Chapter 7

1269 Words
"Sinabi ko na sa inyo kung ano ang nangyari hindi ba? Bakit paulit ulit ka?" Tanong ko sa officer na nag iinterview sa akin ngayon. "Evi!" Saway sa akin ni Ary. "Tanong kasi nang tanong." Napipikon kong sabi, sinabi ko na ang nangyari nag tatanong na naman. "Ms.Dawnson that's our job." The officer said calmly. "Hindi n'yo trabaho 'yung mag tanong ng paulit ulit. Kaya nga may papel ka riyan para isulat kung ano ang mga sinasabi ko hindi ba?" Masungit kong tanong. "Calm down woman." Keros speak. "You're one of the suspect Ms.Dawnson." Saad nito na ikinalaglag ng panga namin. "Kung ako sa 'yo, aalis na ako dito sir." Ngising sabi ni Ary. "She's right." Sabi naman ni Keros. "Eh kung sapakin kita ha?! Hindi ba ang sabi ko kakapasok ko lang nung makita ko si Sheyla sa loob?!" Galit na sabi ko, masasapak ko na 'to. "I'm just joking!" Biglang sabi nito na agad na ikinakunot ng noo ko, i looked at his name. Genon. Tinignan ko ang kamay niya may sign don. "It's you... you're one of them." Bigla kong sabi sa Genon na 'yon. "What are you talking about?" Tanong ng lahat. "Isa ka sa kasama nila." Saad kong muli sa officer na nag papanggap na inosente. "Malamang isa ako sa kasama ng mga pulis!" Galit na sabi ito. "That's not what i meant, isa ka sa pumatay. Iyang marka sa kamay mo at sa letra ng pangalan mo." Saad ko na ikinalaki ng mata niya. "Sinasabihan mo ba ako na isa ako sa kanila?" He asked. "Hindi pa ba halata?" I sarcastic asked. "Pwede kang makulong sa pag aakusa mo sa akin bata." Mayabang na sabi niya. "Ako makukulong? Ikaw ang mauuna bago ako. You want some explaination? The G in your name stand for killer and that mark in your hand stand for your loyalty on that group." I said. "Wala kang patunay na ayan ang ibig sabihin nyan!" Muling sigaw nito. "Oh, you think i don't have?" I asked. Nilitaw ko ang papel na tinago ko kanina at binuksan. Muntik nang lumuwa ang mata niya dahil sa sobrang laki non. "Goat is a letter G that mean it's a killer. Lamb is a letter L stand for investigator. Elephant is a letter E stand for Attacker. Ant is a letter A stand for planner. G is the first letter in your name." Saad kong muli. "You're trying to joke around para hindi mahalata na kinakabahan ka sa sariling gawa ng grupo mo." Pikon kong sabi roon. "Pano mo nasabi?" Pilosopong sabi nito. "Kasi may bibig ako." Kita ang irita sa mukha niya. Akmang susuntukin ako nang biglang humarang si Keros kaya siya ang nasuntok. I feel sorry for him. Gumanti ako nang suntok sa lalaki, sumipa naman ito ngunit sa hangin nga lang. Ilang minuto ang lumipas bago may dumating na pulis. "Tumigil kayo!" Sigaw nito ngunit parang wala kaming narinig. "Sabing tumigil kayo eh!" Sigaw nito sabay hampas sa lamesa. Tinaasan ko ng 'yon ng kilay. "Ms.Dawnson, I'm here to arrest Mr.Salvador." Sabi nito at pinosasan si Genon. "I told yah." Sabi ko at kinuha na ang bag ko, palabas na sana ako nung biglang may binulong sa akin si Genon. "You messed up Levine." Bulong nito sa akin. "I really mess up, Evil is on my Levine." I smirked. "And the word die is on your Erodie. You should stop, everyone is watching you as well my leader doing. You should stop or you will die." Saad niya at tumawa. Hinatak ito ng pulis palabas. "Hoy gaga, anong binulong?" Ary asked. "Nothing." Sabi ko habang naka tulala pa rin. "One of the classroom explode!" Saad ni Keros kaya napatakbo kami, sana ayos lang sila. "f**k! Keros sa likod ka dumaan! Ary mag bantay ka sa gate!" Saad ko at binilisan ang takbo. Alam kong hindi pa nakaka alis 'yon. ¢ I'm running papunta sa gate, ito ang sinabi sa akin ni Evi bago 'yon tumakbo papunta kung na saan 'yung office ni ma'am Qreana. Nagulat ako nang may matanda na uugod ugod ang lumapit sa akin. Nasa pinaka labas siya samantalang ako ay nasa loob. "A-ano po 'yon?" Kinakabahan kong tanong. "Hay nako apo! Kanina ko pa kayo hinahabol nang mga kasama mo, 'yung isang lalaki ba at babae." Tumawa ito pag tapos niyang sabihin 'yon. She's creepy. "Bakit naman po?" Magalang kong tanong kahit natatakot na. "Iyong babae na kasama mo, siya ba ang namamahala rito sa paaralan na 'to?" Tanong nito gamit ang seryoso niyang boses. "Hindi po pero siya ang batas rito, bakit po?" I asked. "17th of july hija, 'yung kaibigan mo isasakripisyo niya ang buhay niya para sa nakakarami. Bantayan n'yo siya, mukha lang na kaya niya ang lahat pero hindi." Sabi nito at tumalikod na. "Sandali po! Ano pong sinasabi nito?!" Pagalit kong tanong. "Basta hija! 'Yung kaibigan mo, hayaan mo siya maging malamig sa inyo ngunit huwag mo siya hahayaan na maging masaya dahil iba ang pinapakita niyang emosyon." Saad nito at tuluyan ng umalis. Maniniwala na ako kaso baka nag bibiro lang siya, si Evi magiging masaya? Never naging masaya ‘yon. Suspended na naman ang klase dahil sa nangyari kanina. ‘Yung nangyari kay Sheyla. I'm still thinking what's happening in this university? Dumadalas ang pag patay nila, mas madalas sa dati. Matagal na ‘tong nangyayari but the council keep it secret, pati ang mga guro, si Evi ang nag sabi na ilihim muna namin ‘yon. Ngayon? I don't think na maiitago pa rin naman ‘yon. Nag simula ang p*****n dito nung namatay ang leader ng taran, kaya ang iba sa council ay galit sa kanila, dahil ang akala nila ay gumaganti ang mga taran. Ria used to hate them not until Evi slap her nung kinausao siya non. I know Evi know something, she know something we don't. The paper she got. Goat, lamb, elephant, ant. There is something on it. Kung pati sa labas ay may kalaban pano na kami? G, l, e, a. It's Glea! May napansin akong kumakaluskos sa gawing mapuno kaya pumunta ako ron. Sumilip lang ako mula sa taas ng puno, i saw Kleija with Glea. Ginagamot niya ito, ginagamot niya ang kamay nito na may sugat. Siya nga ba talaga? Tumalon ako mula sa puno na pinag tataguan ko, mahina lang ang pag kakatalon ko kaya sigurado ako na walang makaka rinig. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa kanila ngunit naka tago pa rin. "Glea you're so tanga!" Maarteng sabi ni Kleija kay Glea. "I know!" Iritang sabi naman ni Glea sa kaniya. "Pano kung may nakakita sa ‘yo don ha?!" Galit na ang tono ni Kleija ngayon. "Wala naman ah? It's just the president who saw the paper i left." Nakita ko ang pag ngisi ng labi ni Glea. I got shocked because of that. "Alam na kaya non na isa ka sa kanila? The mark in your hand Glea, muntik nang mabura dahil sa sugat mo look!" Saad ni Kleija at tinaas ang kamay ni Glea." I saw the "&&" in Glea's hand. That was the mark of the enemy. Ayon din ang meron kanina sa lalaking pulis. "Of course she know, alam niya na. Pag lalaruan ko ang mga bobitang council na ‘yan." Saad muli nito at ngumisi. Mukhang wala na silang pag uusapan kaya umalis na ako, tumakbo ako pabalik sa gate. She will play us? Does she think she can play the council? Kami oo, pero si Evi? Hindi niya magagawa. Magaling sa pag lalaro ng tao si Evi para pag laruan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD