Chapter 41 Drei’s PoV “Higit sa lahat… ang puso niyo… buti hindi ka naging kasing sama ng kambal mo. Malayong malayo ang ugali niyo. She's a monster with an angelic face.” Hindi yata makapaniwala si Sobia sa sinabi ko. Mahirap talaga paniwalaan. Sa mata ng lahat, isang anghel si Shobi at ako ang masama. “Sinabi ko na, huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang kambal ko. Patahimikin mo na ang kaluluwa niya. Sana isang araw ay magpakita siya sa’yo at pagsisihan mong nakilala mo siya,” sabi niya na galit na galit. ‘Kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano kasama ang pagkatao niya. But of course, kambal mo ‘yun at ilang taon ba kayong magkasama?” Natahimik siya. “Bata pa lang kami nang magkahiwalay kami,” sagot niya. “Bakit, ano bang alam mo sa kanya? Wala kang karapatan na sira

