Chapter 5

1762 Words
Third Person's POV Maayos ang naging paghihiwalay ng dalawa nang makalabas sila ng coffee shop na 'yon. Bagamat hindi sila nag-usap pagkatapos ng naganap sa kanila dalawa, ay alam nilang pareho sa sarili nila na nai-enjoy nila 'yong pareho. Nagmadaling umuwi ng bahay si Jeff upang magpalit ng damit. Minabuti niyang ibabad sa tubig ang hinubad niyang pantalon sa kadahilaang natalsikan ito ng masamang likido. Pagkabihis niya ay nagmadali na siyang sumakay sa kotse niya at nag-maneho papunta sa bahay nila Kathy. May usapan kasi silang dalawa na aayusin nila ang gusot sa pagitan nilang dalawa sa harapan ng daddy ni Kathy. Nang makarating siya ay agad niyang pinark ang sasakyan niya at dali-daling pumasok ng bahay nila Kathy. Sa loob, naghihintay na sa salas si Kathy at ang daddy nito. Nang nakita na ni Jeff ang daddy ni Kathy ay agad itong nagmano, tanda ng paggala niya sa soon-to-be father-in-law niya. "Magandang gabi po, Papa." Masiglang bati ni Jeff sa Daddy ni Kathy sabay baling ng tingin sa fiancee niya na ngayon ay nakaupo sa bandang kanan niya. Tinignan lang siya nito ng ilang segundo bago ibinaling ulit ang tingin sa malayo. "Maupo ka, hijo." Sabi ng Daddy ni Kathy kay Jeff. "Sige po, salamat." Sagot ni Jeff bago tuluyang maupo na. Ngayon ay magkaharap na si Jeff at ng byenan niya habang nasa kanan naman ni Jeff si Kathy. Nagkatitigan sila ng ilang segundo bago naunang magsalita ang Daddy ni Kathy. "Ano bang pinag-awayan niyong dalawa?" Panimulang tanong nito. Bagamat may edad na rin ang Daddy ni Kathy ay ayaw pa rin niyang pinapabayaan ang bunso niyang anak na si Kathy. Ayaw na ayaw kasi nito na nasasaktan ang anak niyang minsan ay tinuring niyang prinsesa. "A-ah, Papa. Maliit na bagay lang po iyon." Sagot ni Jeff. Minabuti niyang sumagot ng mahinahon dahil alam niyang may sakit ito sa puso. "Maliit na bagay? Pero umuwi dito ang anak ko na umiiyak? Ayun ba ang maliit na bagay para sa'yo, hijo?" Sabi ng Daddy ni Kathy dahilan para magulat at manlaki ang mata ni Jeff. Sa loob-loob ni Jeff ay gusto niya ng sumabog dahil sa hiya. Ang buong akala niya kasi ay pumunta lang si Kathy sa bahay ng Daddy niya upang makapag isip-isip at makapagpahangin. Hindi niya inakalang sa mismong tatay pa pala ni Kathy siya iiyak. Tinignan ni Jeff ng masama si Kathy bago sumagot, "Okay po, Papa. Magpapaliwanag po ako." Wala ng ibang nagawa si Jeff kundi ang magpaliwanag. Pinaliwanag ni Jeff ang lahat ng nangyari at mukhang naintindihan naman ito ng magiging byenan niya. "Ganun po ang nangyari, Papa." Huling sambit ni Jeff. Itinuon ni Mang Jose ang tingin niya sa anak niya, "Oh, anak. Ayun naman pala ang nangyari. Patawarin muna si Jeff. Mukhang sincere naman siya sa paghingi ng sorry eh." Sabi ni Mang Jose sa malumanay na boses. Nag-alinlangan pa ng konti si Kathy bago tuluyang nagsalita, "O-opo, Papa. Pinapatawad ko na po siya." Sabay tingin niya sa boyfriend niya. Hinawakan niya ang kamay nito, "I'm sorry, hon. Naging selfish ako, hindi kita inintindi. I'm sorry, dahil naging sarado agad ang isip ko. Sorry, kasi nawalan agad ako ng tiwala sa'yo. I'm so--" Hindi na natuloy pa ang sasabihin niya dahil niyakap agad siya ng mahigpit ng kanyang boyfriend. "Shh. Tama na, hon. Wala kang kasalanan." Sabi nito habang hinahagod ang likod ng kanyang fiance. Narinig niyang umiiyak ang fiance niya kaya hinarap niya ito sa kanya, "'Wag ka ng umiyak, hon. Nasasaktan akong makita kang umiiyak." Sabay pinunasan niya ang luha sa mukha nito. "Bati na tayo?" Parang bata nitong tanong. Napangiti