Chapter 5
SOBIA POV
“Kailangan mong magpahinga, Hubby. Matulog ka muna.”
“Sige, pero dito ka muna,” bulong niya, may lambing sa boses. “Magkwentuhan muna tayo. Pagkatapos natin sa doktor, bawiin na natin si Lira. I can’t wait to build our home with you and our daughter. I love you.”
Unti-unti, naramdaman ko ang kirot sa loob ng puso ko, nagdadalawang isip ako sa mga plano ko dahil sa sinabi niyang ‘yun. Pero hindi ito dahilan para tumigil. Hindi ko kayang isantabi ang paghihiganti. Hindi ko kayang palampasin ang lahat ng ginawa niya. Kailangan ni Shobi ng hustisya.
Hindi, hindi ako magpapaloko sa kung anuman ito. Ang plano ko ay malinaw. Sisiguraduhin kong magdurusa siya tulad ng pagdurusa ni Shobi. Hindi ko ito hihinto ngayon.
Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili. Si Drei ito, isang manloloko, mapanakit, manipulative. Sa bawat t***k ng puso niya na naririnig ko, mas lalo lang lumalakas ang desisyon ko. Ipagpapatuloy ko ang paghihiganti. At sisiguraduhin kong mararamdaman niya ang sakit na dulot niya kay Shobi.
Nanatili ako sa kanyang tabi hanggang siya ay makatulog. Pumunta ako sa kusina at hinanap si Paloma, ang kasambahay na kasabwat ko sa lahat ng bagay na ito. Uutusan ko siyang ipag handa si Drei ng mga paborito nitong pagkain. At dahil ilang taon na rin naman siyang katiwala ni Drei dito sa mansyon ay alam na nito ang mga gusto ng boss niyang si Drei. Pero wala siya nasa supermarket kaya ako na ang nagluto. Kailangan kasi pag gising ni Drei ay nakahanda na ang tanghalian niya.
Pag gising ni Drei, napansin kong nakangiti siya, para bang napakagaan ng kanyang pakiramdam nang makita ko siyang nakatayo sa pinto ng dining hall. Agad siyang lumapit sa mesa kung saan nakahain na ang paborito niyang pagkain, beef steak, garlic rice, at blueberry cheese cake.
“Good afternoon,” bati ko, pilit na ginagaya ang tono ng lambing ng kambal ko. Ang ganda ng ngiti niya nang makita ang mesa.
“Wow, after so long, may kasama na ulit akong kumain. I can’t believe that you’re here with me, my Wife,” aniya habang naupo sa harap ng pagkain.
Hinayaan ko siyang masiyahan habang pinagmamasdan ang nakahain. Kita ang saya sa kanyang mukha. “Shobi, ikaw ba ang nagluto nito? Paano ka natutong mag-luto?” tanong niya, sabay tingin sa akin. Alam ko nang darating ang tanong na ito. Kaya hinanda ko na rin ang pang award winning kong acting.
Umiling ako, sabay kuha ng tissue para kunwaring punasan ang luha sa mata ko. “Hindi ako marunong magluto, Drei,” sabi ko, pilit pinapalambot ang boses. “Si Paloma ang tumulong sa akin. Gusto ko sanang mag-effort para sa’yo, pero…”
Napuno ng guilt ang mukha niya. Ang bilis naman niyang mauto, mukhang kumakagat na agad ang acting ko. Pero ang totoo talaga niyan, ako ang nagluto. Nasa supermarket kasi si Paloma kanina eh magigising na si Drei kaya kailangan pag gising niya may naka handa ng pagkain.
Lumapit siya sa akin, hinawakan ang balikat ko. “Shobi,don’t worry too much. Ayos lang. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Ako na ang magluluto para sa’yo.”
Napatigil ako. Ah talaga ba? Ganito ba ang pagtrato niya sa kambal ko noon? Hindi ko mapigilang itanong iyon sa isip ko habang pilit kong sinabayan ang malambing niyang pag-aalaga kuno.
“Sige,” sabi ko, pilit na ngumiti kahit sa loob-loob ko, umaalingawngaw ang plano kong paghihiganti. Makukuha ko rin ang hustisya para sa sarili ko, Drei. Pero sa ngayon, hayaan mo akong paglaruan ang kahinaan mo.
Tumingin siya sa akin habang ngumunguya ng beef. Nakaka-ilang ang titig niya. “I didn’t know na ganito kasarap mag luto ang mga katulong dito.”
Nag init ang pisngi ko, tinablan ako ng hiya sa indirect compliment niya. First time lang may pumuri ng luto ko. Ngayon lang naman kasi ako nag luto para sa iba.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami para puntahan si Dr. Chad Castro. Of course, kasabwat ko rin siya sa isang malaking drama na ito. He is not in favor of it pero wala naman siyang magagawa kundi suportahan ako. We're best friends.
Tinawagan ko na si Dr. Chad para sabihing papunta na kami ni Dei kaya mag handa na siya at galingan niya sa script niya. Matalino si Drei, mukha lang talaga siyang sanggano.
Nang nasa clinic na kami, tahimik akong nakaupo sa harap ng desk ni Dr. Chad Castro habang katabi ko si Drei, halata sa mukha nila ang tensyon. Matagal na niyang hinihintay ang paliwanag sa dalawang taon kong pagkawala, at ngayon, narito na kami sa clinic ng doktor na kunwaring nag-alaga sa akin.
“Mr. parayni, ang kaso ni Shobi is a bit complicated,” simulang paliwanag ni Dr. Castro, habang seryosong nakatingin kay Drei. oh, magaling din pala siyang umarte gaya ko. Chad is such a nerd. Alam kong hindi niya trip ang mga ganitong kalokohan pero para sa akin ay handa niyang gawin. “She has what we call selective amnesia. Ito ay isang uri ng memory loss kung saan ang pasyente ay hindi maalala ang ilang partikular na pangyayari o detalye, madalas dahil sa trauma. At kung may mapapansin kang ibang behavior niya ngayon na ibang iba from before, eh huwag kang mag taka dahil coping mechanism niya ‘yun to overcome her trauma, gumagawa siya ng ibang persona to escape the painful past. Minsan she creates a world of fantasy kung saan she feels secured and protected. Masayang mundo far from reality.”
Nakita kong napakunot ang noo ni Drei, halatang sinusubukang intindihin ang lahat ng naririnig niya. “Ibig sabihin, Dok, may mga bagay siyang hindi na talaga maaalala?” tanong niya, puno ng pag-aalala kuno. Alam ko naman na he wished Shobi dead. Balat-kayo lang ang pag-aalala niya sa kalagayan ko. Siya pala ang pinaka magaling umarte sa aming tatlo. Well, malas mo Drei dahil nandito ako, ang multo ni Shobi.
“Posible,” sagot ni Chad, sabay sulyap sa akin pagkatapos ay tumitig kay Drei. “Ang aksidente ninyong mag-asawa ay malamang na nagdulot ng trauma sa kanya. So there are details or memories na nawawala o maaaring malabo na sa kanya. Therapy ang nakatulong sa kanya nitong mga nakaraang taon, but sadly, not all memories are possible to retrieve. Swerte mo nga at naalala ka niya, maybe you inflicted so much emotion sa puso niya kaya hindi ka niya makalimutan. So you better treat her best.”
Oh, si Chad ba talaga itong kaharap ko? Parang binibigyan niya ng warning si Drei.
Pinilit kong magmukhang emosyonal, kunwari ay naiiyak habang nakikinig sa paliwanag ni Dr. Chad. “Kaya pala ang dami kong hindi maalala, Drei,” sabi ko, mababa ang boses at kunwaring nagpipigil ng luha.
Hinawakan ni Drei ang kamay ko, ang mga mata niya puno ng pagmamahal kuno. “Ano pa ang pwede naming gawin, Doc?” tanong niya.
“Well, just understand her. More patience para sa kanya,” sagot ni Chad. “Mas lalong kailangan ni Shobi ng pagmamahal at suporta, lalo na ngayon. Ang selective amnesia ay hindi madaling kalabanin, kaya ang pagkakaroon ng strong support system sa kanya ay napakalaking tulong.”
Nakita ko kung paano tumango si Drei, parang naniniwala talaga siya sa lahat ng sinasabi ni Chad. Sa sandaling iyon, alam kong nasa akin ang buong tiwala niya. Hindi na rin ako mahihirapan Pero sa kabila ng lahat ng pagpapanggap, hindi ko maiwasang maramdaman ang bahagyang kirot sa dibdib ko. Bakit siya ganito kabait sa akin.
Habang palabas kami ng clinic, mahigpit ang hawak ni Drei sa kamay ko. “Huwag kang mag-alala, Wife. Gagawin ko ang lahat para maalagaan ka,” sabi niya, puno ng determinasyon. Ngumiti ako, pero sa loob-loob ko, mas lalong tumibay ang plano ko. Maaalala mo rin kung paano mo ako sinira, Drei. Sa tamang panahon.
Kumalas ako sa holding hands namin dahil bukod sa nandidiri ako sa kamay niya ay kailangan kong bumalik kay Chad. “Hubby, mauna ka na.”
“Bakit? Saan ka pupunta?” nakasalubong agad ang kilay niya, alam kong hindi niya gustong iwan ko siya.
“May therapy ako kay Dr. Chad ngayon.”
‘Samahan na kita—”
“Masyadong matagal ang session, Hubby. Maiinip ka.”
“It’s OK. I can wait. Nakapag hintay nga ako ng two years.”
Hay, paano ko kaya siya papa-alisin? Sobrang obsessed niya kay Shobi, nakakasakal.
“Drei, kailangan kasi na secluded ang therapy. Between doctor and patient lang. Hintayin mo na lang ako sa bahay,” paki-usap ko at nag puppy eyes pa para siguradong maawa siya.
“Alright,” iyon lang ang sinabi niya at nagpaalam na. Pumasok na siya sa kotse pero hinintay niya pa akong maka pasok sa clinic ni Chad bago siya tuluyang umalis.
= = = =
Pagdating ko sa private room ni Chad, sinalubong niya agad ako at naka sibilyan na siyang damit. Naka-upo sa kama. Ako lang ang pwedeng pumasok sa private room niyang ito.
“Maaga pa, mag out ka na agad? Ang daming patient na naka schedule sa'yo—”
“Of course, cancelled ko lahat. May VIP akong patient,’ naka-ngisi niyang sabi at nag hubad na ng sapatos at pati pantalon niya ay hinubad niya rin. Parang tambay lang sa bahay.
“Thank you, Chad. I am forever grateful. Mahihirapan ako kung wala ka…”
“Thank you lang?” Nagkibit balikat siya at hindi ko maunawaan ang gusto niyang sabihin.
“Ah eh anong gusto mo?”
Dahan dahan niyang hinubad ang kanyang shirt at ngumisi.
“Virginity mo.”
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER.