Chapter 30 Sobia's Pov Napakalakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatayo sa opisina ni Drei. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing naiisip ko siya. Naiinis ako dahil ilang linggo na rin na nandito si Shine na dapat ay isang linggong pag-stay lang niya. Tuwang tuwa si Lira sa kanya dahil aminin ko… mabait naman si Shine, palangiti, at thoughtful. Sa akin lang talaga siya mataray. Minsan pakiramdam ko ay masaya ako, minsan naman ay parang may bumabagabag sa akin dahil kay Drei lalo pa nang dumating si Shine sa buhay namin. Palagi silang magkasama sa office ni Drei. May planted akong hidden cam sa paligid ng office ni Drei para ma-monitor ko kung anong ginagawa nila. Wala naman silang kakaibang ginagawa o kababalaghan sa tuwing nagkukulong sila sa office. Pala

