Kabanata 29 Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa umabot kami sa unit ko. Si Ade na nagbukas sa unit at agad na akong pumasok. Napansin ko na hindi pa pumasok si Ade at mukhang nag-usap pa silang dalawa ni Adam. Dumiretso na ako sa kwarto at humiga na. Nakatalikod ako sa pintuan at nakatingin sa bintana, hindi nagtagal ay narinig ko na bumukas ang pinto. "Ate, may niluto ako na pagkain. Kumain ka na muna." Lumingon ako at nakita ko si Ade na may isang tray ng pagkain. Umayos ako nang pagkakaupo at nilagay iyon sa hita ko. "Sabayan mo na kaya ako." Pang-aaya ko sa kanya. "Kakain na lang ako mamaya, ihahandanda ko lang 'yong pagliliguan mo." Tumayo siya at pumunta na sa banyo, nagsimula rin aking kumain kahit na wala akong gana ay pinilit ko pa rin kumain. Tamang-tama lang na

