NANGINGITI si Tiger habang nakatayo sa tabi ni Katelyn at nakatanaw sila sa kailawan ng syudad. Malalim na ang gabi pero hindi pa dinadalaw ng antok ang dalawa. “Are you cold, baby?” malambing tanong nito kay Katelyn nang mapahalukipkip ng mga braso ang dalaga. “Medyo.” Napasinghap si Katelyn nang magtungo ito sa likuran niya at niyakap siya. Para tuloy silang magkasintahan kung titignan ngayon. “How is it?” pabulong tanong ni Tiger sa may punong-tainga nito. Napalunok si Katelyn na dinig na dinig ang malakas na kabog ng kanyang dibdib! Dinaig niya pa ang pinatakbo ng ilang milya sa bilis ng t***k ng puso niya! “Much better,” mahinang sagot nito. She closed her eyes and bit her lower lip. Bigla siyang nakadama ng hiya sa kanyang naisagot na kusa na lang lumabas sa bibig niya.

