Naalimpungatan si Alison nang marinig ang pagbukas ng pinto. “Dale?” “Ay sorry po, Ma’am. Hindi ko po alam na may tao pala po rito. Akala ko po ay sa kwarto n’yo kayo natutulog.” Napakunot ang noo niya na tumingin sa babaeng nakauniporme. “Sino ka?” tanong niya na agad bumangon at tumingin sa bintana. Umaga na pala. “Ako po si Loida, house cleaner po dito. Good morning po pala, Ma’am Alison.” Lalong kumunot ang noo niya. “Kilala mo ‘ko?” “Yes po, Ma’am. Kilala ko po kayo sa picture, pati lagi mo po kayo nababanggit nila Madam at ngayon po ay nakilala ko na kayo ng personal. Ang ganda n’yo po pala talaga, Ma’am Alison!” dire-diretsong saad nito na ngiting ngiti sa kanya. Tingin niya ay wala pa itong bente anyos. Nginitian niya lang ito at nagpasalamat. “Si Dale ba dumating na?” tanong

