“Sure ka bang ayaw mong mag-stay pa sa hospital? Mas mababantayan aka nila doon ng maayos. Paano kung sumakit na naman likod mo katulad kahapon?” Nag-aalala kong tanong kay Countee. Halos dalawang oras na rin ang nakakalipas nang ma-discharge siya sa hospital. Dumiretsyo kami agad sa condo pagkatapos pirmahan ang mga papales at bilhin ang mga gamot na iinumin niya. “Nari, I’m fine. You know I don’t have any fracture or any complications base on the x-ray and CT scan result.” Gusto ko sana mag-rebut kaso tama naman ang sinabi niya. Kailangan lang niya ng enough rest. “I’m gonna go take a shower. It’s been four days and I’m stinking as hell. Matulog ka muna, o-order na lang ako ng pagkain mamaya.” Sabi niya sa akin at pumasok na ng banyo. Tiningnan ko si George na nasa sahig, nginangatng

