CHAPTER 2

1845 Words
CHAPTER 2 “ Uh, Atlas? Baby can I go out? ” Kinakabahan kong tanong sa asawa ko. Takot ako na baka magalit na naman ito. We always fight kapag mag papa- alam ako sakanya na aalis ako. He's being so possessive. “ Where and who's with you? ” Malamig niyang tanong. Ganyan s'ya kapag may gusto akong gawin o puntahan, nagiging cold siya saakin. “ Si Nyx at Fiona lang naman lagi kong kasama kapag lalabas ako. Pero... ” Tinitigan niya ako at hinintay ang aking sasabihin. “ But, what? ” “ Pero, h’wag na lang. Mukhang ayaw mo rin. Well ayaw mo naman talaga.” I sigh heavily after I said those words. Masakit sa kalooban ko iyon. Gusto ko rin naman gumala at ienjoy ang buhay ko hindi ang mag kulong lang dito sa bahay. “ Did I scared you Piper? ” Nag iwas ako ng tingin sakanya bago inumin ang gatas. “ Piper Sage I'm talking at you. Answer me...! ” May diin niyang sabi. “ Atlas hindi na nga okay? I'll just stay here. ” Pasukong saad ko. Kung magagalit din lang naman siya ay h'wag na lang. “ Sige na. Tapusin mo na muna ang umagahan bago ka umalis. ” Nag liwanag ang mga mata ko sinabi niya. Hindi sa malamig na boses kundi sa boses niya na pinapayagan talaga ako at hindi labag sakanya. “ Too happy huh? H’wag kang mag papa- gabi sa gala n'yo. Call me nor text me kung mag papasundo ka. ” I nod at him then salute. I'm really happy na pinayagan niya ako. “ Okay Mayor. Masusunod po. ” Masiglang wika ko na nakapag pailing sakanya. Mahirap basahin ang isang Atlas Nueva Atienza. Magaling siyang mag tago ng emosyon at kahit pa- paano ay kabisado ko na ang asawa ko. Tinawagan ko na sila Nyx at hihintayin na lang nila ako sa paborito naming resto. “ Don't be late okay? ” Bilin pa ni Atlas. S'ya kasi ang nag hatid saakin, marunong ako mag drive pero ayaw niya akong payagan. “ Yes mayor. I love you Atlas. ” I whisper as I kiss his lips. Mahal ko s'ya kahit minsan yelo s'ya, minsan mapang asar, minsan napaka dominant, madalas tigre. At palaging akala mo may buwanang dalaw. 'yan si Mayor Atlas. “ I love you most. Sige na, take care of yourself baby. ” Binuksan ko na ang pinto at lumabas. Kumaway pa ako sakanya at hinintay maka layo ang kanyang sasakyan. For sure sa municipal building na naman siya. Hindi na talaga siya nagkaroon ng mahabang time saakin. Nakaka lungkot. “ Akala ko ba, hindi galit ang asawa mo. Bakit ganyan kapangit ang mukha mo? " I raise my eyebrows at Nyx. Nasa loob na kami ng resto at nag hihintay ng aming order. “ Tsk. wala naisip ko lang na matagal tagal na rin pala ng huli kaming makapag date at bonding. ” Totoo naman ah. Matagal na rin at iniisip ko 'yon “ Ow? Kung bakit ba kasi isang politiko ang asawa mo Piper. ” Ani Fiona. Himala lumabas ng lungga ang g@ga. “ Politician din naman ang fiance ni Nyx na si George ah. Bokal pa nga ito ng lalawigan. ” “ Pero Piper, hindi ganon ka hassle ang trabaho ni George. May time pa rin siya saakin at hindi niya ako kinukulong sa bahay.” Well, sabagay. Magka iba nga kami ni Nyx. “ Ewan ko rin ba sakanya. Lately pansin ko parang nag iiba s'ya. Mahirap naman mag akusa ng walang sapat na ebedensya o proweba. ” Sabi ko na lang. “ Mag akusa na ano? Na may babae si Atlas? Hindi imposible dahil mayor s'ya. ” Pinanlisikan ko ng tingin si Nyx. Grabe talaga ang bungangà niyo, walang preno! Mag kano ba ang mouth break para malagyan ko itong si Nyx? Kahit packing tape na lang. “ Nyx ano ba... Ang ingay mo wala ngang proof right? ” Saad ko at dumating na rin ang order namin. Nag simula kaming kumain habang nag ku- kwentuhan pa. “ Nag simba kayo kahapon? Hindi ko kayo napansin. ” Pag lihis ni Fiona sa usapan. “ Hindi e. Napagod at napuyat ako nang sabado ng gabi. ” Sagot ko. “ I see. Anniversary n'yo nga pala ng asawa mo. Ikaw Nyx nag simba ka? ” Umiling si Nyx sakanya. “ Bakit? ” “ Pagod at puyat din. Tapos inaya ako ni George na gumala somewhere kaya kahit second mass ay hindi ako naka dalo. ” Sagot naman ni Nyx. “ Umay, kayo na itong may asawa at Fiance. ” Reklamo ni Fiona. “ Hay naku girl. Bakit kasi hindi ka mag boyfriend o girlfriend d'yan? Hindi ka ba nauumay sa single era mo? Balak mo bang tumandang dalaga? Aba! Bente syete ka na kaya. ” Bahagya akong natawa sa sinabi ni Nyx. Maka direct to the point ng konte. Bisexual si Fiona at hindi namin alam kung mag girlfriend ba ito o boyfriend. “ Mabuti pa nga na tumandang dalaga kaysa may ka partner ka nga kaso hindi mo na hawak ang oras mo at hindi mo na magagawa ang gusto mo. Kung magkakaroon man ako ng mamahalin, hindi 'yong tao na walang oras saakin at tao na sasaktan ako pag dating ng araw. Sayang ang pagka gold ko kung iiyak lang naman ako sa lalaki tulad n'yo ni Piper. ” Mahabang litanya ng nonchalant naming kaibigan. “ Oh, ako na naman ang nakita mo Fiona. Hayst... Bilisan n'yo na nga kumain ipasyal n'yo ako dahil minsan lang ako makalaya sa selda. ” Nang matapos nga kaming kumain ay bumisita kami panandalian sa simbahan. Madalas kaming tatlo dito lalo na nong una. Sandigan namin ang simbahan kapag mabigat ang aming nararamdaman. Matapos namin mag tungo sa simbahan ay nasa park naman kami ngayon. Mamaya raw ay mag mall kami para sa mga bata na nasa bahay ampunan. Sagot ko ang gastos kapag sa bahay ampunan. Binigyan ako ng card ni Atlas. Dahil alam niya na sinu- suportahan ko ang mga batang walang tahanan at magulang. “ Guys sino 'yon? Grabe ang gwapo nya naman parang gusto ko magpa dilig. ” Tili ni Nyx nang makita ang lalaki. “ Gag@ anong padilig e pari 'yan. ” Naputol ang imagination ni Nyx dahil kay Fiona. “ H- Ha? P-Pari 'yan? Sayang naman. Seryoso ka ba? Pari yan? ” Ulit ulit niyang tanong sa kaibigan namin at niyuyogyog pa ang balikat. “ Nyx masakit ano ka ba...! Oo nga pari yan ang kulit neto. S'ya yong nag misa kahapon ang dami nga nag simba. ” Nyx lips curve into O shape gulat na gulat ang gag@. “ Gagiii? Waahhh... Mapanga si Father...! Piper what do you think? ” Hindi ko alam kung anong isasagot kay Nyx. Maski na ako ay na starstruck kay Father. “ Hoy Piper? Ayos ka lang girl? Natulala ka na naman. ” “ Ah oo. Ayos lang ako. ” Napatili pa itong si Nyx ng makita na papalapit saamin si Father. Sayang nga naman napaka pogi niya. “ Sh!..t...! Handa na akong magkasala kung kay Father na pogi rin naman. ” Agad siyang nabatukan ni Fiona dahil sa kaharutan niya. “ OA mo ah. Mag hunos dedè ka naman Nyx. ” Napa buga ako ng hangin. Ang ingay nila. “ Fiona, you forgot? Walang dedē 'yang si Nyx. Purong pads lang 'yan at tuldok na brown. ” I said without bothering myself to stare at the priest walking. “ Ang sama n'yo talaga saakin parang hindi ko kayo best friend ah. ” “ Tampo ka na nyan? Sige ka hindi kita ipakikilala kay Father. Ayan na oh malapit na.” Para talaga silang mga timang. “ Hindi ito naman hindi na kayo mabiro. Oo na panalo na kayo basta ipakilala mo ako ng maayos kay Father ah. ” Si Nyx ang tipo ng babaeng kapag may pogi gusto nya agad makilala tapos ay lalandiin n'ya. Halipar0t talaga s'ya mabuti na lang at hindi seloso si George. Ewan ko ba rito kay Nyx. Nag lalaro pa hindi pa talaga siguro ata handa sa commitment. Pero pumayag na ma engaged. “ Hi, magandang umaga mga magagandang binibini. ” Bati agad ng lalaki. Mas kitang kita ang pagka Adonis niya sa malapitan. Naka suot siya ng simpleng puting tshirts na round neck at isang maong pants. Bakat sa kanyang manipis na t-shirt ang kanyang pandesal. Siguro ay nag jogging siya rito sa park kaya pinag papawisan. Hindi ko alam pero para bang nag init ang aking magka bilang pisnge at nag pintig ang tenga ko sa kanyang boses. Oh my... he's so masculine. “ Magandang umaga rin po Father Atticus. ” Bati ni Fiona. Mabuti pa siya kilala niya. Nag simba ata siya kahapon. “ Sino itong magagandang kasama mo Fiona? Sila ba ang mga kaibigan mo na madalas dumalaw sa ampunan? ” Tanong nito. Napatingin ako kay Nyx na naka titig sa abdomen ni Father napa lunok ang gag@. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok bago malanding ini abot kay Father ang kanyang kamay. “ Hehe, hi Father ako nga pala si—" Naputol ang pag papakilala niya dahil kay Fiona na tinabig ang kanyang kamay. “ Si Nyx po Father. S'ya ang kalog kong kaibigan at ito naman si Piper ang bilanggo ni Mayor Atlas. ” Wow...! Grabeng introducing 'yan Fiona. “ Ayst... Ano ba naman 'yan Fiona panira ka talaga ng moment e. By the way ang pogi n'yo po Father. ” Ani Nyx sabay tili ng mahina. Nag tama ang aming mga mata ni Father Atticus. Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdîb. Hindi ko maintindihan kung ano ito. Bakit ganito? At bakit medyo hawig niya si Atlas? Pero hamak na mas lamang si Father Atticus kaysa kay Atlas. “ Ang ganda mo naman. ” Ani pa niya na naka titig saakin. “ Salamat Father bolero rin pala kayo. ” Sagot naman ni Nyx kaya't natawa si Fiona at nabatukan siya. “ Sshh hibang ka talaga si Piper ang sinasabihan na maganda hindi ikaw. Pilingera ka na naman e mukha ka namang paa. ” Napa iling ako sa aking mga kaibigan at nag iwas ng tingin kay Father Atticus. “ Maganda naman kayong tatlo ngunit mas maganda at angat si Piper. ” Muli ay saad niya at ngumiti saamin. Biglang may kumiliti sa aking tiyan, napa ngiti ang kaloob looban ko sa sinabi niya. Ang simple lang nito pero bakit kinikilig ako? Hindi ko mapigilan ang labi ko na ngumiti kaya't kinakagat ko na lang ito. The fck Piper Sage...! Ang harot ng kaibuturan mo kay Father. Kung bakit pa kasi naging pari pa ang isang gwapong nilalang na ito. Kaya naman pala nais magka sala ni Nyx literal na maka laglag p@nty si Father lalo na kapag ngumiti. Sabagay tao nga marunong magpa tawad kapag nagka sala tayo, ang diyos nga napapa-tawad tayo, si Father Atticus pa kaya na isang gwapong nilalang hindi mapa tawad ng diyos kapag nagkasala? Hindi naman ata fair yon. Ang sarap siguro magpa basbas kay Father Atticus ng naka higa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD