang ama at may angking galing doon. Ang kaniyang ina naman ay sa asignaturang matematika kaya ganon na lamang ang galit ng kaniyang ina kanina nang sabihin ni Mara na hindi siya mahusay doon. Oo nga at hindi madalas na nagkakasabay silang pamilya papuntang eskwelahan at madalas magalit ang kaniyang ina dahil hindi siya magaling sa asignaturang matimatika, kahit ganon ay damang-dama ni Mara ang pagmamahal ng kaniyang mga gurong magulang. Para sa kaniya ay para silang mga super hero.
"Mara!"
Sa isang iglap, umalingawngaw ang putok ng b***l at natamaan nito sa tiyan ang kaniyang ina.
"MAMA!"
Kasabay nang pagbagsak ng kaniyang ina sa malamig na semento, kasabay din non ang pagguho ng mundo ni Mara.
Dahil sa putok ng b***l, sumiklab muli ang takot sa buong paligid.
Buong galit na kinagat ni Mara ang kamay nong lalaki kaya nagkaroon siya nang pagkakataon para makawala.
"Ahh!"
Agad niyang nilapitan ang nag-aagaw buhay niyang ina. "Mama!"
"Mama! Pakiusap, huwag po kayong mawala sa akin. Pangako ko na gagalingan ko na sa math, hindi na po ako magrereklamo at matatakot. Ma!"
Dahan-dahan hinaplos ng kaniyang ina ang pisngi ni Mara at kahit nahihirapan, may sinabi siya rito.
"Mara, a-anak. Okay lang sa akin kung hindi ka magaling, ang nais ko lamang s-sabihin sa 'yong sobra akong proud dahil naging anak kita."
"Margi! Huwag mong sabihin iyan. Hindi kapa mawawala sa amin!" pagmamakaawang sabi nong ama ni Mara.
"Marcelo, palagi mong ihahatid si Mara sa classroom niya saka simula ngayon dapat ka na matuto magluto."
Sa ilang saglit, tumigil na sa paghinga ang ina ni Mara at kasabay non ang pagtigil ng kaniyang mundo. "Mama!"
Nakarinig ulit ng putok ng b***l si Mara at sa isang gilap, kayakap-yakap na siya ng kaniyang ama.
"Papa!"
Sakaniya tumama ang balang para kay Mara. Kung kanina ay tumigil ang mundo ni Mara, ngayon naman ay tuluyan nang gumuho ang kaniyang mundo.
Umalingawngaw sa buong paligid ang putok ng b***l dahil ngayon lamang dumating ang mga otoridad.
Nabalita sa telebisiyon at radyo ang nangyari sa paaralan na iyon. Agad na nahuli ang isang lalaki na may galit sa mga guro. Labis na nalungkot ang batang si Mara dahil nadamay ang kaniyang mga magulang.
Lumipas ang limang taon, bumisita muli siya sa dati niyang eskwelahan at sinariwa ang mga nangyari noong panahong nag-aaral pa siya rito hanggang sa panahong nangyari ang karumal-dumal na pagkamatay ng kaniyang magulang.
Mapait na napangiti si Mara na ngayong ay nasa ika-sampong baitang. Nais niya ring maging guro katulad ng kaniyang ama at ina, maging super teacher.
"Magiging guro rin ako rito katulad nila mama at papa, someday."