Chapter 64 Sobia's PoV “We have to settle this legally, Sobia. Para tigilan na tayo ni Chad. Kung hindi, may dugo na namang dadanak. . .” Hanggang sa pag-uwi namin ng mansyon, tahimik lang si Drei. Hindi niya sinagot ang tanong ko tungkol sa sinabi niya kanina habang tumatakas kami sa bahay ni Chad. Wala yata siyang balak na sagutin ako. Siguradong gaganti siya kay Chad. Pag-uwi namin, binati kami ng mga tauhan niya at katiwala na nakakasalubong namin. “Good afternoon po, Madam Shobi, Sir Drei,” bati ng kitchen helper. Tumigil si Drei ganon din ang helper. “ Madam Sobia.” Nagtaka ang helper sa sinabi ni Drei. “ Sobia. That’s her name.” “Yes, Boss. Madam Sobia,” tugon ng helper. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Drei. Unti- unti na talaga niya akong pinapakilala sa laha

