“Countee, can we talk.” That moment I was about to tell him the reason why I left him. Sa mga oras ding iyon gusto ko siyang yakapin at sabihin hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Na iniwan ko siya dahil mahal ko siya. I felt it was the right timing, maaring nadala lang ako dahil sa halik na alam ko namang hindi niya ginusto, but all my worries just poof away. Biglang lumakas ang loob ko na para bang may bumubulong sa tainga ko na I must tell him. No buts—I thought so. But because of one phone call, lahat ng pangamba ko ay dire-diretsyong bumalik sa akin. Lahat ng alanganin sa isipan ko kumapit ng todo. “Anita’s dead.” Ang huli kong narinig bago ko mabitawan ang phone ko at bumagsak sa sahig. Siguro nga pinipigilan ako ng universe para magtapat kay Countee. Na pinapaalala sa akin n