siya ng bahagya sa sinabi nito sa kanya, "Oo?" May nakakalokong ngiting sumagot nito. Hindi na hinintay pang sumagot ito sa kanya at mabilis silang nagyakapan tanda ng pagkakabati nila. Tumayo silang pareho na may ngiti sa labi, "Papa, maraming salamat po." Masiglang sabi ni Jeff. Dahan-dahang tumayo ito gamit ang tungkod niya, "Sa susunod na mag-aaway kayo, dapat alamin niyo muna ang puno't dulo ng lahat bago kayo magpasya. Hindi na kayo mga bata, may puso't isipan na kayo para maintindihan ang mga bagay-bagay sa mundo." Makabuluhang payo nito sa dalawa. Napangiti silang pareho dahil sa narinig nila. Hindi na nila alintana ang mga malalim na salitang binibigkas sa kanila nito. Alam kasi nilang dati itong makata. "Opo, Papa. Mauna na po kami." Nagmano silang pareho bago tuluyang lumabas ng bahay na iyon. -- "Hon, pagod na 'ko." Mahina nitong sabi habang nakasandal sa balikat ni Jeff na ngayo'y nagda-drive. Minabuti kasi nilang kumain na lang sa isang fast food chain bago sila umuwi sa kanilang tinutuluyan. Hinawakan niya ito sa ulo, "Malapit na tayo, hon. Makakapagpahinga na rin tayo." Hindi na sumagot pa ito dahil sa pagod na kanyang nararamdaman. Nang makauwi sila ay agad silang nagbihis ng damit at sabay na humiga. "Tulog na tayo, hon. Maaga pa tayo para sa wedding preparation natin." Tinignan ni Jeff ang mukha ng babaeng nakahiga sa braso niya bago sumagot, "Goodnight, honey. I love you." Sabay dampi ng halik sa labi nito. Ngumiti ito ng bahagya, "I love you, too." Tugon nito bago niya ito niyakap ng mahigpit at sabay silang natulog magkayakap. -- Sabado ngayon, maagang gumising si Kathy upang magluto ng breakfast. May appointment kasi sila sa isang wedding coordinator ngayon. Matapos niyang maihanda ang lahat ay ginising na niya ang mahimbing na natutulog niyang fiance. "Honey, gising na." Sabi nito habang inaalog ito ng mahina. Tanging pag-ungol lang ang narinig niyang tugon sabay bumaling patalikod sa kanya. Tumayo siya at hinubad ang suot niyang tsinelas at tsaka pumatong sa ibabaw ng kama-- sa ibabaw ni Jeff. "Hindi ka gigising diyan?" May otoridad sa boses nito. But still, hindi pa rin siya pinansin nito dahil sa sobrang himbing ng pagkakatulog. Ngumisi ito ng nakakaloko bago sinimulan ang kalokohang iniisip niya. Dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay niya sa t-shirt nito papunta sa kili-kili. Kiniliti niya ito ng dahan-dahan pero na-dismaya lang siya sa ginawa niya. Wala pa ring epekto ito. Tinanggal lang ang kamay niya at bumaling ulit patalikod sa kanya. "Ugh! Ayaw mo talagang gumising ah?!" Yamot na yamot nitong sigaw. Pumaibabaw ulit siya rito at walang habas na hinubaran ito ng damit pang-itaas. Nag dalawang isip pa ito saglit kung gagawin niya ba ito o hindi. Itinaas nito ng bahagya ang kanang kamay at dahan-dahang hinawakan ang buhok nito sa kili-kili sabay.. Gigil na gigil niya itong sinabunutan. Automatic na napahawak ito sa kili-kili niya at nagsisisigaw. "Ano bang ginagawa mo, ha?!" Sigaw nito habang hawak-hawak ang kamay ni Kathy. Hindi siya sumagot at tinaasan niya lang ito ng kilay, "Problema mo, Kathy?!" Sigaw ulit nito na ngayo'y mukhang bwisit na bwisit na. "Tinatanong mo kung anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Kanina pa kita ginigising, para kang tulog-mantika kung matulog!" Sigaw nito pabalik. Napahilamos si Jeff sa sobrang bwisit. Pero naalala niyang kakabati lang nilang dalawa kahapon at sumumpa na hindi na mag-aaway pang muli. Binuhat nito ng bahagya si Kathy na ngayon ay nakaupo sa hita niya. Nginitian niya ito ng bahagya, "Tara sabay na tayong maligo." Hindi na nito hinintay pang sumagot ito at binuhat na niya ito ng parang bagong kasal. Wala nang nagawa pa si Kathy kundi ang pumayag na lang kahit sa loob-loob niya ay may pagtatampo pa rin siya. Nang matapos silang maligo at magbihis ay sabay silang kumain ng breakfast. Tumigil sa pagkain si Jeff at lumagok ng tubig, "Hon, saan mo pala nakilala 'yung wedding coordinator na nakuha mo?" Tanong nito kay Kathy na ngayo'y abalang abala sa pagkain. Tumingin ito kay Jeff, "Kay Nikalyn, 'yung high school friend ko na pinakilala ko sa'yo nung um-attend ta'yo ng wedding nila Ate Sharon." Si Sharon ay ang nakakatandang kapatid ni Jeff. Kinasal ito last year at naka-base na ngayon sa america. "Ahh. 'Yung may malaking nunal sa ilong? Na-akala mo isang malaking paminta?" Sagot nito sabay tumawa ng malakas. Tinuktok ni Kathy ang kutsara niya sa pinggan at tinignan niya Jeff ng masama, "Honey! Stop it! Is not funny anymore." Pinunasan niya ang bibig at tsaka tumayo. "Bilisan mo, ubusin mo na 'yang kinakain mo. Hintayin na lang kita sa kotse." Sabi pa nito sabay naglakad palabas ng bahay nila. Naiwang tumatawa pa rin Jeff. Hindi niya mapigilang mapatawa sa tuwing naaalala niya ang itsura nung babaeng pinakilala sa kanya ni Kathy. Hindi naman ito panget, sadyang malaki lang talaga ang nunal nito sa bandang ilong. Nang naka-move-on na ito sa pagtawa ay inubos niya muna ang kanyang kinakain bago niya sinundan si Kathy na ngayo'y naghihintay na sa loob ng kotse niya. -- Walang pansinan silang bumyahe hanggang marating nila ang shop na pupuntahan nila. Hindi na hinintay ni Kathy na pagbuksan siya ng pinto at bumaba na siya agad ng kotse. Napailing na lang si Jeff dahil dito. Naunang pumasok ng shop si Kathy. Pinarada pa ng mabuti ni Jeff at kotse niya bago tuluyang pumasok ng shop. Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo na si Kathy. Tinabihan niya ito at hinawakan ang kamay. "Galit ka pa rin, Hon? Sorry na." Sincere nitong sabi. Tinignan lang siya nito at ngumiti ng pilit. "Okay." Tipid nitong sagot. Hindi na nag-abalang sumagot pa si Jeff at nanahimik na lang. Habang naghihintay sila ay biglang nag-ring ang phone ni Jeff. Kinuha niya ito sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita niyang secretary niya ang tumatawag ay agad niya itong sinagot. "Excuse lang, hon." Sabi nito ay nagmadaling lumabas ng shop upang kausapin ang secretary niya. Naiwang mag-isa si Kathy. Maya-maya lang ay dumating na ang baklang assistant ng kakausapin nilang wedding coordinator. "Ma'am, sorry po sa paghihintay. Nandito na po siya.." Sabi nito kay Kathy sabay tinuro ang papalapit sa kanilang babae. Tinignan ni Kathy ang babae. Maganda ito at sexy base sa kanyang damit. "Hi, sorry sa paghihintay. May inasikaso kasi akong urgent, eh." Hinging paumanhin nito kay Kathy. "It's okay. Shall we start?" Straight nitong tanong. Medyo nagulat pa ito sa naging sagot sa kaniya ni Kathy, "S-sure. Have a sit." Sagot nito sabay baling ng tingin sa assistant niya, "Kunin mo lahat ng kakailanganin natin." Pag-uutos nito. "Wait lang po, Ma'am. Pinakuha ko na po ang mga brochure na pagpipilian niyo na magiging theme ng wedding niyo." "Okay." Habang naghihintay sila ay bigla namang dumating si Jeff. "Hon, nandiyan na ba 'yung wedding coordi-na-tor..?" Napabagal sa pagsasalita si Jeff ng makita niya kung sino ang magiging wedding coordinator nila. "Oo, hon. Siya nga pala si Ms. Trish Gonzalez Carter, our wedding coordinator." Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD