“Uy, salamat ulit ah.” “Wala ‘yon.” Kinuha ko ang phone na inaabot ni Aldous. “Next time i-silent mo ‘yong phone mo sa set. Baka mamaya ikaw na hilahin ni Direk Joel d’on sa mga tigre hahaha.” Pagbibiro nito. “Hindi naman kasi akin ‘to. Ito ‘yong ginagamit ng P.A ni Countee pag may tawag para sa kaniya, aba malay ko bang ganiyan pala kalakas ringtone nito.” Pagpapaliwanag ko. Sa totoo naman kasi hindi ko in-expect nagan’on kalakas ang tunog nito pag may tumatawag, nakakanirbyos sa totoo lang. ‘Yong pakiramdam na lahat ng tao sa’yo na naman nakatingin at hindi mo alam ang gagawin mo. Para akong na-estatwa ng di oras. “Paano mo nga pala nabuksan?” “Huh? Di ko naman nabuksan.”Tiningnan ko ang screen ng phone na may nakalagay na 1 missed call. “Sakto lang na tumigil ‘yong ring n’ong kinuha

