Chapter 10

1346 Words
Chapter 10 Third Person's POV MAAGANG umalis ng bahay si Jeff upang pumasok sa trabaho. May kailangan pa kasi siyang i-submit na papeles ukol sa na-close niyang deal. Pagkarating niyang office ay naabutan niyang may nagkakagulo sa harapan ng pintuan ng office niya. Pagtakbo siyang lumapit dito. Pagtingin niya, 'yung isang ka-office mate niya ang pala ang pinagkakaguluhan. Tinapik niya ang isa sa mga ka-trabaho niya, "P're, ano'ng meron? Bakit pinagkakaguluhan si Paul?" Tanong nito. "Ang rinig ko eh, na-promote daw si Paul dahil sa nakapag-close siya ng isang napakalaking project." Sagot nito. "Ahh, ganun ba?" Napatingin ito sa hawak niyang folder na naglalaman ng mga papeles na dapat ay ipapasa niya ngayon sa kanilang boss. Malamya itong tumungo sa office niya at walang ganang umupo sa harap ng computer. "'Yung tipong excited kang pumasok para mag-submit ng na-close mong deal, tapos ang dadatnan mo ganto? Hays." Bulong nito sa sarili. Napayuko na lang ito sa kanyang desk at pinisil-pisil ang kanyang sintido. Habang hinihimas niya ang kanyang sintido ay biglang tumunog ang kanyang cellphone, pagtingin niya, tumatawag ang tropa niyang si Jerome. "Oh, problema?" Bungad nito sa barkada pagkasagot niya ng tawag. "At my place, 10pm." Sagot nito at dali-daling binaba ang tawag. Napaisip si Jeff kung bakit siya pinapapunta ng barkada niya sa condo nito. "Mukhang may ipagmamalaki na naman ang mokong, ah." Bulong pa ulit nito sa sarili. -- HABANG nagda-drive si Jeff papunta ng condo ni Jerome ay biglang nag-ring ang phone niya. Minabuti niyang i-park sandali ang kanyang sasakyan at sinagot ang tawag. "Oh, Hon? Napatawag ka?" Bungad nito. "Hon! Akala ko ba uuwi ka ng maaga ngayon? May schedule tayo ngayon kay Trish! Remember?" "Ay sh*t! Oo nga pala. Sorry, hon." "Nasaan ka ba, ha?!" Medyo pasigaw nitong tanong. "Papunta ako kila Jerome--" "Ano?! Papunta ka na naman don? Ano, mas importente ba 'yon sa wedding natin, ha?" "Hindi naman sa ganun, hon. Ano kasi..eh. Ahm.." "Ano?! Sige! Unahin mo 'yang paglalakwatsa mong damuho ka!" "H-hon! Sandali--" Hindi na nito naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil binabaan na ito ng telepono. Napabuntong hininga na lang ito bago tuluyang pinaandar muli ang sasakyan. -- NANG makarating si Jeff sa condo ni Jerome ay nadatnan niyang nag-iinuman na ang mga ito. Walang kibo itong umupo sa tabi ni Jerome. "Oh, bakit ganyan 'yang mukha mo?" Tanong ni Jerome kay Jeff. "Galit na naman sa'kin si Kathy, p're." "Bakit? Ano na namang kagaguhan ang ginawa mo?" Napatingin si Jeff kay Jerome dahil sa naging tanong nito sa kanya "Dahil sa'yo, gago!" "Dahil sa'kin?!" Di makapaniwala nitong sagot. "Oo, dahil sa'yo! Dahil mas pinili kong pumunta dito kaysa sa preparation for our wedding." Binatukan ni Jerome si Jeff. "Eh, gago ka pala, eh. Pwede namang hindi ka na pumunta dito. Bakit pumunta ka pa?" "Hayaan mo na. Nangyari na, eh. Ano ba kasing problema mo at pinapunta mo kaming lahat dito?" Pag-iiba nito ng usapan. "May ipapakita daw siya sa'tin, p're." Singit nitong si Zed. "Oh, ano ba 'yon?" Sabay harap ni Jeff kay Jerome. Ngumisi lang ng nakakaloko si Jerome at pumuwesto sa may harapan nila. In-open niya ang t.v at isinaksak niya ang kanyang cellphone. "Panuorin niyo." Proud na sabi nito. Tinuon nilang lahat ang kanilang paningin sa t.v na ngayon ay nag-uumpisa ng mag-play. "Ano ba 'yan, Jerome?! Bakit puro itim lang nakikita namin?" Iritadong tanong ni Renze. "Maghintay ka, makikita mo rin." Sagot nito sabay ngumisi. Nag-antay pa sila ng ilang minuto bago tuluyang nagkaroon ng boses sa pinapanuod nila sa t.v. Tila ba parang may nag-uusap na dalawang tao. Isang babae at isang lalake. Maya-maya pa, unti-onti nang nagliliwanag. Naaaninag na nilang nasa iisang kwarto lang 'yung nag-uusap. "Pst! Jerome, ikaw ba 'to?" Mahinang tanong ni Zed. "Papanuod ko ba 'yan kung 'di ako? Psh." "'Wag na kayong maingay. Manuod na lang kayo." Sabat naman nitong si Jeff. Tumahimik naman silang lahat at nanuod na lang. Nag-usap lang ng ilang minuto si Jerome at ang kasama niyang babae bago sila naghalikan. "Takte! Ang panget mo humalik, Jerome!" Sigaw ni Ace. Nagtawanan naman silang lahat. "Oo nga. Para kang natatae na ewan. Hahaha!" Pang-aalaska pa nitong si Kris. Hindi na nag-abala pang sumagot si Jerome dahil kahit siya, tutok din sa panonood. Hanggang sa mas uminit na ang mga eksena. Kung kanina lang ay naghahalikan sila ng casual lang, ngayon passionate na. "Teka p're, bat parang laging nakatalikod 'yung babae? Kung hindi naka-side view, nakatalikod. Ayaw mo bang ipakita sa amin 'yung itsura nang babaeng 'yan dahil alam mong madidismaya kami?" Turan nitong Jeff sa kaibigan. "Hindi sa ayaw p're, sadyang ganyan lang talaga 'yung pwesto namin." Sagot nito. Wala na muling nagsalita pa sa kanila. Lahat tutok sa panunuod. Hanggang sa matapos ang eksena. Maangas na kinuha ni Jerome ang kanyang cellphone sa may t.v at humarap sa mga kaibigan niya. Ngumisi ito bago tuluyang nagsalita. "Ano mga pare, bilib na ba kayo sa'kin?" Sabay ngisi nito. "Okay na rin.." May pang-asar sa boses na iyon ni Ace. "Anong okay na rin? Gago! Inggit ka lang, aminin mo na kasi!" Sigaw nito sabay tawa. "Anong ika-iinggit ko sa video na 'yan? I-upload mo sa social networking site. Pag nag-trending at sumikat, baka dun, mainggit ako." Sagot ni Ace. Nagtawanan naman 'yung iba. Si Jerome, 'di sumagot at animo'y may iniisip na malalim. Inabayan siya ni Jeff at kay binulong. "Saan mo nakuha 'yung chix na 'yon? Ang sexy, ah." Bigla naman kinilabutan si Jerome. "Bakit p're, interesado ka?" Sabay ngisi nito. "Gago hindi. Ano kasi. Parang pamilyar 'yung babae. Ano bang pangalan non?" Tanong nito. "Ahh. Si ano 'yon..si--" "Hoy! Anong pinagbubulungan niyo dyan?" Biglang singit ni Kris sa usapan. Dahilan para di na matuloy ni Jerome ang kanyang sasabihin. Tumayo si Jeff at inayos ang sarili. "Hoy mga unggoy! Mauuna na 'ko, ah. 'Yun ipapakita lang talaga ni Jerome ang pinunta ko dito. Ayos naman. Magaling at sexy 'yung chix niya. Kaso bukod sa 'di natin nakita 'yung mukha nung babae, ang liit ba ng alaga ng tropa natin. Hahaha!" Asar nito sa kaibigan. "Lul! Maliit ba 'yon? Eh sa pagkakaalam ko nasa 6 inches 'to." Ngumisi pa ito bilang ganti. "Next time magsukatan tayo para malaman kung sinong pinakamaliit. Tapos kung sino ang may pinakamaliit na alaga, pipitikin ng isa-isa." "Mukhang maganda 'yan, kumpareng Jeff." Sang-ayon ni Ace. "Oo ba. Ayun lang ba? Gusto mo dagdagan pa natin ng pusta, eh." Proud nitong tinuran. "5k." Tipid na sabi ni Jeff. "10k." Agad na sagot ni Jerome. "Deal." Sabay lahad ng kamay ni Jeff. "Deal." At inabot ni Jerome ang kamay ni Jeff. "Mukhang magandang laban 'to, ah." Sabi nitong si Kris "Mukha nga.." Dagdag naman ni Ace. "Osiya..mauuna na talaga ako. May aayusin pa 'ko, eh. Kitakits na lang." Paalam ni Jeff. Tinapik tapik niya ang balikat ng mga kaibigan niya bago tuluyang umalis na lugar nila Jerome. Naiwan naman sila dun at pinagpatuloy ang pag-iinuman. -- MINABUTI ni Jeff na dumaan sa wedding boutique ni Trish.. nagbabakasakaling maabutan pa niya don si Kathy. Pagpasok niya, naabutan niyang nagliligpit na si Trish. Lalabas na dapat siya at 'di na niya papansinin si Trish, nang bigla siyang tawagin nito. "Jeff?!" 'Di makapaniwalang tanong nito. Lumingon ito na may blankong mukha. "Hmm?" Inilapag ni Trish ang mga hawak nito at lumapit kay Jeff. Sinukbit niya ang kamay niya sa braso ni Jeff. "Bakit ka nandito? Na-miss mo ba 'ko agad?" Tanong nito na may nakakaakit na boses. "H-ha? H-hindi ah! Dumaan lang ako dito dahil akala ko nandito pa si Kathy.. susunduin ko sana." Palusot nito. "We? Talaga ba? Dito ka muna.. laro muna tayo." Sabi nito habang inaayos ang kwelyo ni Jeff. "B-busy ako.. may gaga--" Hindi na naituloy pa ni Jeff ang kayang sasabihin dahil sinunggaban agad siya nito ng halik. Nung una nagulat pa ito pero kalaunan ay tumugon din ito nang halik. Tumagal pa nang halos dalawang minuto ang halikan nilang iyon bago bumitaw si Jeff. Nilapit nito ang bibig sa tainga ng dalaga at may binulong.. "Tara, duon tayo sa office mo." -- Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD