Chapter 12
Third Person's POV
MABILIS na lumipas ang mga araw. Naging maayos naman ang mga paghahanda sa nakatakdang pag-iisang dibdib nila Jeff at Kathy.
Mataimtim na pumikit sa Kathy habang nakatingin sa harap ng salamin.
Kasalukuyan siyang inaayusan para sa kanilang kasal maya-maya lamang.
Napabuntong hiningang minulat niya ang kanyang mata. Pinagmasdang mabuti ang sarili.
Hindi niya halos makilala ang kanyang sarili. Ang unat niyang buhok ay naging kulot, ang maamo niyang mukha ay mas lalong umamo pa dahil sa kanyang make-up.
"Ang laki ng pinagbago ng mukha ko.." Mahina nitong sabi habang hinihimas ang buo niyang mukha.
Habang pinagmamasdan niya ang kanyang mukha ay biglang pumasok sa kwarto niya ang kanyang nanay.
"Anak, kailangan na nating pumuntang simbahan." Sabi ng nanay nito sa kanya.
Agad na nakaramdam si Kathy ng kaba at the same time ay excitement.
Tumayo si Kathy at nag-last look back sa sarili. "Tara na po.."
--
NAKATAYO na naghihintay si Jeff sa harap ng altar. Katabi niya dito ang kanyang mga magulang.
"Huwag kang kabahan. Sisipot si Kathy." Pabirong sabi ni Jerome na nasa gilid lang niya. Inakbayan pa niya ito at pinisil ng bahagya ang balikat nito.
"Gago, alam kong sisipot 'yon, sa gwapong kong 'to?" Mayabang na sagot nito. Pero sa loob-loob nito ay labis siyang kinakabahan.
"Sus. Hangin brad." Ayan na lang ang nasabi ni Jerome at tumabi na lang ulit sa gilid.
Naghintay pa sila ng ilang minuto bago tuluyang isinara ang main door ng simbahan. Hudyat na nandyan na ang bride.
Humingang malalim si Jeff at inayos ang kanyang sarili.
Nang magbukas ang pinto ay isa-isa ng nagsipasukan ang mga kasapi sa seremonya ng kasal. Hanggang pumasok ang pinakahuling taong hinihinta ni Jeff. Ang kanyang magiging kabiyak.
Nakasuot ito ng isang napaka-gandang wedding gown, kulay puti ito na may touch of gold. Nakasuot din ito ng maliit na korona na nagpamukha lalo sa kanya na isa siyang reyna ngayong araw.
Maluha-luhang pinagmasdan ni Jeff si Kathy na naglalakad patungo sa kanya. Hindi niya mapigilan ang hindi maging emotional dahil sa wakas ay matutupad na ang kanyang matagal ng pinapangarap.
Hanggang sa marating na ni Kathy ang harap ni Jeff. Ibinigay na ng magulang ni Kathy kay Jeff ang kanilang anak. Tanda na kailangan na nilang pumunta sa harap ng altar.
Nanginginig na hinawakan ni Jeff ang kamay ni Kathy sabay sinukbit ito sa kanyang braso.
Nakangiti silang sabay na naglakad patungong altar.
May sinabi lang ang Pari at nagbigayan sila ng kanya-kanyang wedding vows. Naging emosyonal silang pareho sa pagkakataong ito.
Hanggang sa marinig nila ang katagang.. "You may now kiss the bride."
Naghiyawan ang lahat sa naging tagpong iyon. Tumagal ng halos sampung segundo ang halikang iyon. Nag-request pa nga ang mga nanunuod na isa pa daw, pero tinawanan lang nila ito.
Nag-picture-picture ang lahat na may ngiti sa mga labi.
Binati sila ng kanilang malalapit na kaibigan..maging si Trish na nasa gilid lang nakangisi buong oras ng kasal.
Nilapitan niya si Kathy na ngayon ay masayang masaya na kinakausap ng mga kaibigan niya.
"Hey, congratulations!" Sabay beso nito kay Kathy.
"Thank you, Trish! Dahil sa'yo naging sobrang ganda ng kasal ko! Thank you talaga ha." Tuwang-tuwa nitong pasasalamat.
"Nako, wala 'yon! Its my pleasure to be your wedding coordinator." Sagot nito na may pag-ngisi sa labi.
"Basta, thank you! Mamaya punta ka rin sa reception, ah!"
"Oh, sure. Gutom na rin ako, eh." Sagot nito habang matalim na nakatingin kay Jeff.
--
SA bahay nila Jeff ginanap ang reception ng kanilang kasal. May kalakihan naman ang bahay nila kaya minabuti nilang dito na lang dausin.
Nasa kwarto nila si Jeff at Kathy. Nag-pasya silang magbihis muna bago humarap sa kanilang mga bisita.
"Hon, mukhang pagod ka na." Malambing na niyakap ni Jeff ang kanyang asawa mula sa likod.
Hinawakan ni Kathy ang kamay ni Jeff at pinisil-pisil ito ng marahan.
"Medyo, hon..gusto ko na sanang magpahinga na muna..kaso, naisip ko na parang ang pangit naman tignan kung ikaw lang ang haharap sa mga bisita natin." Sagot nito.
"Hindi, okay lang naman 'yon, hon. Maiintindihan naman siguro nila 'yon. Magpahinga ka na..ako na lang muna ang haharap sa kanila. May ibang araw pa naman para maharap mo sila..di ba?"
"Hmm..sigurado ka?"
Hindi sumagot si Jeff at hinarap nito si Kathy sa kanya.
"Pahinga ka na..papagurin pa kita mamayang gabi." Pilyo nitong sabi sabay kindat. Pinalo naman siya ni Kathy dahil don.
"Loko ka! Sige na, lumabas ka na. Baka hinihintay ka na nila don." Sabi nito at nagsimula ng humiga sa kama.
Nilapitan siya ni Jeff at hinalikan ng bahagya sa labi. "I love you, hon."
"I love you too."
--
"Oh, p're! Kamusta ang kasal?" Sigaw ng kararating lang na si Zed. Hindi kasi ito nakadalo sa kasal dahil may importanteng inasikaso ito.
Tumabi siya sa nagkukumpulang mga kaibigan niya. "Gago ka! Inuna mo pa 'yung business mo sa kasal ko!" May pagtatampo sa boses na sabi ni Jeff.
"P're, alam mo naman siguro kung gaano ka-kritikal ang business ko ngayon, di ba? Pero ngayon ayos na kaya pwede na ulit akong mag hayahay. Haha!"
"Sus! Eto tumagay ka! Dami mong nakaligtaan!" Singit ni Ace sabay abit ng isang basong alak.
Inabot naman niya ito at ininom hanggat nangalahati.
"Pst, mga pare, tignan niyo don si Jerome oh! Mukhang dinidiskartehan 'yung wedding coordinator nila Jeff." Pabulong na sabi ni Kris.
Nagtinginan naman silang lahat sa gawi nila Jerome na ngayon ay nag-uusap sa isang sulok.
Nakaramdam ng kakaibang kaba si Jeff ng makita niya si Trish. Automatic siyang napatingin kay Zed. Dahil alam nito na si Zed lang ang nakakaalam na may namamagitan sa pagitan nilang dalawa.
"Hayaan niyo siya. Para naman magka-chix siya. Eh..'yung isang babae na pinanuod niya satin hanggang ngayon 'di pa natin nakikilala. Baka isang bayarang babae lang 'yon. Haha!" Pang-aalaska ni Renzo sa kaibigan.
"Oo nga, 'no. Nakalimutan ko na rin 'yon, eh. Mukhang bayarang babe nga lang. Haha!" Komento naman nitong si Zed.
Nagtawanan naman ang lahat except kay Jeff na ngayon ay nakatingin pa rin kay Jerome at Trish.
Tumayo ito ng walang sabi-sabi at tumungo sa gawi nila Jerome.
"Hi Trish." Masiglang bati nito sa dalaga.
Nagulat naman si Trish sa biglang pagsulpot ni Jeff sa harapan nila. Kinabahan ito na baka mabuko siya na may namamagitan din sa kanilang dalawa ni Jerome.
"Oh, h-hi Jeff. C-congrats nga pala." Mautal-utal na sabi ni Trish.
"Thanks. Teka, magkakilala kayo ni Jerome?" Tanong nito.
Sasagot sana si Jerome pero inunahan na agad siya ni Trish magsalita.
"A-ah oo! Ngayon-ngayon lang." Sagot nito sabay tinignan niya si Jerome ng masama na tila ba sinasabing 'wag na lang itong kumontra at sakyan na lang niya.
"Ahh, oo, tama! Kakakilala lang namin ngayon." Sagot naman ni Jerome.
Nakahinga ng maluwag si Trish sa naging sagot ni Jerome.
"Oh, good to know. By the way, kumain na ba kayo? Kain lang kayo, 'wag kayong mahiya." Tanong ni Jeff.
"Oo, kakatapos lang namin. Sarap nga ng pagkain eh. Kaso, mukhang kailangan ko ng dessert." Casual na sagot ni Trish habang nakangising nakatingin kay Jeff.
Na-weirduhan naman si Jerome sa kinikilos ni Trish.
"Gusto mo ng dessert? Tara kuha tayo don, marami don." Sabi nito sabay hinila si Trish sa braso.
"Dito muna kami, p're." Pahabol nitong sabi bago tuluyang hinila si Trish.
Nang marating nila ang kinalalagyan ng mga dessert ay binitawan na ni Jerome ang braso ni Trish.
"Ano bang problema mo, ha?!" Iritadong tanong ni Trish.
"Anong klaseng tingin 'yon, ha, Trish?" Tanong nito pabalik.
"Anong tingin? Kanino?"
"Kay Jeff." Mabilis na sagot nito.
"'Wag kang gumawa ng issue, Jerome."
"Kitang-kita ko 'yung tingin mo kay Jeff. At lalong kitang-kita ko 'yung pag-ngisi mo habang kausap mo siya kanina. May ibigsabihin ba 'yon, ha?"
Huminga ng malalim si Trish bago sagutin ang tanong sa kanya.
"Jerome, unang-una, wala akong dapat ipaliwanag sa'yo dahil hindi naman kita boyfriend. Pangalawa, anong masama kung ngumisi ako sa ibang lalaki? Nagseselos ka ba? Pangatlo, May karapatan ka ba para magselos?" Seryoso nitong sabi.
Nakaramdam ng kirot si Jerome sa sinabing iyon ni Trish.
"Ganon ka ba talaga kawalang pakialam sa nararamdaman ko?" May pagpiyog sa boses nito dahil sa namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Eh kung sabihin ko sa'yong oo? Anong gagawin mo?"
"Magpapakamatay ako.." mahina pero puno ng sakit na sagot ni Jerome.
Dagling nagulat si Trish sa naging sagot nito sa kanya.
"Talaga? Pwede ko bang makita iyon ngayon na?"
"Sabihin mo munang wala kang pakialam sa nararamdaman ko." Hindi na napigilan ni Jerome at tumulo na ang kanina pa niyang kinikimkim na luha.
"Oh, sure.. Wala. Akong. Paki. Sa. Nararamdaman. Mo!" Malakas na sabi ni Trish.
Hindi na sumagot pa si Jerome at dali-daling naghanap ng bote. Pinagmasdan lang siya ni Trish kung ano ang gagawin niya.
Nang makakuha si Jerome ng bote ay agad niya itong pinukpok sa ulo niya hanggang sa dulo na lang ng bote ang hawak nito. Matulis ang hawak nito at tinapat niya sa may bandang pulso niya.
Nagulat si Trish sa ginawa ni Jerome. Hindi niya akalain na totohanin nito ang kanyang sinambit.
"Eto bang gusto mo, ha?!" Sigaw ni Jerome habang nanlilisik na nakatingin kay Trish.
Agad namang nagtakbuhan papalapit sila Jeff sa kinaroonan ni Jerome. Nagulat sila sa itsura ni Jerome. Madaming umaagos na dugo mula sa ulo nito papunta sa mukha. Halos mainom na nito ang sariling.
"P're, ano'ng problema? Ibaba mo 'yang hawak mo." Mahinahon na sabi ni Jeff.
"Pare, 'wag kang mangialam dito." Sagot nito.
Tinignan ni Jeff kung saan ito nakatingin at muli, nagulat na naman ito.
Lumapit ito kay Trish na ngaon ay nanginginig na sa takot. "Trish, ano bang nangyayari dito?!" Tanong nito sabay yakap dito.
"Hindi ko ginusto na magkaganyan siya..hindi ko akalain na gagawin niya talaga 'yung sinabi niya..I'm s-sorry..I'm sorry.."
"Sshh. Tahan na..magiging ayos din ang lahat.."
--
Itutuloy..