Chapter 13

2167 Words
13 "Heather is here!" And everyone came in front of me, smiling so widely. I closed the door of the car and took off my sunglasses then put it on my head. I guess, this is the real beginning of pretending. Sweeping my eyes off, I saw how everyone was so happy seeing me. I want to be happy as well because this is the first time I felt this feeling. Ganito pala ang feeling 'pag artistahin 'no? May paganito! ‘Yong hinihintay ka ng lahat, ‘yong parang gusto kang kaibiganin ng lahat. ‘Yong gusto kang makasama, at siguro lahat— parang favorite ka ng lahat. ‘Yon ‘yon. I may sound redundant, but what can I do? Ito talaga ‘yong nararamdaman ko everytime they did this to me. Bago pa rin ‘to sa akin. Kahit nga araw-araw ganito ang set-up, hindi pa rin ako magsasawa na ibanggit kung gaano kasaya ang ganitong pakiramdam. Sometimes, I am asking myself, do I really need to act like it? Is it necessary? However somehow, I'm enjoying playing as Heather. This is one of the scenes that I am creating in my mind ‘e. Ganito pala ‘yon, nangyayari pala sa parallel universe ‘yong mga second thoughts mo. I am just lucky enough to experience the things I once imagined. "She's really pretty." "Aaaahhh, my girl crush." "I wish I were Heather~" I looked at to the someone who sang it. She looked so scared the moment our eyes met, parang takot na takot talaga siya na anytime ay bubungaan ko siya. But then, I just smiled at her. Nakakaawa kasi. "She just smiled at me! She just smiled at me!!" Natuwa ako dahil sa inakto niya. She really jumped and acted so dumb, Is this how big impact of Heather's smile in their life... err day? Parang ang bigdeal sa kanila ang ngiti ni Heather. Jusko sa amin nga, kahit ngumingiti ako wala man lang pakialam iba. Ni-hindi nga makatingin sa akin ‘yong iba kasi gano’n ako ka irrelevant. Habang itong si Heather, wala na! Isang ngiti parang guguho na mundo nila! Tulad ng isang ‘to, sobrang saya na hanggang ngayon ay nagtatalon pa rin sa saya. I just passed by at her. At habang naglalakad ako ay nagsisitabihan ang lahat. Para akong negative na magnet na kapag medyo malapit ako sa kanila at binibigyan kaagad ako ng daan. So, I didn't even speak a single word. I was about to greet everyone who is greeting me but I remembered what Heather said. "Don't. ever. speak. to. someone. That's not my tea." So, I passed at them. Isa ‘yan sa mga binilin ni Heather. Well, it’s obvious naman kasi sa unang kita ko sa kaniya, hindi talaga siya makakausap, sobrang taas pa ng kilay na matatakot ka talagang banggain siya. Buti nga kung gano’n set up niya palagi ‘e. Hindi ako mapaghalataan na hindi ako si Heather na kilala nila. Hindi ako makakapagsalita, so I am safe. Period. But now, what am I going to do next knowing that Heater here doesn't have a friend? Isa rin ‘to sa nababahala ko. Yeah, I do not have a friend there BUT I HAVE LOGAN with me all through day, and the fact na nadagdagan ng isa ‘yong friend ko na si Olivia. And speaking of Olivia... Nakita ko si Olivia na papunta sa akin, kasama si Charleigh. Parang tulad din ni Heather na main character, sila naman ay mga mean characters. Habang naglalakad sila papunta sa akin ay parang binili nila ang daan at walang pakialam sa kung sino man ang mababangga nila. These bitches. Even though, I'm still not used of making fun of Olivia, naiinis ako how she treated the people now. Tama nga, hindi siya ‘yong Olivia na nakilala ko kaya dapat ay huwag ko rin siyang tratohin na parang kaibigan ko rin. She was my best friend there, but not here. She stopped in front of me so everyone’s eyes are at us now. "I'm just here to tell you that I am the prom Queen." She laughed hysterically. "You can't even win over me. Such a loser." Naramdaman ko na naman ang mga init ng mga mata ng tao sa paligid ko. Ganito ba palagi sitwasyon ni Heather? How can she manage this everyday in her life? Ako kasi parang hindi ko yata kaya. Mas pipiliin ko na lang talaga ‘yong tahimik na buhay ng studyante na tamang nood lang sa mga nag-aaway kaysa maging campus celebrity na sila mismo ang nag-aaway. Well, wala naman masama kung makisali rin ako. Again, I once imagined having this moment. Feel na feel ko pa sa imagination ko ‘e. So let’s the game begin! Ito gusto niyo talaga ha, pwes, I'm gonna stand for it. Bahala ka na, batman! I took my alcohol and spray it infront of me. Heather taught me this. Also, gusto ko rin ‘to. Akala niya siya lang kaya magtarap! Welp! Wait for me! "Sorry, I just felt like there's something dirt in front of me." I smiled, and the public laughed. "Of course, they chose you because they have no choice. Or... maybe they chose you because you threatened them with your horror-face? It's November anyway, you can win the scariest-ugliest-thickest face ever." "Woooah! Shoot on fire!" “FIRE IN THE HOLE!” “Grabe ‘yon ah! Panget mo talaga Olivia!” I laughed seeing their reaction. The bell rang then everyone instantly left, so did I. "I'm still not finished!" She yelled and ran away from me. Hindi ko mapigilan matawa. Nagsisimula pa lang ‘e, ‘yon na ‘yon?! Akala ko magsasagotan kami tulad ng naiimagine ko. Pero... Aaaaah!!!! Ako ba 'yon?! Jusko!!! Sinabi ko talaga 'yon?! Grabe, worth it din pala ang ilang oras ko sa banyo kakapractice as if may kaaway ako! Nagamit ko dito! Akalain niyo 'yon, useless pala makipag-away sa sarili sa banyo. Oo ‘yan talaga naiisip ko palagi! Sana naman may part 2 kung saan magbabangayan talaga kami pati ni Charleigh, nang masabi ko naman sa kaniya kung gaano ako naiinis sa pagmumukha niya! Amp. Naalala ko naman ‘yong sa field kung saan pinagtatawanan niya ako. Scoffs. Anyway, gusto ko ‘yon maulit. Dito mas may confident ako kasi hindi nila ako kilala, at kilala nila ako sa pagiging matapang. Sana madala ko rin ito sa Earth, kung pwede lang! Natapos ang klase at kaagad na ako umuwi dahil walang kwenta mga tao sa school. Wala rin kwenta ang lesson kasi hindi ko naintindihan, o hindi ko lang initindi dahil sabog ang utak ko. Lost na lost talaga ako, at parang lumilipad sa ibang planeta. Talagang kinareer ko ang pagiging sassy at walang pakialam na Heather kasi hindi ako nakinig at hindi rin ako nasaway ng teacher. Tamang tunganga lang ako sa bintana, nag-iisip sa kung ano mangyayari sa akin sa mundong ito. Umuwi na ako kaagad kasi wala na akong gagawin pa. Wala naman ako kaibigan doon kaya wala rin ako mapapala. Saka kahit kailan ay hindi ko naman ugali na tumatambay sa school, since palagi ko kasama si Logan ay umuuwi kami kaagad at doon lang nagha-hang out sa bahay. Unless kung gusto kong tignan at sunod si Asher, kahit naman suplado si Logan ay supportive naman siya sa katangahan ko kay Asher. Speaking of Asher, hindi ko siya nakita kanina kaya isa rin ‘yan kung bakit umuwi na ako. Kasalukuyan kumukuha ako ng sampay nang makita ko si Heather lumusot. I immediately grabbed her hand and brought it to the place where no one can see us. Jusko! Muntikan na talaga! Ako ay kinakabahan sa’yong Heather ka! "We will be having a date! Logan and I will have a date tonight!" She excitedly said. Grabe, ang bilis. Date kaagad??! Sabagay, kami nga rin ni Asher nagdate na. Takte!!! Ganito talaga kapag gusto mo ‘yong isang tao ‘no? Sobrang rupok mo. Jusko, pareho kami sa part na ito. “Diba sabi natin mag-ingat, bakit ka naman biglaang sumusulpot? Paano kapag nakita tayo? Ni Sofie? Hindi ta talaga nag-iingat.” "Ssh okay fine. I came here because I forgot my eyeliner!" Napaface-palm ako. "Jusko naman Heather, sa eyeliner lang ipapahamak mo sarili natin?! Paano kung may nakakita nga sa ating dalawa?!" She rolled her eyes. "Excuse me? Hindi "lang" 'yong eyeliner. It costs 30k, it's a limited edition!! Kaya huwag mong minamaliit." Napaubo ako sa sinabi. Lintek, 30k?! Gaganda ba mata ng gagamit 'yon?! "Ano 'yong tinta, dugo ng milyonaryo?!" "Magiging dugo mo 'yan kung hindi mo ako hahayaan kunin 'yon. Sige ka." Psh. At talagang hindi pa siya bothered sa sinasabi ko ah. Nahalata niya sa mukha ko ang pagkainis. "Sige na please, first time namin mag date! Kailangan maging maganda ako." Tumawa lang ako. "Nakita niya na ako na pumipitik ng kulangot, okay?" Napangiwi siya at halos maiyak. "Eww! Yak! Why did you have to do that? Did you really did that?!" She cried. I covered her mouth. "Kunin mo na bago pa mahuli nila tayo!" “Nakakadiri ka!” She cried. Umalis na siya at naiwan akong nakatago dito. Hindi naman nagtagal at nakabalik siya kaya bumalik na lang ako. Si Sofie lang nandito dahil nag grocery pa sila mama and dad. I just went outside to seek air. Pero iba ang nahanap ko. Si Asher, lumalakad papunta sa akin. He was just wearing a hoodie and shorts. Naka messy rin buhok niya pero gwapo pa rin dahil sa mukha niya. He smiled at me. Huminto siya at tinignan bahay ko. "What are you doing here?" I asked, remembering what he did to me. "Just passing by. Dinner kana?" Umiling ako. Sasagot na sana ako ng wala kaso bigla niyang hinubad hoodie niya sa kadahilanang tumaas din ang tshirt niya at kumaway ang 6-packs abs niya. "Wala pa, pero mukhang may dinner na ako," I answered, still looking at his abs. Inayos niya ito pero napatawa nang napansin niya ang pagtingin ko sa abs niya. "Chill," he chuckled. "But do you want?" He added that almost choked me. "Hoy anong want!" I shouted with my eyes widened. "Do you want to have us a dinner?" He finished his sentence. Jusko naman! Akala ko pa naman. Sayang. Tinignan ko muna ang bahay bago sumang-ayon sa kaniya. Well, he was not the Asher whom I argued with. So, I think it's fine? I guess. Oo na! Marupok na! We went to a fine restaurant to have dinner. Nag-usap lang kami at buti na lang may konting idea ako na alam tungkol sa kaniya about sa school. Pagkatapos naming kumain ay pumasyal kami sa parke sa loob ng subdivisions namin. That's when I found out that Asher moved here. "Bakit ka nagmove out? Okay lang sa parents mo?" He shrugged. "As long as I'll be happy with that, they're fine." Tumango lang ako at tinulak paa ko sa sahig para magkaroon ng konting swing ang duyan na inuupuan ko. Habang siya ay nakaupo lamang sa kabilang duyan. Tumayo siya at pumunta sa likuran ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinulak namalakas sa kadahilanang lumakas din ang pagduyan. "Hoy, mahuhulog ako!" Sigaw ko at tumawa ito nang malakas. Kung gaano kalakas pagtawa niya ay ganoon din kalakas pagtulak niya. Yawa 'to! "Stop!" I yelled again. Hininto niya naman kaya tumayo ako para sana hampasin siya nang bigla itong umiwas. Sa kakahabol ko nang hampas ay nauwi kami sa habolan. We were like a kid playing with each other, not minding what people say. Tanging mga tawa at lait lang namin sa isa't isa ang nananaig sa buong kapaligiran. It was so peaceful, calm and comfortable. Walang mga matang nakatingin. Walang bibig makapagbitaw ng masasakit na salita. Lalo na, walang epal na sisira sa munting memoryang binubuo namin ngayon. Napagod kami kakatakbo kaya napahiga kami sa damohan. For the second time again, we are watching the stars and moon above. "Look at the moon! Sobrang ganda!" I exclaimed as I saw the night sky. Just like what Heather's dress in the closet, everything was sparkling. "Yes, sobrang ganda," he agreed. But I saw in my peripheral view that he was looking at me, so I faced him. I slightly opened my lips when I saw him giving me a single flower. "What's this?" I said, accepting it. "A flower?" He was confused. Tumawa ako. Tama nga naman. "I mean, what was this for?" "Nothing. I just saw it and I think it will suit on your ear." Kinuha niya ang bulaklak sa kamay ko at nilagay ito sa tenga ko. He caressed my hair after. My heart fluttered by what he did. It's little things that matter the most. The moment was so fast that all I know right was he's an inch far from my face. I closed my eyes and partly opened my lips. Then, I welcomed his.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD