ASTRALLA
WAAAAHHHH!! Sobrang saya ko kahapon. Akala ko talaga iniwan niya ako sa loob ng bahay 'yun pala may pa-surprise. Sobra din 'yung kilig ko at syempre ibinigay ko 'yung reward niya pero v pa ako ah.
Hindi ko in-expect na gagawin niya 'yun. Sobrang kinilig ako dahil sa wakas may singsing na kahit hindi pa kami kasal. Malaking bagay kase sakin ang singsing lalo na kung ikakasal ka na or kasal na.
Parang kahapon lang, ang bilis ng panahon. Dati para kaming hangin sa isa't isa, naging mag bestfriend hanggang naging couples at ilang buwan na lang ay ikakasal na kami at bubuo ng pamilya kapag natapos na ito.
Hawak ko ang kamay niya habang nagmamaneho ako pabalik sa mansyon. Panaka-nakang sumusulyap ako dito habang mahimbing na natutulog. Naka night vision ang kotse at gabi kami bumyahe para walang mag hinalang babalik na kami sa mansyon.
Pasado alas tres ng umaga kami nakarating. Nagulat pa sila sa biglaang pag-uwi namin at hindi daw sila nakapag handa ng makakain. Dumeretso kami sa kwarto ko bago natulog ulit.
"Kamusta, nakapag pahinga na kayo ng maayos?" Tanong ni ate Prim pagka-baba namin.
"Yes ate at nakabawi na rin ng tulog" ngising saad ni love bago tumingin sakin, napa-iwas na lang ako ng tingin at naunang pumunta sa hapag.
Sperm talaga bakit kailangan tignan pa ako? Hindi ko na kasalanan kung napagod namin este ko pala hormones ko na 'yun, hmp!
"Ano kamusta honeymoon niyo huh?" pang aasar sakin ni kuya, inirapan ko lang ito. Mag-sama nga kayo diyan bwesit.
"Ayy ang sungit naman nito, nabitin siguro" bulong nito. Anak ng?! Anong pinag-sasabi nito?
Napahinga ako ng malalim. Kalmahan mo lang Astra huwag na lang pansinin. Saktong pagkalagay ng mga pagkain dumatin na rin sila lolo at ang fiance ko. Sabay-sabay kami kumain... ng tahimik. Tumikhim si kuya bago nagsalita.
"Ahh Astra at Cath hindi na daw hihintayin kayo maka graduate pa bago ikasal. Napag-usapan nila lolo at Dad na ikasal kayo as soon as possible" napakunot ang noo ko, bakit masyado silang nagmamadali?
"Why? May nangyari bang hindi niyo sinasabi?" tanong ko bago tinignan sila isa-isa. Napa-iwas naman sila ng tingin. So meron nga.
"Wala bang magsasabi sakin, samin?" dagdag ko pa. Hindi ko mabasa ang isip nila dahil may device na humaharang. Ano ba kase nangyari? Huminga ng malalim si lola bago nagsalita.
"Apo makinig ka mabuti. Nalaman nilang buhay pa si Mauve, nakita nila ito sa dalampasigan na naglalakad-lakad sa isla kung saan sila nagtatago ngayon. Nag-iisip na rin sila na posibleng pati Mommy mo ay buhay kaya kinailangan nilang umalis ka-agad doon at hindi muna sila pwedeng tawagan. Kahapon rin ay na-ambush ang sinasakyan naming van pa-uwi dito, kailangan niyo nang maikasal agad nang sa ganon ay mailipat na namin ang mga mana niyo at hindi nila makuha" mahabang litanya nito.
Bigla ako nakaramdam ng kaba. Kaba para sa kanila at hindi sakin. Baka matuluyan na sila Mauve sa susunod, hindi namin hawak ang pagkakataon o ang sunod na mangyayari. Kailangan mag-ingat ng triple kung kinakailangan ay mas doble pa do'n.
Para silang taga China na gustong agawin kung ano man ang sa Pilipinas. Gusto nilang kunin ang yaman namin para sa sariling kapangyarihan at impluwensya. Mga halang ang kaluluwa nila.
"Kailan na gaganapin ang kasal namin?" uminom si lolo ng tubig bago nag-salita.
"Balak namin sa makalawa. Naayos na kung ang lahat at kailangan na lang natin ang mag-antay" napa-tango kami.
Kelan ba matatapos 'toh? Kelan ba matatahimik ang buhay namin? Naiingit ako sa mahihirap na pamilya. Mahirap ngunit masaya, kumpleto, malaya at walang pangamba kahit saan mag-punta. Walang mga taong gusto kang patayin kapalit ng kayamanan.
Kinabukasan ay inasikaso na namin ang mga requirements para sa enrollment namin sa Stones University. Mag hohome learning kami mula ngayon at mag aadvance na rin. Tatapusin na rin namin ang mga requirements na kailangan ipasa sa University para maka graduate agad kahit may tatlong buwan pa naman.
Nag-paalam din ako sa mga kaibigan ko na hindi na kami papasok pa dahil sa importanteng bagay kailangan naming asikasuhin.
"Sure ka na ba sa desisyon mo Astra? Mami-miss ka namin, kayo ni Cath" naiiyak na saad ni Jedi.
Nag-video call kami para makapag paalam ng maayos kahit hindi kami magkita-kita ng personal. Malungkot na ngumiti lang kami.
"Paano na 'yan, sino na manli-libre samin nito? Manlilimos na lang kami sa daan ganu'n ba?" pag-ddrama ni Sam. Naka-tanggap naman ito ng batok mula kay Sarah.
"Tanga huwag ka nga mag drama hindi pa sila patay umiiyak ka na diyan parang pagkain lang eh" singit ni ate Karrie.
"Humph ang bbad niyo parang nagpa-patawa lang eh. Pina-pagaan ko lang ang atmosphere gais" maarteng saad nito.
"Ay ang arte hindi bagay uy! Tsaka ikaw kaya magpa-gaan ng katawan" pang-aasara ni Francis.
Sumagot naman ang isa hanggang sa nag bangayan na silang lahat. Napangiti ulit ako ng malungkot. Mami-miss ko sila lalo na 'yung kakulitan at katakawan nila. Napasandal ako sa dibdib ni Cath, nasa likod ko lang kase ito at tahimik na nakikinig samin.
"Smile ka na love, mas maganda kapag naka-ngiti ka. Hindi bagay sayo ang naka-simangot sige ka tatanda ka ng maaga" pagbi-biro nito para pagaanin ang loob ko.
"Opo love hindi na, tsaka maganda pa rin naman ako kahit naka-simangot ah" giit ko habang naka-nguso. Hinalikan naman niya ako ng smack sa labi at niyakap ng mahigpit.
"Hoy love birds nandito pa kami baka nakakalimutan niyo ha" paalala ni Sam.
"Muntik na nga eh sayang hindi kayo makaka-panuod ng live namin ni love" ngising saad ni love.
Agad naman sila nag 'yucck' at 'eww' sus maka react ang mga 'toh akala mo naman hindi nila ginagawa with their partners. Nagpa-alam na kami for the last time at natulog na. Mahaba-habang araw pa ang aming haharapin bukas.