Kabanata 7 "Adler Bartolome" "Anong ibig sabihin nito? Nandito siya? 'Yong kapatid mo?" Sabi ni Eli habang hawak 'yong folder. You heard it right. Nandito 'yong kapatid ko na dapat nasa probinsya siya kasama ang mga magulang ko. Alam nilang tatlo kung anong nangyari sa amin ng pamilya ko kaya gan'yan 'yong mga reaksyon nila no'ng nalaman nila na nandito 'yong kapatid ko. For god's sake, he is still minor. Paano siya napunta sa isang orphanage na malayo sa probinsya namin? Anong nangyari no'ng panahon na wala ako? "Siya 'yong batang malala ang natamo sa sunog kagabi at siya rin 'yong na operahan kagabi dahil sa sunog." Sabi ni Adam. Ang masakit pa nito ay malala 'yong lagay niya ngayon. Buong kanang kamay niya ang naapektuhan pati 'yong kalahati ng likod niya. 'Pag naiisip ko kung a

