“Hindi ‘yon pwede, pa. Busy ako maging number fan ng boyfriend ko pag naging artista na siya.” Sagot ko kay papa nang sabihin niya na ako na lang daw ang mamahala sa maliit na tindihan ni mama pagka-graduate ko ng college. “Wala ka ng ibang bukang-bibig kung hindi boyfriend mo.” Patampong sabi ni Papa. Mahina naman siyang pinalo ni Mama sa braso, “Hayaan mo nga ‘yang anak mo.” “Siyempre, loves ko ‘yon eh.” Sabi ko sabay yakap sa unan na kandong ko. “Siguraduhin mo lang na hindi ka niyan sasakyan kung hindi ay hahabulin ko ‘yan ng itak.” Pagbabanta niya. “Papa naman!” Kasabay noon ang malakas na tawanan naming tatlo. Napaginipan ko na naman ang isa sa mga sandal namin nila mama at papa. Mga panahon na maayos pa ang lahat. Nakakamiss. Pero gan’on talaga hindi natin mababalik ang nakara

