Kabanata 34 "Still awake?" Bakit gising pa siya? Napatingin ako sa orasan at malapit na pala maghating gabi. "Oo, why?" Reply ko sa text niya. Wala pang isang minuto ay nagreply na siya agad. "Nasa labas ako ng unit mo." Pagkakita ko sa text niya ay agad akong nagpaalam kay Natalie. Kumatok muna ako sa pintuan ng bathroom. "Nat, labas muna ako." "Gabi na ate, sino ba kikitain mo?" May halong pangungutya niyang sabi. "Nasa labas ang Kuya mo." Wala pang ilang segundo ay sumagot na agad siya. "Okay!" Lumabas na ako at natagpuan ko si Tyler na nakasandal sa gilid ng pintuan habang nakakrus ang kanyang mga kamay. "Hey!" Tawag ko sa kanya "Hey," He said with a husky voice. Nginitian ko lang siya. "Napadaan ka? Anong meron?" tanong ko sa kanya. Umupo siya sa sahig at pinagsiklop

