Continuation..
Abala kaming pareho kung paano maiiraos ang init na nararamdaman naming pareho.
Huminto ako saglit upang tignan siya. Napakaganda niya talaga. "Hon, are you tired?" Mahina kong bulong sa kanya.
"No, I'm not. Just go on please." Sagot niya na tila nalalantang gulay.
Iniayos ko ang posisyon naming dalawa. Ipinatong ko siya sa'kin upang siya naman ang trumabaho.
"f**k! You're so hot, hon!" Sigaw ko nang simulan niya ang paggalaw sa ibabaw ko.
"Ahh! Ahh, hon! Ahh!" Sigaw niya habang panay pa rin ang paggalaw.
Tanging ang paglangitngit ng lamesa at ang boses naming dalawa lang ang naririnig ko.
Lumipas pa ang ilang minuto at ako naman ang gumalaw. Mabilis ko siyang inihiga at pumatong sa ibabaw niya.
"f**k, kathy! I'm coming!" Sigaw ko at mas binilisan pa lalo ang paggalaw sa ibabaw niya.
"Ahhhhh!" Sigaw naming pareho nang sabay kaming makaraos.
Hinihingal pa akong yumakap sa kanya at hinalikan siya ng bahagya. "I love you, honey." Mahinang sabi ko sa kanya.
Tinignan niya 'ko at hinawi ang buhok sa mukha ko. "I love you too, honey." Sagot niya.
Niyakap ko siyang muli at doon ay unti-onti na akong nakaramdam ng antok.
--
Kathy's POV
"Hon? Gising na, hon." Sabi ko habang tinatapik siya sa pisngi. Tulog pa rin kasi siya sa ibabaw ng lamesa eh. Haha!
"Uhmm." 'Yan lang ang sabi niya at bumaling patalikod sa'kin.
"Hon, gising na. Anong oras na oh, hindi pa tayo kumakain." Sabi ko pa.
Bumaling siya ng higa sa'kin at unti-onting dinilat ang kanyang mata. "Nananaginip ba 'ko?" Tanong niya.
Nagulat naman ako sa tanong niya. "Ha? Hindi, hon. Bakit mo naman natanong?" Naguguluhan kong tanong.
Ngumisi siya ng bahagya. "May isang anghel kasi akong nakikita eh." Sagot niya sabay kindat pa sa'kin.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkainit sa pisngi ko. "Mga banat mo, hon. Bumenta na 'yan." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Ayusin muna ang sarili mo at kaka--"
Natigil ako sa pagsasalita nang makaramdam ako ng mainit na bisig mula sa likod ko.
"I love you, kathy." Bulong niya sa'kin sabay hinalikan ako sa leeg ko.
Nakiliti ako sa ginawa niya. "Stop it, jeff! A-haha! Ano ba! Stop it! Hahaha!" Tumakbo ako papuntang salas. Hinabol niya kasi ako.
"Nandiyan na 'ko, honey. I-ready muna ang makinis mong leeg." Rinig kong sabi niya kaya naman nagtago ako sa may likod ng upuan.
Pinakiramdaman ko ang tunog ng lakad niya hanggang sa tumigil ito. Dahan-dahan akong sumilip upang tignan kung nasaan siya.
Teka, saan napunta 'yung mokong na'yun? Ang bilis naman atang na--
"Huli ka!" Nagulat na lang ako nang may biglang sumigaw sa likod ko.
Automatic na napatayo ako at akmang tatakbo sana nang bigla niya akong hawakan sa kamay at inilapit sa kanya.
Tinignan ko siya, napaka-seryoso ng mukha niya. "Uhm?" Tanong ko.
"Bakit ba napakaganda mo?" Mahina pero malambing niyang tanong sa'kin.
Ilang segundo din akong napatulala bago ako nakasagot. "Hindi ko din alam eh. Ang tanging alam ko lang ay mahal kita, mahal na mahal." Sagot ko. Akala mo ikaw lang marunong bumanat ah.
"Mahal din kita, Kathy Cez Alegarme. Soon to be Kathy Cez Alegarme-Fetalvero." Sincere niyang sagot.
Kinilig naman ako sa sinabi niya. Hindi na 'ko sumagot pa at niyakap ko siya ng mahigpit.
Napaka-sweet niya talaga kahit kailan. Kahit mag ta-tatlong taon na kaming magkasama sa iisang bubong ay hindi pa rin nawawala 'yung kilig na nararamdaman ko sa tuwing bumabanat siya ng mga cheesy lines.
"Tara na, hon. Kain na tayo. Maaga ka pa para bukas oh." Sabi ko nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.
Nag nod na lang siya at sabay na kaming naglakad papuntang dining area.
Pagkarating namin ay agad kaming umupo. "Wow, daming foods ah." Manghang-mangha siya ng makita niya ang mga niluto ko. Wala kasi kaming maid kaya ako lang ang nagluto mag-isa.
"Sige na, hon. Kumain na tayo." Sabi ko. Nag nod naman siya kaya nag-umpisa na kaming kumain.
Habang kumakain kami, bigla kong naalala 'yung nag text kanina sa cellphone niya. "Ah, hon. May nag text pala kanina sa cellphone mo." Sabi ko.
Nagpunas muna siya ng bibig niya bago sumagot. "Oh, ano daw ang sabi? Tsaka sino 'yung nag-text?" Tanong niya.
"Wala, wala namang siyang ibang sinabi bukod sa "Good afternoon" lang. Unregistered number, eh. Trish yata 'yung name." Sagot ko.
Nakita kong bigla siyang nasamid at umubo-ubo. "Oh, hon. Tubig oh." Sabay abot ko sa kanya ng tubig.
Ininom niya naman ito. "Dahan-dahan lang kasi sa pagkain. Napaghahalataang sarap na sarap ka sa niluto ko, eh." Pangaasar ko sa kanya pero hindi siya sumagot.
Problema nito? Bigla na lang natulala. "Hon? Natulala ka diyan." Nakatingin lang ako sa kanya. Naghihintay na sumagot siya.
"Hon?!" Medyo napasigaw na 'ko. Nakatulala talaga siya, eh.
"Ano nga ulit 'yung sabi mo, babe?" Tila nabuhusan ng tubig ang mukha niya.
"Babe?! Tinawag mo 'ko ng babe?" Napatayo ako at tinignan siya ng masama.
"H-ha? Sinabi ko ba 'yun, hon?" Takang-taka niyang tanong.
"Yes, I heard it right, honey." Sarkastisko kong sagot.
Tumayo siya at pumunta sa likuran ko upang yakapin ako. "Sorry, hon. Masyado lang siguro akong napagod kagabi kaya kung anu-ano na ang nasasabi ko." Malambing niyang sabi.
Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakayakap sa'kin at naglakad palayo sa kanya. "Tapusin mo ng kumain, nawalan na 'ko ng gana. " Nagmatigas ako kahit sa loob-loob ko sobra na 'kong nasasaktan.
"Pero hon, wala ka pang nakakain." Rinig ko pang sabi niya. Naglalakad na kasi ako papuntang kwarto.
"Busog na 'ko, busog na busog na!" Sigaw ko sabay sinarado ng sobrang lakas ang pinto ng kwarto namin sabay ni-lock.
Ayoko munang nakatabi siya sa pagtulog. Yaan ko siyang sa sofa matulog. Magsama sila ng babe niya!
Jeff's POV
Bwisit! Ano na naman ba 'tong ginawa ko? Kakabati lang namin, away na naman. Tsk.
"Hon, buksan mo 'tong pinto!" Sigaw ko habang panay ang katok ko ng pinto.
"Hon, ano ba! Buksan mo 'to! Magpapaliwanag ako!" Sigaw ko pa.
Idinikit ko ang tenga ko sa pinto upang pakiramdaman ang tunog sa loob. Shete naman oh, galit nga. Tsk.
Nagmadali akong tumakbo papuntang salas upang kunin ang cellphone ko.
Pagkakuha ko, agad kong tinignan ang messages. Bumungad sa'kin ang isang unregistered number. Pagbasa ko ng text, agad nag-init ang ulo ko. Si Trish nga 'to.
Lumabas ako ng bahay at agad na tinawagan si Trish. Ilang ring lang at sinagot niya agad.
[Hi--]
"Alam mo ba ang ginawa mo ha?!" Sigaw ko sa telepono.
[Ow, ano bang ginawa ko?]
"Anong ginawa mo ha?! Tinatanong mo kung anong ginawa mo? Pinag-away mo lang naman kaming dalawa ng fiance ko!!" Gigil na gigil na talaga ako. Hindi ko hahayaan na ang babaeng 'to lang ang sisira sa aming dalawa.
[Pinag-away? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawang masama, ah?] Sarkastisko pa niyang sagot.
"Trish, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Kaya pwede ba? Lubayan mo kami! Get lost!" Sigaw ko sabay baba ng tawag.
Nanginginig pa 'kong pumasok ng bahay. Napaka-walangyang tao nun, akala ko pa naman mabait. Isa pa lang demonyo.
Sinubukan ko pang katokin ulit si Kathy pero ayaw niya talagang buksan ang pinto.
Kaya eto, no choice kundi ang matulog sa sofa. Hays. Sana bukas maayos na 'tong lahat.
p