“Itigil mo ‘yong sasakyan at bababa ako kung hindi mo naman ako kakausapin.” Pagbabanta ko kay Countee dahil kanina pa niya ako hindi iniimik pagkaalis namin sa hotel at makasakay sa kaniyang koste. May ilang pasa ang kaniyang mukha, putok ang kilay at labi. May ilan-ilan ding mga sugat ang nasa kamay niyang nagda-drive. “Ano bang problema mo, Countee? Bakit mo ba biglang sinuntok si Aldous? Kawawa naman ‘yong tao.” Pagpapaalala ko sa nangyaring suntukan kanina. Hindi ko mapigilang mairita tuwing naalala ko iyon. Hindi hamak na mas marami ang natamo ni Aldous sa kaniya at kung tama ang pagkakaalala ko ay may black eye ‘yong tao n’ong iniwan namin, kawawa naman talaga. Kamuntik na akong sumubsob nang bigla niyang ipreno ang sasakyan. Buti na lamang at may suot akong seatbelt at baka pati

