CHAPTER 4
“ Uminom ka muna Piper baka uhaw ka na at pagod. ” Napatanong tuloy ako sa isip ko kung ayos lang ba si Atlas?
“ Baby can't you see I'm just sitting here. Gusto kong tumulong yet, ayaw mo naman. Hindi naman ako baldado na hindi kayang mag trabaho. ” Reklamo ko sakanya ngunit sinamaan nya lang ako ng tingin.
Matapos kasi ang kaunting kwentuhan namin kanina kay Father Atticus ay nag volunteer siyang tumulong sa pag lilinis ng simbahan. Nag papalit din kasi ng bagong pintura at inaayos ang mga sira na upuan. Nag donate na naman ang mayor n'yo ng malaking halaga. Natuwa raw kasi siya kay Father Atticus dahil medyo humble ito at mapag kawang gawa.
Sa tagal ng panahon, ngayon lang mag bibihis muli ang simbahan namin.
“ I don't want you to work. Kaya't mag tigil ka Piper Sage! ” mariin akong napa pikit sa madiin niyang sinabi. Naiintindihan ko naman s'ya pero gusto ko rin naman gumawa nakaka boring kaya kapag naka upo ka lang.
“ May pinag aawayan ba kayo? Idaan n'yo sa mahinahon na usapan. ” Pareho kaming napatingin kay Father Atticus. May dala siyang pintura na nasa maliit na timba.
“ Wala naman po Father. Gusto kasing tumulong ni Piper ayaw ko lang payagan. Hindi ko kasi nais na mapagod siya. ” Rason pa ni Atlas.
“ Father nabo-boring po kasi ako rito mag isa. Gusto ko lang naman tumulong. ”
“ Piper Sage h'wag kang makulit. ” umirap ako kay Atlas at kumurap kurap naman ang mga mata ko kay Father. Nawa'y tulungan niya akong mapa payag si Atlas.
“ Hija, sundin mo na lang ang kagustuhan ng iyong asawa. Mahal ka lang niya at hindi ka niya nais mag trabaho pa. Hindi naman kasi ito gawain ng isang babae kaya't maupo ka na lang diyan. ” Umirap ako sa hangin at bagsak balikat na naupong muli.
Talo talaga ako. Maski si Father ay hindi ako kinampihan. Wala na nga akong nagawa pa dahil kung mag mamatigas ako ay mag aaway lang kami ni Atlas.
Hinintay ko sila hanggang sa matapos ang pag pipintura. Buong pusong nagpasalamat si Father Atticus saamin ni Atlas ng kami ay paalis na. Masarap talaga sa pakiramdam ang makatulong tayo sa kapwa.
“ May gusto ka ba puntahan Piper? ”
“ Wala naman. Nagugutom lang ako. Let's eat somewhere. ” Tumango siya at nag maneho na. Natutulala ako sa byahe habang iniisip ang mga kaganapan ngayong araw.
Pakiramdam ko tuloy ay magpa hanggang ngayon ay naka titig pa rin saakin si Father Atticus. Kanina kasi ng pinupunasan ko ng pawis si Atlas at naka titig ito saakin. Hindi ko alam kung bakit pero sa titig niya ako ay napapatigil. Para ba siyang may gayuma at ako'y naaakit sakanya.
Isa siyang pari ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sakanya. Naging magulo ang isip at damdamin ko mula ng makita at makilala ko siya.
“ Hey, girl! Nandito ka rin pala. ” Binaba ko ang aking kubyertos at sinilip si Nyx at Fiona na nasa kabilang mesa lang.
Tumikhim si Atlas kaya't nag patuloy na ako sa pagkain ko. Ang dalawang bruh@ naman ay lumapit saamin.
“ Magandang ako sa tanghali Mayor Atlas, Piper Sage. ” Napa buga ako ng hangin sa tinuran ni Nyx. Ayan na naman siya sa kahanginan niya.
Hindi talaga mawawala sa mag kakaibigan ang tulad ni Nyx na isang mahangin na pilingera. At isang akala mo'y multo na tulad ni Fiona na laging tahimik.
“ Uy, Fiona anyare nanaman sa'yo? Bakit naka titig ka kay Mayor? ” Kunot noo na humarap saamin si Fiona.
“ Paano ba naman hindi man lang alisin ni Piper ang sauce na kumalat sa labi ni Mayor Atlas. Nag mukha tuloy siyang clown. ” Kinagat ko ang pang ibabang labi ko sa aking kat@ngahan.
Oo nga naman Nyx bakit hindi mo napansin?
Ganito talaga kumain si Atlas kapag may sauce makalat siya parang bata nga e.
Tumayo ako at kumuha ng tissue ngunit huli na. Pinahid na ni Fiona gamit ang kanyang daliri ang kumalat sa sauce sa labi ni Atlas. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Nyx ako naman ay puno ng pag tataka habang blanko pa rin ang ekspresyon ni Atlas.
“ What? Pinahid ko lang naman. Mamaya niyan makuhanan pa siya ng litrato tapos mukha siyang clown. ” Ani Fiona at kinuha ang tissue at pinunasan muli ang labi ni Atlas. Napailing na lang ako sa kanyang ginawa kahit nag tataka ako.
“ Enough for that. Sit.” Malamig na sabi ni Atlas.
Naupo ako sa tabi ni Atlas at naupo sa harap namin ang dalawa.
“ Himala ata at nag date kayo? Sana all. Ako kaya kailan ipapasyal ni George? ”
“ Asa ka. ” Pambabara ni Fiona sa aming kaibigan. Ganito yan s'ya, tahimik pero kapag nag salita minsan, savage ka.
“ Hindi na lang sana ako nag salita. Hayst... Bitter ka talaga Fiona. ” Bitter nga ba talaga? Bakit biglang may iba akong naramdaman?
“ At least hindi stress at nag oover think tulad ninyo. ” Sabagay, tama nga naman siya no boyfriend, less hassles, less stress no over thinking. Pero wala namang kilig.
“ Pero hindi ka nakakaramdam ng saya o kilig maski nga ang dilig wala ka rin e. ” Gusto ko sanang matawa sa sinabi ni Nyx ngunit hindi ko nais mabasag ang katahimikan ni Atlas.
“ Personalan ba ito Nyx? Grabe ka na.”
“ Hindi mo kilala ang isang tao, hindi n'yo kasama oras oras ang isa't isa. Malay n'yo naman sa gabing malamig kapag malalim na ang tulog ng lahat, may gumagapang at nag didilig pala sa kaibigan ninyo. ” Napatigil kami sa biglang pag sasalita ni Atlas.
May punto naman s'ya. Isa pa ay madalang mag kwento si Fiona. Lagi kasi siyang babad sa social media at sa trabaho niya.
“ Pft... HAHAHA si Mayor nagiging Joker na. ” Nangunot noo ko ng marinig ko pa ang tawa ni Fiona. Bakit parang ang weird ng mga nangyayare ngayon? Hindi naman siya tumatawa ng ganiyan.
“ Mayor...! Mabuti na lang at nakita namin kayo rito. ” Hinihingal na turan ng isang babae na sa tingin ko ay nasa edad 15 pataas.
“ Magandang umaga po Miss Piper Sage, Nyx at Fiona. May kailangan lang po kami kay Mayor. ” Ngumiti lang ako sa tatlong babae na ngayon ay tinatanong na ni Atlas kung ano ang kailangan.
“ Kailangan lang po namin ng sign n'yo. Na admit kasi ang Lola namin sa hospital at nilalakad namin ang indigency niya para humingi ng kaunting tulong. Kailangan lang po ng pirma ninyo Mayor. ” Siguro ay Lola nila ang nagpalaki sakanila. Sobrang mahal nila ito kahit mga bata pa sila ay sila na ang lumalakad ng mga kailangan ng Lola nila maka tipid lang.
“ Hi, pwede ko bang malaman kung saan hospital naka admit ang Lola n'yo? ” Tanong ko sakanila.
“ Baby sign it. Kailangan nila 'yan. ” Ani ko pa kay Atlas. Uminom muna siya ng tubig bago kunin ang ballpen sa aking pouch.
“ D'yan lang po sa public hospital. May kamahalan po kasi ang mga gamot at wala rin kaming sapat na pera. ” Ani ng isang babae.
“ Ganon ba, I want to help. ” Ngiting saad ko. Nag liwanag ang mukha ng tatlong munting dalaga.
“ Talaga po Miss Piper? Maraming salamat po.” Kumuha ako sa wallet ni Atlas ng pera at inabot iyon sa mga bata tapos na rin pirmahan ni Atlas ang papel na hawak nila.
Umiling si Atlas saakin bago guluhin ang aking buhok.
“ You're really kind huh. Sige na tapusin mo na kinakain mo. Nyx, Fiona mag order na kayo kung gusto n'yo kumain.” Ngiting tagumpay na naman ang dalawang kaibigan ko. Ganyan sila kasaya kapag libre ang kakainin nila akala mo naman mga walang trabaho at pera.
Matapos kaming kumain ay namasyal pa kami ni Atlas nasa kabilang subdivision na kami ng mapansin ko si Father Atticus na kakalabas lang ng isang bahay.
“ Dito ba siya nakatira? ” Nag kibat balikat si Atlas.
“ Gusto mo na bang umuwi? ” Umiling ako sakanya.
“ May importanteng aasikasohin kas ako Piper. Sure ka ba na ayaw mo pang umuwi? ”
“ Gusto ko lang mag pahangin sa labas at mag lakad lakad. Kung may lakad ka mauna ka na muna mahal. Malapit lang naman ang bahay natin isang liko lang mag lalakad na lang ako pabalik. ” Aligaga siyang tumingin sa kanyang relos at kamot ulo pa.
“ Come on you're the Mayor, I really understand. Sige na you go first Atlas. I'll take care of myself okay? So please don't stress yourself. ” Sabi ko pa. He nod and kiss my lips before he walk to his car and drive home.
Nag lakad lakad ako at hindi ko alam na dinala na pala ako ng mga paa ko sa tapat ng bahay ni Father Atticus.
'Nasaan na kaya siya? ’ Hindi ko kasi napansin kung saan ito pupunta kanina.
Pinag masdan ko ang simpleng bahay niya. Malaki naman ito ngunit simple lang. Tumalikod na ako at nag simula ng mag lakad muli. Nakaka limang hakbang pa lang ako ng masalubong ko na siya.
“ P- Piper? ” Gulat nitong tawag sa pangalan ko.
“ Ah napa daan lang po Father. Kasama ko si Atlas ngunit may lakad na siya kaya pina una ko ng umalis. ” Saad ko at napatango siya.
Gosh, bakit ba napaka kisig niya? Nang mag sabog ata ng kagwapuhan si Lord at halos pinag hatian lang ito ni Atlas at Atticus. Mga umiigting ang panga at malalaki ang katawan.
“ Ganon ba baka nais mo munang mag kape. Bahay ko ito kaya't pumanhik ka muna sa loob. ” Nakaka hiya naman siyang tanggihan at medyo nilamig din ako sa simoy ng hangin kaya't nagpa tianod na ako sakanya.
Napaka linis niya sa bahay, dinaig pa niya ang isang babae. Ganito ba talaga kapag pari?
“ Maupo ka ititimpla kita ng kape. ” Tumango na lang ako sakanya at inilibot ang aking paningin. Maaliwalas ang kanyang bahay. At marami rin siyang indoor plants. Sinong mag aakala na may mga lalaki pa palang mahilig sa halaman? Ang karamihan kasing lalaki ay ibang halaman ang dinidiligan.
“ May mali ba sa bahay ko? ” Nilapag niya ang kape at ang isang sandwich sa aking harapan bago siya naupo.
“ Ah, eh wala naman po Father. Nahuhumaling lang ako napaka linis n'yo pala talaga sa bahay at mahilig kayo sa halaman. Ganyan din si Atlas dati e. ” Ani ko at biglang kumubra ang mapait na ngiti sakanyang labi.
Napaisip tuloy ako kung may mali ba sa mga nasabi ko.
“ Dati? ”
“ Opo noong mababa pa lang ang katungkulan niya. Pero ngayon iba na. ”
“ H’wag ka ng mag "po" o tawagin akong Father. Wala naman tayo sa simbahan hindi mo kailangan maging pormal masyado. Isa pa ay naiilang din ako lalo't babae ka pa.” Huh? What does he means?
“ P-Pero—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag alis ito ng pang itaas na damit.
“ Pasensya ka na napaka init kasi at sira ang aking electric fan. ” Napalunok ako ng laway. Nakaka uhaw talaga ang katawan ni Father mas natakam ata ako ngayon na nasilayan ko ito ng malapitan.
“ Pwede kong hawakan? ” Wala sa sariling tanong ko habang naka titig sa abs nito.
“ Huh? Alin? ” Hindi ako naka sagot at kusang dumapo ang kamay ko sa kanyang matigas na mga pandesal kaya't bigla siyang napa singhap.
H0ly sh! t...! Napaka tigas! Kung kasalanan man na hawakan ang kanyang matipunong dibdib pababa sa kanyang abs ay handa akong magkasala. Para akong nanunuyot dahil sa nakikita ko sa aking harapan. May ganitong pari pala? Baka may Santo rin na ganito ka gwapo at macho?
Siguro ay marami na ang babaeng gustong magkasala kay Father Atticus at isa na ako don.