PABALING-BALING si Tiger sa kama nila na hindi rin dalawin ng antok. Nagugutom na nga ito dahil hindi pa siya naghahapunan. Ni hindi manlang naisipan ni Jade na padalhan ito ng pagkain sa silid kahit sinabi ni Tiger na hindi maganda ang pakiramdam niya.
Bumangon ito na naupo ng kama at sumandal sa headboard. Dinig ang malakas na tugtugan sa ibaba. Kaya nakatitiyak siyang nandito pa rin ang mga bisita nila. Ni hindi na nga ulit umakyat pa si Jade kaya lalo lang mabigat ang loob niya. Dahil wala manlang pakialam ang asawa niya sa nararamdaman niya.
Bumaba ito sa kama at lumabas ng balcony para magpahangin. Kahit kasi pilitin niya ang sarili, hindi siya dalawin ng antok. Palaging may bumabagabag sa loob niya at ramdam niya sa puso niya na tila may mali. Hindi niya alam kung dahil sa pagtataksil ng asawa niya sa kanya, o baka may iba pang dahilan. Pero hindi na lamang niya binibigyan pansin ang mga nagpaparamdam sa kanya.
Napabuga siya ng hangin na dumungaw sa ibaba. Nasa swimming pool ang lahat at masayang naliligo habang nag-iinuman at doon din nagmumula ang malakas na tugtugan. Naglagay din sila ng disco lights doon kaya hindi masyadong maliwanag sa pool.
Naningkit ang kanyang mga mata na hinanap sa mga naroon ang pigura ng asawa niya. Kaagad naman niyang nahanap si Jade na nasa gilid ng pool, kasama ang isang binata na sigurado siyang si Donald.
Napakapit siya sa railings, salubong ang mga kilay na nakamata sa dalawang pares. Kahit medyo madilim doon, alam niya, nakikita niya, that man is fvcking his wife in their own house! Nag-igting ang panga ni Tiger na nangngitngit ang mga ngipin. Gustong-gusto niyang sugurin ang dalawa, pero tila may pumipigil sa kanya at hindi na selos ang nadarama kundi– pagkasuklam!
Bigla siyang nandiri bigla sa asawang pinakamamahal niya. He knows everything. Alam niya na kasama palagi ni Jade ang dating kasintahan nitong si Donald. He knows that the two are having an affair behind his back. Although, he didn't caught them yet in his own eyes, he trust his instinct and their own private investigator. Gano'n pa man, hindi niya kinokompronta si Jade dahil palagi itong umiiwas.
He keeps saying to himself that he loves his wife that much. Na pagsubok lang ito sa buhay may-asawa nila ni Jade kaya nandito pa rin siya. Kahit na hindi maayos ang pagtrato sa kanya ng mother in-law at bayaw niya, hindi siya kumikibo dahil nandidito siya. . . para kay Jade.
Pero ngayon na kitang-kita ng mga mata niya na may ibang lalakeng binabayo ang asawa niya– and worst sa sarili pa nilang pamamahay? He can't keep this anymore. Galit at pagkadiri ang naghahari na ngayon sa puso niya habang nakamata sa dalawa. Na kahit may mga kasama sila sa pool, heto at nagyayakapan at halikan pa sila!
“I can't believe I married someone like you, Jade. A w***e like you– doesn't deserve the title of being my wife.” Usal ni Tiger na pinahid ang tumulong luha. “This will be the last time, that my tears fall because of you.”
BUMALIK ito sa silid at kinuha ang cellphone. Tinawagan nito ang kanilang family lawyer para ipaasikaso na ang dapat. Nasagad na ang pasensiya niya at pang-unawa sa asawa niya. They are not respecting him in this house? Well, he can leave them and continue his life without his cheater wife.
Hindi alam ng mag-iina na isang bilyonaryo si Tiger. Malaking bagay na lumaki sa LA si Jade at walang alam sa mga heredero ng pamilya Madrigal sa Pilipinas. Kaya naman wala itong kaalam-alam na ang lalakeng ordinaryo at nerd tignan ay isa palang sikat na artista at heredero sa Pilipinas!
Matapos makausap ni Tiger ang abogado niya, huminga siyang malalim at bumalik na sa kama. Lalo siyang nawalan ng ganang kumain sa nakita. Gusto na lamang niyang pabilisin ang oras na mapawalang bisa ang kasal nila at nang makaalis na siya sa bahay na ito.
“Maybe it's time for me to go back to the place– where I belong,” usal niya na naiisip. . . bumalik na sa Pilipinas matapos nilang maghiwalay ni Jade.
*****
Kinabukasan, maagang gumising si Tiger dahil hindi na niya kaya ang pagkalam ng sikmura niya. Napailing na lamang ito na makitang wala sa silid nila ang taksil niyang asawa. Tiyak na si Donald ang kinatabi nito kagabi at baka nga nasa isa sa mga guestroom sila ngayon. This is the perfect time sana to caught them in action pero– hindi niya hinanap ang dalawa sa mga silid. Bakit pa? Nakita na niya mismo kagabi sa sarili niyang mga mata. . . kung paano nagpapalamutak, nagpapahaplos at nagpapabayo sa ibang lalake ang babaeng pinakasalan niya.
Bumaba ito ng dining room at napailing na lamang na makitang napakakalat ng kusina. Mga empty bottle, may mga nabasag ding gamit sa sahig. Nagkalat na mga pinagkainan at mga nasayang na pagkain sa mesa, sa lababo at sa sahig.
Napabuga ito ng hangin na kumuha na muna ng tubig. Uminom at kumuha ng makakain dahil nanginginig na ang katawan niya sa sobrang gutom. Mabuti na lang, tulog na tulog pa ang lahat. Kaya malaya itong kumilos sa kusina.
After eating, he take a rest for a while. Nagpahangin na muna siya sa labas. Nagtungo siya sa may pool, naglakad-lakad habang nakapamulsa. It's only 5 o'clock in the morning. Malamig ang simoy ng hangin at madilim pa ang paligid.
Maging dito sa pool ay napakakalat din. Para itong masusuka na makakita ng mga used condom sa kung saan-saan. Alam naman niyang ibang-iba ang lifestyle ng mga tao sa LA kumpara sa Pilipinas. Maloko din silang magpipinsan sa pamilya pero– hindi sila mga baboy.
Bumalik din ito sa loob dahil hindi niya matagalan ang mga nakikita sa labas. Nagsimula na lamang siyang maglinis dahil siya rin naman ang gagawa sa mga iyon. Ilang araw lang naman na ang titiisin niya sa pamamahay na iyon at aalis na siya. Kailangan niya lang mapapirma si Jade sa divorce agreement nila na inaasikaso na ng abogado niya para makalaya na siya kay Jade at wala itong magiging habol sa kanya. Tiyak kasi na kapag malaman nila Jade na mayaman siya– hindi ito papayag na hiwalayan siya ni Tiger!
MATAPOS malinisan ang mansion, nagluto pa ng agahan si Tiger. Napansin naman nitong nasa garage pa nila ang mga kotse ng bisita nila kaya dinagdagan nito ang mga iniluto. Pasado alasyete na nang matapos siya at lumabas para sa pool naman ang lilinisan.
"Why don't you just go home, Tiger?"
Habang naglilinis siya sa pool area, may boses ng babae ang nagsalita mula sa likuran niya. Napalingon ito sa nagsalita at nangunotnoo na malingunan ang isa sa mga kaibigan ni Jade-- si Jasmine. Ang pinakatahimik sa mga kaibigan ng asawa niya at hindi siya minamata-mata lang.
"What do you mean by that, Jasmine? This is my home too," sagot nito na nagpatuloy sa paglilinis.
"Yeah but-- I think it's better for you to go back home. You know, take some rest. Give time to yourself." Makahulugang saad ng dalaga na napasimsim sa hawak niyang mug ng kape.
Alam ni Tiger kung ano ang pinupunto ng dalaga. Besides, Jasmine is one of his wife's friends. Tiyak na alam ni Jasmine ang mga nagaganap kay Jade at Donald.
"Jade is my wife and this is our home. As long as I'm married to her-- this house belongs to me too." Balewalang sagot ni Tiger na naglilinis.
Napakibit balikat naman ang dalaga na naupo sa isa sa mga lounge chair doon. Pinapanood si Tiger na naglilinis.
"You're good at cleaning the house, huh? You also know how to cook, and all your dishes are delicious. She's so lucky to have you as her husband, but--" turan ng dalaga sabay iling na kita ang disappoinment sa mga mata habang nakatitig kay Tiger. "Nevermind."
Napalunok si Tiger na hindi nakasagot dahil alam niya ang punto nito. Sa nakikita niya, may gustong sabihin ang dalaga sa kanya pero inaalala ng dalaga ang friendship nila ni Jade.
"I'm done here. Do you need anything?" pag-iiba ni Tiger na tapos na itong malinisan ang pool area.
Napanguso ang dalaga na umiling. "I'm good, Tiger, don't mind me. I'll just want to chill here and enjoy my hot coffee, just like me." Kindat ng dalaga ditong napangiti sabay iling.
Napangiti din ang dalaga na makitang ngumiti si Tiger sa biro niya. Kahit simple lang ang pananamit ni Tiger na pambahay, nakasuot ng salamin sa mata at nakapusod ang mahabang buhok nito, may bigote pa, nakikita ni Jasmine na gwapo ito-- mas gwapo pa nga kaysa kay Donald.
"Uhm, I need to do something inside. I have to go, Jasmine. Enjoy your hot coffee as hot as you," pabiro ding sagot ni Tiger ditong napahagikhik sa tinuran nito.
"I love your humor. We have the same vibes. See you around, Tiger." Tugon ng dalaga na kumaway pa dito.
Pagpasok ni Tiger sa mansion, tumuloy siya sa dining room at natigilan na magpang-abot sila ng taong hindi niya inaasahan na makaharap-- si Donald! Napasulyap ito sa hawak na mug ni Donald at nag-igting ang panga na naikuyom ang kamao.
"You can't use that mug. That mug belongs to me. You have eyes, right? Didn't you read my costomized position in this house on that mug. Husband-- do you know what that means?" kalmadong wika ni Tiger na ginamit ng binata ang kanyang baso!
Dalawa ang mug na hawak nito at ang isa ay kay Jade na ginamit nito ang costumized mug nilang mag-asawa para sa kape! Kunwari namang napasuri si Donald sa mga baso at napataas kilay saka ngumisi.
"So what? This is just a mug, Tiger. What's your problem? We're not a kid to fight things like this, right? I just want to give Jade a cup of coffee because you're busy cleaning the house," nakangisi nitong sagot kay Tiger.
"You really don't know how to respect others property, right?" makahulugang tanong ni Tiger ditong nakangisi lang saka sinadyang binitawan ang mug ni Tiger kaya nabasag iyon!
Napaawang ng labi si Tiger na napatitig sa basong basag-basag na sa sahig. Pakiramdam niya, gano'n din ang marriage nilang mag-asawa. Binasag ng lalakeng nakatayo ngayon sa harapan niya. Tulala itong humakbang na lumapit sa kinaroroonan ni Donald at saka yumuko na pinulot ang isang piraso ng baso na basag.
"Oops, hindi ko sinasadya." Painosenteng saad pa ni Donald na nakangisi.
Tumayo si Tiger na akmang dadambahin itong napasigaw dahil saktong papasok na si Jade ng kusina!
"I'm sorry, Tiger! Hwag ka namang magalit! I just want to prepare coffee for her because you're busy and I know you're tired," pagpapaawa nito.
Patakbong lumapit si Jade sa dalawa at naitulak si Tiger. "What the hell is this, Tiger? What do you think you're doing huh?!" sikmat nito.
Napailing si Tiger na binitawan ang hawak na basag na baso. Napasulyap si Jade doon at kitang nagulat na makitang basag ang mug na costumized para kay Tiger. Ang palagi nilang ginagamit na mag-asawa sa tuwing magkakape sila.
"Binasag niya ang mug ko, Jade. Pero imbes na mag-sorry siya? Inaasar niya pa ako," pagtatanggol ni Tiger sa sarili.
Napalingon si Jade kay Donald na pinandilatan ng mga mata ang binatang kaagad umiling.
"That's not true, Jade. He was going to attack me. Kaya nabitawan ko ang mug. Kasi naman, galit siya na ginamit ko ang baso. Malay ko bang personalized iyan para sa kanya. I just want to have coffee with you." Pagpapaawa nito kay Jade na napapikit at sapo sa sentido.
"Clean this mess, Tiger. At sa susunod, hwag mong aawayin ang mga bisita ko sa maliliit na bagay. Baso lang iyan. Kaya kitang ibili kahit ilan pa. You're being unreasonable," patalak nito na masama ang tinging iginagawad kay Tiger.
"No need for that, Jade. You don't have to buy a new mug for me. The original was already broken. Walang makakapalit sa original. Kapag nabasag na-- wala na. Hindi mo na ito maaayos pa at maibabalik sa dati kahit palitan mo ng katulad niya. Original will stay original," makahulugang sagot ni Tiger at tinalikuran na ang dalawa.