Chapter 1
SOBIA POV
“Shobi…Love…Shobi ko, you changed my life. I miss you so much my wife pati ang baby natin… If only I could bring you back to life…”
Nakatayo ako sa likod ng lalaking umiiyak sa puntod ng aking kambal. Kung pwede ko lang saksakin ang likod niya ngayon din ay ginawa ko na. Pero kailangan kong tiisin ang gigil ko. Hindi ko tatapusin ang buhay niya sa isang iglap dahil masyadong mabait ang parusang iyon. Gusto ko ang parusa sa kanya ay unti unti, masakit, mahapdi. Iyon bang hindi niya makakalimutan hanggang kabilang buhay.
Kailangan kong magtimpi dahil marami na ang mga taong parating, may mga media rin. Sinadya kong magpatawag ng media para iparating sa lahat na ako si Shobi Parayni ay muling nagbabalik mula sa hukay.
“Hubby…” bulong ko, banayad, malambing, mapagmahal.
Hindi ko makakalimutan ang ekspresyon sa mukha ni Drei nang makita niya ako. Parang nakita niya ang multo ng nakaraan, nanlaki ang mga mata niya at halos hindi makagalaw. Parang ibang tao ang nasa harap ko. Based sa mga nabasa ko, si Drei ay mala-demonyo ang pag-uugali. Kilala sa pagiging maangas, bastos, at laging mayabang ang tindig, ngayon ay parang isang busabos, walang tirahan, marumi. Mukhang hindi na siya naliligo ng ilang buwan, magulo ang kanyang buhok, nanlilimahid sa dumi, at amoy alak. Nakakadiri. Nakakasulasok. Hindi ko maunawaan kung bakit siya minahal ng kambal ko.
Balbas sarado na siya, at hindi maayos ang pagkakatubo nito. Masyado niyang napabayaan ang kanyang sarili. Ang butas-butas niyang damit at ang kanyang kupas na pantalon ay halos hindi na magkasya sa kanya dahil sa pagbagsak ng katawan niya.
Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya, parang dala niya ang buong mundo sa kanyang balikat. Malamlam ang kanyang mga mata, walang bakas ng dati niyang tikas at kumpiyansa. Amoy alak ang bawat paghinga niya. Pero para kay Shobi, titiisin ko ang pagmumukha at amoy ng demonyong ito.
“Shobi? Wife?” bulong niya sa hangin, parang hindi siya makapaniwala.
Ngumiti ako. “Oo, Drei. Yes, Hubby. Ako nga.”
Hindi siya sumagot agad, nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang anumang oras ay maglalaho ako. “Oh fvck, rum lang ang tinira ko bakit ang lakas ng amats? Miss na talaga kita, Shobi, hanggang dito nakikita kita.”
Nilahad ko ang aking palad para hawakan niya at malam niyang totoo ako nasa harapan niya, buhay na buhay.
Tumulo ang luha niya nang magdampi ang aming mga palad. Ang laki ng kanyang kamao. Ito ba ang kamao na nanakit sa kambal ko? Pumukit ako at dinama ang kanyang palad. Ibang iba sa inaasahan kong maramdaman. Kinasusuklaman ko ang lalaking ito dahil sa lahat ng pasakit na dulot ng kamay niyang bakal na mapanakit. Pero kabaliktaran, ang palad niya ay mainit, banayad, na para bang ipagtatanggol ka sa lahat ng magtatangka ng masama.
Pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. Gusto kong mandiri sa napakabaho niyang amoy. Pero bakit? Bakit ang init ng kanyang yakap. Ramdam ko ang pighati at kalungkutan habang binabalot niya ako ng kanyang mga bisig. Ganito ba ang pakiramdam ni Shobi kapag niyayakap siya ni Drei? Kaya pala madali siyang mahulog. Kumapit ako ng mahigpit sa kanyang braso. Nanggigigil akong isipin na nilinlang niya ang kambal ko para lang mapasa kanya ang kayamanan nito.
“How… paano Shob? Bakit ngayon ka lang? I miss you so much,” bulong niya sa aking tenga.
“Mahabang kwento, Drei. Pero nandito na ako. Buhay na buhay.”
Napakalas si Drei ng yakap sa akin at tinakpan ang mga mata dahil nasisilaw siya sa flash ng mga camera. Mabuti at dumating na ang media.
“What’s this?” tanong ni Drei at naka kunot na ang kanyang noo sa pagka-irita. Naka kuyom na rin ang kanyang kamao. “Who told you to come here? Can you please respect our privacy! Damn it! Get the hell out of here!” sigaw niya sa media.
Paano naman aalis ‘yang media eh binayaran ko sila. Masyadong naging sensationalized ang kaso ng kambal ko. It was in the headlines both in mainstream and social media. Isang malaking balita ito: isang babaeng CEO biglang nabuhay mula sa hukay after two years.
Hinarap ko ang media at umiyak. Of course it’s all for clout, for drama, gusto ko lang ipaalam ang pagbabalik ko, ako si Shobi Parayni , CEO, asawa ni Drei Parayni, ina ni Lira. Isa sa plano ko ay ipapaglalapit ko silang mag ama at kapag mahal na mahal niya na ang anak niya, saka ko ilalayo sa kanya at hindi na muling ipapakita pa. Para malaman niya kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay.
Salamat po sa lahat, ako po ay nagbabalik. Marami po akong hindi maalala kaya paumanhin po kung hinihiling ko sa inyo na hindi muna ako magbibigay ng anu mang statements hanggang hindi ko pa po naaalala ang mga bagay bagay. Salamat po.
Ngumiti ako ng ubod tamis at ang boses ko ay ginawa kong malambing gaya ng kay Shobi. Ang natural timbre kasi ng boses ko ay mababa at walang halong lambing.
Ang daming tanong ng mga reporter, sunod-sunod at nag uunahan sila sa pag tanong. Alam kong hindi sanay si Drei sa ganitong atensyon na nakukuha niya kaya muli ay sinigawan niya ang mga reporter at hinawakan ang kamay ko.
“Pwede ba! Tama na! Pagpahingahin niyo muna ang asawa ko!” hiyaw niya at kinaladkad ako palabas ng museleo ni Shobi. Lumabas ang angas ni Drei at pinagbabangga ang mga taong nakaharang sa dadaanan namin.
Sumunod naman ako dahil ang higpit ng kapit niya sa kamay ko.
“May sasakyan ka ba?” tanong niya nang marating namin ang parking lot.
“Wala hubby,” sagot ko. Hinatid lang kasi ako ng katiwala ko. Hindi ko naman iyon pwedeng sabihin sa kanya.
Nilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang assistant para kami ay sunduin. Nasa kalagitnaan kami ng pag hihintay ni Drei nang biglang may pumaradang itim na SUV sa harap namin. Bumaba ang isang lalaking disente ang bihis, malinis at halatang maayos sa sarili.
“Sir Drei, handa na po ang sasakyan. Ihahatid ko na po kayo sa bahay,” sabi niya nang may paggalang.
Nagulat siya nang mapansin niya ako. Nanlaki ang mga mata niya, at parang hindi makapaniwala. “Ma’am Shobi?” halos pabulong niyang tanong, pero ramdam ang gulat sa boses niya.
Ngumiti ako nang bahagya, pero bago pa siya makapagtanong, sumingit si Drei. “Wala nang paliwanagan. Uwi na tayo.”
Tahimik kaming sumakay sa SUV. Habang papalapit kami sa bahay ni Drei. Malawak ang daan, napapalibutan ng magagarang halaman at matataas na pader. Pagdating namin, bumungad ang isang mansyon.
Ganito pala karangya ang buhay niya. Kaya pala niya pinatay ang kambal ko, gusto niyang solohin ang kayamanan nito. Sobrang sama.
Nang nasa loob na kami ng mansyon ay nagsilabasan ang mga kasambahay, gaya ng assistant ni Drei, lahat sila ay nagulat at hindi makapaniwala na makita muli nila ang mukha ng kanilang Ma’am.
Hindi sila pinansin ni Drei at hila-hila pa rin ako papunta sa master’s bedroom.
Pagpasok namin sa kwarto ay agad niya akong sinalya sa pinto at piniid ang magkabila kong pulsuhan sa pintuan. Hahalikan niya ako!
Pumikit ako at sumigaw. “Drei!”
Mabuti at hindi niya tinuloy ang pag halik sa akin at inamoy amoy ang sarili. “Yeah, I know. Ang baho ko na. Halika na samahan mo ko maligo.”
Hindi na niya hinintay ang sagot ko at kinaladkad niya na ako sa loob ng bathroom at agad siyang naghubad ng damit.
“Ano pang tinatayo mo diyan? Hubad na. Ano bang gusto mo, mag shower tayo o sa bathtub?”
Sh1t. unang araw ko na kasama si Drei ay mapapasubo agad ako. Mukhang literal na subo ang gagawin ko ngayon.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER.