Time check 9:00 ng umaga, dali daling bumangon Si Mona dahil mahuhuli na siya sa eskwela. Medyo malayo layo din ang kanilang bahay sa Unibersidad na kanyang pinapasukan. Hindi na ito nakapagalmusal dahil may prelim exam sila, sa kantina na lamang siya kakain habang hinihintay ang oras ng exam. Kaya't nagpaalam na lamang siya sa kanyang ina na si Aling Nora.
"alis na po ako mama", sabi ni mona.
"cge anak ingat ka," tugon ng kanyang ina habang gumagawa ng basahan para maibenta upang may maipamasahe siya kinabukasan sa pagpasok sa paaralan.
Ang ina ni mona na si aling Nora ay simpleng may-bahay, upang makatulong sa kanya amang company driver na si Mang kanor, kung ano anong raket ang pinapasok nito para lamang may maitustos sa pagaaral ng kanyang anak na c mona. Kulang na kulang din kasi ang kinikita nito sa pagtratrabaho bilang driver. Gayon pa man, maswerte sila dahil nagkaroon sila ng anak na maganda na ay mabait pa.
Lima silang magkakapatid, c mona ang bunso lahat na kanyang mga ate at kuya ay may kanya kanya ng pamilya. Subalit minsan kapag kapos sila sa pambayad ng kanya tuition fee, binibigyan naman siya ng kanya mga kapatid kapag may sobra ang mga ito.
Si Mona na lamang ang nabubukod tanging walang asawa at walang ring boyfriend since birth. Nagtataka pa nga ang kanya mga kapitbhay na tsismosa kung bakit walang manliligaw ito samantalang maganda ang kanya mukha pati ang katawan. Namana niya ito sa kanyang ina na may lahing kastila at ang singkit niyang mata ay namana sa kanyang amang may lahing intsik. Siguro ay wala talaga sa isip ni mona ang mag boyfriend dahil ang kanya priority ay ang makatulong sa kanyang mga magulang.
SA JEEP
Alalang-alala na ang mukha ni mona habang pinagmamasadan ang mahabang trapik, hala! late na late na ako, sa isip ng dalaga.
Hindi niya napansin ang pagsakay ng isang dalaga na kanyang kaedad. Maganda ito at medyo maputi kumpara kay Mona.
kumakaway ito sa kanya dahil sa may likuran ng jeep ito nakaupo samantalang siya ay nasa likod ng driver ang paborito niyang pwesto. Sabi ng kanyang ina, iyon ang safe na lugar in case mabangga ang sasakyan.
Ano ba itong naiisip ko, bangga tlg haisstt, paano naman ito mababangga hindi nga makausad sa trapik parang buhay lang nmin hahaha, sa isip ng dalaga. habang napapangiti.
Nagulat c mona sa tawag ng isang babae, "Monaaaa! hahaha..grabeh ka kanina pa kita kinakawayan", reklamo ng dalagang kasasakay lamang.
" UY! kw pala nica, pasensya na hindi kita napansin. Nanggigigil kasi ako sa trapik parang ayaw ako makapasa hihihi", pabirong sagot ni mona.
"Nun b?, grabeh nga, bakit kaya napakatrapik?, Yaan mo, makakarating ka rin sa paaralan" tugon ni nica.." May ibibigay nga pala ako sayo", pangiti ngiting sambit ng dalaga.
" malayo pa birthday ko, masyado ka namang nagaabala hahaha", sagot ni mona sabay tawa.
"Ano ka ba hindi ito regalo, wala akong pera no! para regaluhan ka hahahaha," natatawang tugon si nica.
"alam ko hihihi" tugon ng natatawa ding c mona. Sila na ang maingay sa loob ng jeep kayat aliw na aliw sa knila ang mga pasahero kahit mahaba ang trapik pero hindi nila iyon napapansin sapagkat namiss nila ang isa't isa, minsan lamang din kasi sila magkita lalo na busy c mona sa pag-aaral samantalang c nica ay busy sa pagaasikaso ng negosyo ng kanilang pamilya na "buy 'n sell".
"Seryoso ako, humihingi kasi ng textmate yong pinsan ko. Bibigay ko number mo ha," Wag ka na magreklamo, texmate lang naman hindi ka naman makikipagmeet. paliwanag ni nica.
" Sige bahala ka, " walang reaksyon na tugon ng dalaga. Sanay naman kasing siyang makipagtextmate subalit sabi nga ni Nica hindi siya nakikipagmeet kahit kinukulit siya ng mga ito na makipagkita sa kanya. Nag-iingat din kasi siya lalo na sa panahon ngayon na maraming masasamang loob n mapagsamantala. maliban na lamang kung kakilala niya o kamag-anak ng kamag-anak niya.
"yehey! Ibibigay ko na ha hihihi. " tuwang tuwang sigaw ni nica na nakalimutan yatang nasa loob sila ng pampasaherong jeep. Sa sobrang excited, hindi ito nakababa sa tamang babaan dahil nkalimutan niyang pumara kayat malayo layo ang lalakarin nito. " sige friend wait mo na lang ha hihihi" parang nakakalokong ngiti nito.
"Sige ingat puro ka kalokohan, kaya ka nakakalampas sa iyong bababaan, hahaha", sagot ni mona habang tumatawa.
SA PAARALAN
Sa Wakas, sabi nga sa haba haba man ng trapik sa paaralan din ang tuloy. late nga lang pero nakahabol pa rin si mona. Hindi na nga siya nakakain dahil 15 minutes na siyang late dahil sa trapik. Subalit kahit man siya ay nalate, naunahan pa rin niyang makatapos sa pagsagot sa exam ang kaniyang mga kaklase dahil matalino at masipag pa siyang magaral kaya't sisiw lamang sa kanya ang mga tanong dito.
Maya maya, biglang tumunog ang kanyang selpon.
Hi!......
Hello..
Can you be my textmate?
panu kung ayaw ko?
Ok lng, gugustuhin p rin kita.
Nice...
Naputol ang pakikipagtext ni Mona dahil tinawag siya ng kanya mga kaibigan para kumain ng tanghalian hanggang nakalimutan na niya na may katext siyang naghihintay ng kanyang Textbak.
SA KANTINA
"OY! friend wag mo masyadong isipin ang exam, mabaliw ka nyan", pabirong sabi ng isa niyang kaibigan at kaklase pa.
"Hindi naman, may iniisip lang ako", tugon ni Mona.
"Ano naman ang iniisip mo?, Pagkakaperahan ba yan? hihihi, sama mo naman ako please....alam mo naman gipit na gipit din ako malapit na ang bayaran ng tuition fee, " seryosong sabi ng kaibigan niya.
" Hahaha, oo iniisip ko kung paano yumaman ang mga mahihirap na tulad natin, " pabirong sagot ni Mona. Subalit hindi maalis sa isip niya kung paano pagsasabayin ang pag-aaral at pakikipagtextmate sa napakadesididong tao na ibinigay ng kaibigang niyang si Nica.
Hinampas siya ng kaibigan, seryoso nga naman ito samantalang siya nakakapagbiro pa. malapit na nga naman ang bayarin nila. Pare- pareho lang kasi sila ng estado sa buhay. Ika nga isang kahig, isang tuka. Kaya't sa palagay nila ang pagtatapos ng Pag-aaral ang susi para makaahon sila sa hirap.
Sa kabilang banda, nagulat muli si mona sa tunog ng kanyang keypad na selpon. ano ba naman to' hihinaan ko nga nakakaistorbo, sabi ng kanya isipan.
Pagtingin niya, 20 messages..grabeh nmn tong tao na ito wala yatang ginagawa sa buhay kundi magtext hahahaha, natatawa niyang isipan.
Hindi na niya binasa lahat ng nasa text dahil busy na rin ang dalaga sa pagrereview para sa susunod na exam. subalit nasulyapan niya ang huli nitong text.
Ako pala ang pinsan ni Nica, ibinigay niya sken ang number mo kanina. Pasenya ka na sa istorbo ha. Nice to text u pla..
Pinsan pala ng dalagang kaibigan ang nagtetext sa kanya. Ayaw naman niya ito bastusin o sagutin ng hindi maganda lalo't related pa sa kanyang kaibigan. Sasagutin na lamang niya ito mamaya pagkatapos ng kanya susunod na exam.
Natapos ang exam, madali lang naman kaya't naisipan ng dalaga tingnan ang selpon na pinahinaan niya kanina. 15 messages ang tumambad sa kanya. Grabeh, wala ba itong gianagawa sa buhay?, tanong ni Mona sa kanyang isipan.
Pasensya na po bz lng sa exam. Nice to text u dn po...Anu po nem nyo?
Sabay tago muli ng selpon sa kanyang bag para sumakay sa jeep, pauwi ng kanilang bahay.
SA BAHAY
Pagdating nya sa bahay, nagsaing at nagluto siya ng panggabihan nilang mag-ina sabay upo sa kinauupuan ng ina para tulungan itong gumawa ng doormat habang nanonood ng paborito nilang programa sa telebisyon ng kanyang ina si Aling Nora.
Nakalimutan na naman niyang tingnan ang selpon, pagtingin niya 10 messages na naman..kulang na lamang ay palodan siya ng kanya mga textmate sa pagaakalang lagi siyang wala siyang pambili ng load, subalit totoo naman pero ayaw niya pagsamantalahan mga katext niya kahit
mahirap lamang siya. Ang lagi lamang sinasagot ni Mona " Busy po kasi sa Skul".
Im Dan clark de villa, 30 yirs old. from city of smile.
Hala! bang tanda naman ng pinsan ni nica, samantalang siya ay 20 years old p lang graduating students, future teacher. Pero ok lang textmate lang naman mona, hindi mo naman aasawahin, sabi niya sa kanyang sarili.
Im Mona, short for Monaliza Esparagoza.
Ganda naman ng nem mo
Compliment po ba yan o pangiinsulto hihihi
pwede both hahhha
Hahaha, palabiro pala itong pinsan ni nica, sa isip niya.
Hindi na nakapagreply pa si Mona dahil nkatulog siya sa sobrang pagod. Inakala tuloy ng kanyang katext na nagalit siya sa reply nito.
Paggising niya, hala! 30 missed calls.
Pasensya na po nakatulog po ako sa sobrang pagod. nabugbog po yata ang utak ko ng pagrereview sa prelim exam.
hay salamat, akala ko nagalit kaya kaya naisipan kong tawagan ka na lamang para magpaliwanag. Pasensya na kung nainsulto
man kita. Hindi ko sinasadya, sadyang nais lamang talaga kita kausapin.
Hindi naman po. No worries po
Huwag mo na ako popoin, tumatanda ako lalo eh.. Dan na lang.
k Dan, kung iyon ang nais mo.
Salamat, kahit busy ka nirereplyan u p rin ako.
k lng po un, nakakahiya naman po kung paimportante pa ako.
Nahihiwagan talaga si Mona sa kanya ka textmate, ang daming tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Wala ba itong trabaho? Anu ang kanyang pinagkakaabalahan sa buhay? bakit tumanda ito ng ganun ng wala pang asawa, parang hindi busy sa buhay. Ayaw naman niya maunang magtanong parang nakakahiya naman o kaya nakakainsulto iyon sa kanyang katext. Hihintayin na lamang niya na ito mismo ang unang magkwento ng kanyang personal na buhay.
Habang maraming tumatakbo sa kanya isipan na tanong, biglang tumunog ang kanya selpon.
Hi, pasensya na late reply may inasikaso lang emergency. Biglaang bisita.
Nun po b?, ok lng po.
Wala ba u ibang maichachat kundi ok lng po, hihihi...joke lng...naiintindahan kita, mahirap nga namang magtiwala sa panahon ngayon lalo na hindi mo pa nakikita.
Hindi naman po sa walang tiwala, nahihiya lang talaga ako.
Huwag ka na mahiya, masanay ka na..
Hala! masanay daw...parang magtatagal lokohang ito hahaha...tumatakbo sa isip ni Mona. Muntik na niyang maitext ang laman ng kanyang isipan buti na lamang nadouble check muna niya bago ito naisend.
Masanay???
yes, malay mo one of this days, makapasyal ako sa bahay nyo.
Hala! at papasyal pa, pinagmasdan niya ang kanilang tahanan...maliit ito subalit malinis naman kayat kahit may bumista hindi nakakahiya pero bakit tila nakaramdam siya ng hiya at takot ng mabasa niya ang text ni Dan. May hiya siyang naramdaman dahil sa estado ng kanilang pamumuhay ngunit sa kabilang banda ng kanyang isipan. Bakit naman siya mahihiya? love me 4 what i am ika nga ng kanta ng carpenters.
Parang ang bilis naman po yata, Hindi nyo pa nga po ako kilala at hindi ko pa rin po kayo kilala.
Kaya nga kita bibistahin para makilala ka ng lubusan.
Parang may kilig at kasamang takot nang mabasa niya ang text ng kausap. Hindi na niya alam kung ano pa ang irereply sa katext. Nun po ba na lamang ang naisagot ng dalagang si Mona. Para siyang nabato balani ng taong hindi pa naman niya nakikita ng personal. Maya- maya tumunog muli ang kanyang selpon, may kaba sa dibdib niyang tiningnan kung sino ang nagtext.
Hi frend..
Si Nica pla, bulong ng isip niya.
Kumusta? Nagtext na ba sayo ung insan ko?
May kilig na tanong ni Nica.
Ok lng nix, medyo makulit lang naman. kapag hindi ako nakakapagreply agad napupuno ng text ang inbox ko hihihi
Pabiro niyang reply sa kaibigan.
Ganun talaga un, pagpasensyahan u na lang minsan lang kasi magkaroon ng kausap, busy kasi un sa negosyo nila.
ah! kaya pla, now i know, sabik sa kausap hahaha, bulong ng kanyang isipan.
Nun b, cge aaliwin ko na lang hahahaha...
Pabirong reply niya sa kaibigan.
Sure ka??? hihihi...
pilya reply nito sa kanya....
Kung gusto ba nya eh hahahaha...
Tila binuhusan ng malamig na tubig ang buo niyang pagkatao ng makita ang pangalan ng nagreply sa kanyang text.
oo nmn gusto ko...
Ano ka ba naman Mona, sa dinami dami ba naman ng name sa contact mo kay Dan pa talaga naligaw yang text mo, bulong ng kanyang isipan.
Sorry po, nawrong sent..pasensya na po
ok lang, kumusta ka? mukhang pagod ka hindi mo na napapansin kung saan napapadpad text mo hihihi...
Pabirong reply ng binata sa kanya.
ok naman, pacenxa na po ulit.
ok lang, buti naman kahit wrong sent. kahit papano nababasa ko ang text mo.., may pagtatampong tugon nito.
Sabagay, malimit nga namang magreply ang dalaga sa kanya dahil nga sa busy ito sa pagrereview ng kanyang exam, malapit na kasi ito grumadweyt.
May pagtatampong text ni Dan.
Aba! aba! may pagtatampo pa talaga nalalaman si manong hihihi...kinilig ang kanya isipan..Ano ka ba Mona? Hindi mo pa nga lubusang kilala kinikilig ka na. Ngunit may pagsesermon ng isip niya.
Punong abala ang kanyang isipan kaya't hindi na nya namalayan nakatulog na pala siya., Hating Gabi ng magising siya, Iniisip pa rin niya kung ipagpapatuloy ba niya ang pakikipagtextmate sa pinsan ng kaibigan niya. Siguro naman walang masama kung susubukan, hindi ko naman siya aasawahin..kakaibiganin lang naman.. Sabay ngiti sa naiisip niyang kapilyahan.
Maagang gumising si Mona, sabado kaya walang pasok, ito ang panahon niya para maglinis ng kanilang munting tahanan. Pagkatapos nilabhan na rin niya ang kanilang maruruming damit at maghapong gagawa ng doormat para may maibenta Si aling Nora sa kanya mga suki.
Maya-maya may narinig siyang kumakatok sa pinto.
"Sino yan?", tanong ni Mona.
subalit walang tugon siyang narinig kundi patuloy na pagkatok sa kanilang mumuniting pintuan, walang nagawa si Mona kundi buksan ito kesa maubos ang boses niya kakatanong kung sino ang nasa labas ng kanilang bahay na patuloy sa pagkatok.
Napakakulit!, gigil n sumisigaw sa kanyang isipan... tinatanong ng maayos mga hindi sumasagot. May halong inis ang kanya boses sabay sabing , "Sino ba to???" , isang tanong na nagpatulala sa isang magandang dalaga, habang nakatitig sa isang matipunong lalaki na nasa labas ng kanila bahay. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Mukhang hindi naghihirap sa buhay. Maganda ang mata, matangos na ilong at hindi kaputian subalit malakas ang dating, sabi nga mga tsismosa nakakalaglag panty kapag ikaw ay tinitigan.
Walang marinig si Mona kundi ang malakas na kabog sa kanyang dibdib sabay tanong sa sarili. Pagibig ba ito o pagnanasa?
Biglang nagising si Mona sa kanyang pagpapantasya ng marinig ang boses ni Nica.
"Oy! friend! Tulala lang ang peg?" tanong ng kaibigan, na may ngiti sa kanyang mga labi na nakakaloko.
" Ha? a- e - ikaw pla Nica, naligaw ka, May ka-kasama ka pala? Sino siya?" , tanong ni Mona habang hindi maalis ang pagkakatitig sa napakagwapong binata.
" Siya ang pinsan ko, binigay kong textmate sayo", masayang sabi ni Nica.
" Hi." bati ng binata sa kanya.
tanging "hello" lamang ang naisagot ng dalaga sa binatang hindi niya inaasahang napakagwapo pala at matangkad pa. Kung bibigyan niya ng score perfect 10 ang ibibigay niya.
Dahil sa kanyang pagkabigla, si Nica na ang kusang humatak sa pinsan para pumasok sa loob ng bahay nila Mona.
"U-upo po kayo", tanging nasabi niya.
" salamat" , tugong ng binata.
"Pasensya na kung hindi ako nagpaalam na dadalaw kami sa iyo, biglaan kasi sayang naman kung hindi ko na sasamantalahin ang pagkakataon n makita ka", paliwanag ng binata kay Mona na hanggang ngayon nakatulala pa rin sa biglang pagdalaw ng kaibigan at pinsan nito.
"Ok lng, wala naman na akong magagawa." tanging naisagot niya dahil hanggang sa oras na iyon nahihiya at gulat pa rin siya sa nangyayari.
"Maganda ka pala" sambit ng binata sa kanya.
" Hindi naman, naliligo lang hihihi", pabiro niyang tugon ,upang mawala na ang kanyang pagkakabigla sa nangyayari.
Sabay- sabay silang tumawa ng malakas
dahil sa birong iyon ng dalaga, binigyan niya ng meryenda ang kanyang mga bisita. Gabi na ng magpaalam ang magpinsan para umuwi. Hindi nila namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras, uuwi pa pala ng negros ang binata, mabuti na lamang ay hindi pa ito late sa kanyang flight.
Hindi talaga niya inaasahang makikita ng ganun kaaga ang pinsan ng kanya kaibigan sapagkat sa bisaya ito nakatira. Kayat nakakapagtaka kung bakit nakapunta ito ng kanila bahay ng hindi niya namamalayan, hanggang ngayon nakapako pa rin ang kanyang isipan sa gwapong mukha at magandang katawan nito. Iniisip ni Mona, bagay ba kami? tanong niya sa sarili. Tumayo si Mona at humarap sa salamin, sabagay, maganda din naman ako db? hindi nga lang kami mayaman, sambit niya sarili sabay sampal sa kanyang pisngi. Hoy! Mona gising! kaibigan lang hindi kaibigan!, sabi niya sa sarili habang pinagmamasdan ang ito sa salamin.
Biglang tumunog ang kanya selpon, tiningnan niya ito, si Dan ang nagtext. Hanggang ngayon kinikilig p rin siya feeling ni Mona wala na yatang katapusan ang mararamdaman niya, kung panaginip man ito ayaw na niyang magising. Subalit kailangan niya tanggapin ang katotohanan, lahat ay may katapusan pero sa kanyang isipan nanamnamin na lamang niya ang bawat araw na may kilig siyang nararamdaman.
" Miss you", text ni Dan.
Ano daw??? my gosh miss nya ako..., sambit na may kilig si mona.
Namiss ko ang maganda mong ngiti...dito na nga pala ako sa bahay kararating lang namin, medyo pagod pero masaya kasi nakita kita in person.
Dahil sa sobrang kilig matagal na nakapagreply si Mona, tanong niya sa sarili na nanaginip ba siya.
miss you too, reply niya..Mona! ano ba??? huli na ng mamalayan niyang iyon ang kanya sagot..Hindi na niya ito mabawi sapagkat naisent na niya sa katextmate.
Ano ka ba Mona??? Nagiisip ka pa ba????
Ano iisipin ni Dan, easy to get ka? Sigaw ng kanyang isipan.
Grabeh ang kaba ng dalaga, hindi niya naiintidahan ang nararamdaman. Matalino naman siya pero bakit parang nawawala ang kanyang matalinong isipan kapag naiisip niya ang binatang katextmate...
Ngayon lang naramdaman ni Mona ang ganong pakiramdam, Ito na ba ang sinasabi nila pag-ibig? tanong ng dalaga sa sarili.
Tama ba na si Dan ang paglaan niya ang kanyang iniingatang matamis na OO.
Sana nga si Dan na ang tamang tao para sa kanya, tanging dasal niya hanggang hindi na niya namalayang nakatulog na siya.