Chapter 9

2474 Words
ASTRALLA Nagising akong parang may nanunuod sa'kin kaya agad napabunot ako ng baril na nasa ilalim lang ng unan ko atsaka ito itinutok sa kanya. It's only Irene! Wtf?! "What the hell Catherine?!" Naiiritang sabi ko dito na tulala pa rin. Hindi kaya naengkanto na siya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng lunok niya kaya sinundan ko kung saan ito nakatingin. She's staring at my boobs! Goshh agad na tinakpan ko ito ng silk robe at sinabing "p*****t". Namula naman ito. "Ano ba kase ginagawa mo dito aber?" Taas kilay na tanong ko. "Hot" out of the blue na sambit niya na ikinaikot ng mata ko. "What?" Inis na tanong ko. Mabilis naman ito namula at nag iwas ng tingin. "I-I m-mean uhmm" tumikhim muna ito. "Why didn't you tell me nagkausap na pala kayo ng kapatid mo kagabe?" Mahinang tanong niya. Narinig niya ba kami? "Yes, I heard it all. How come nagamit ng kapatid mo ang mga robots though nasayo ang access panel right?" Dagdag niya pa. "Sa unang tanong mo I promise to her and mom na hindi ko muna sasabihin kay dad para hindi siya madistract sa company and his other problems ayoko din naman dagdagan pa ang problema at alalahanin niya. Sa ikalawa naman I also gave her the other access panel para dalhin niya kay mommy hindi ko naman alam na tinago niya ito" sagot ko sa mga tanong niya. Tatango-tango naman ito pumunta sa tapat ko at pinaka titigan kung sinabi ko ba sa kanya lahat maya-maya ay nagulat ako ng halikan niya ang pisnge ko bago tatawa tawang lumabas ng aking kwarto at hindi pinansin ang pagbabanta ko. Tss umagang umaga nasira ang araw ko. Ewan ko sa sarili at nakangiti na pala ako habang hawak ang pisnge kung saan niya ito hinalikan kanina. Nakaramdam din ako ng kuryente sa mga titig niya kanina at kakaibang kiliti sa aking tiyan which is weird. Ipiniling ko ang aking ulo bago naligo at nag ayos na ng sarili at bumaba para mag break fast. Kaya naman pala nandito itong si Irene kasama nito si ate Primrose na katabi ni kuya Tyrian. Aba't ke aga aga lampungan ng lampungan ang sakit nila sa mata. Agad na iginala ko ang aking mata upang hanapin si Brielle and there she is talking at laughing with Irene na siyang ikinaikot ng aking mata. Ang landi talaga ng Catherine na 'yon. Padabog na kumuha ako ng pancakes at nilagyan ng syrup. Kumuha din ako ng orange juice bago pumunta sa tree house. Nadatnan ko naman doon ang lima kong kaibigan na nag aasaran at kulitan. Nang makita nila ako ay agad nila akong binati. "Ang sarap talaga ng pagkain sa bahay niyo" sambit ni Francis bago dumighay ng malakas. Nagtawanan naman kaming lahat. Hindi manlang nag excuse ah. "Excuse you madame" aniya ni Sarah habang naglalaro nanaman sa kaniyang cellphone. "Ano bang ginagawa niyo dito? Ang aga pa para gumala" tanong ko sa kanila. "Aayain ka sana namin mag mall, alam mo na manuod ng sine at mag shopping tsaka tayo mag bar" si ate karrie na ang sumagot. "Why not, isa pa ang tagal na din nung huli tayong uminom" sang ayon ko kaya napa yes naman sila. "Sam paabot nga ng clover at nova" utos ni Francis na katatapos lang kumain. Ibang klase ang bituka niya este namin pala. Tipong kakaing lang kakain nanaman pero madalas lang akong gano'n at hindi naman kami tumataba kaya ayos lang din. "Ano ba gusto niyo panuorin?" Tanong ni Sarah habang bumibili kami ngayon ng popcorn. "The Brigde Curse kaya? Atsaka Money Heist: The Phenomenon" suggest ko na kumakain na ng popcorn. "Hoy hindi pa tayo nanunuod kumakain ka na diyan, pahingi nga" sambit ni Francis. Ibang klase talaga. Sasawayin tapos manghihingi din sarap lang sapakin. Pero hindi pwede kasama ang mga magulang sila sa top 15 na pinaka mayamang business tycoon. Marami ring nagkalat na civillian bodyguards para wala maghinala na mga tao dito. At para na rin akalain ng kalaban na anim lang ang kasama naming bodyguards na naka men in black. Napako naman ang tingin ko sa dalawang babae na nakapila din sa bilihan ng ticket. Halatang masaya at ang babae ang lapad ng ngiti tss ang landi! Pati ba naman dito nandito sila nakakainis lang pero bakit ako naiinis? Dapat ay hindi ko na lamang sila pansinin, tama 'wag pansinin. Pag pasok pa lamang sa sinehan ay ang daming tao pero lamang ang CBG's na kasama namin para mabantayan ng maayos. At kung minamalas ka nga naman bakit nasa harapan ko sila. Kabwisit! Nag focus na lang ako sa panunuod ng horror movie dito it's about terror strikes when university students test an urban legend about a female ghost that haunts a campus bridge. Hindi manlang ako natakot sa pinapanuod namin mas lalo lang ako nabored lalo na nasa harapan ko lang si Brielle at Irene at aaminin ko ngayon lang ako nainis kay Brielle. Sa kalagitnaan ng movie ay nagpaalam muna akong mag ccr bigla ako nawala mood and I don't know why! Habang naghuhugas ng kamay may pumasok naman isang magandang babae. She's wearing a black cocktail dress na medyo sumisilip ang namimintog at mapuputi nitong cleavage. Isama mo pa na kitang kita ang kurba ng kaniyang katawan, mahaba, maputi at makinis nitong balat na parang pinaliguan ng gatas. Ang reddish nitong buhok, matangos na ilong, natural na haba ng pilik mata at ang mala berdeng kulay ng mata nito na nakaka akit tignan. "Done checking me out?" Mahangin at nakangisi nitong tanong habang nag reretouch. "Excuse you, I'm not checking you out" mataray na sagot ko dito. Wew! Kamuntikan na ako mautal dahil sa stranger nasa harap ko. "If you say so" sabay tingin sakin na mapang asar. Inirapan ko na lamang ito at akmang dadaan na sa gilid niya ng hawakan ang braso ko at iniharap ako sa kanya. "I'm Manisha Montecillo you can call me Shasha, nice to meet you? " pakilala nito sabay lahad ng kamay sa aking harapan. Oh siya pala ang panganay na anak ng top 2 na sila Mr.Brick and Mrs. Indigo Montecillo. Manisha huh. Nakangiti pabalik na inabot ko ang kamay ko."Astralla Campbell you can call me Astra, and nice to meet you too Nish" namula naman ito sa itinawag ko sa kanya. Cute. "Huh? Sorry I didn't hear it well" s**t nasabi ko wtf!? "Uhh nothing" sagot ko. Nakakahiya kung narinig niya kanina. "If you don't mind ayain sana kitang mag lunch" with a please sound. "It's been that a lunch DATE?" Pabirong tanong ko. I'm just messing around to her. "Actually yes" nakangiting sabi nito na ikinanganga ko. Hindi ko alam na totohanin niya pala. Pagkalabas namin ng cr dalawang babae ang bumungad samin. Kapwa masama at matalim ang mga tingin nila samin. Si Brielle sakin at si Irene kay Nish. Ano bang problema nila? At bakit sila nandito? Tanong sa sarili. Sabay naman kami umirao ni Nish sa dalawa bago lagpasan at pumunta sa isang chinese restaurant. Pagkabigay namin ng oorderin ay nagsalita naman ito. "Alam mo ba kung bakit gano'n makatingin si Cath at Bri satin" it's not a question. Tinanong ko naman kung bakit. "Totoo niyan girlfriend ko si Bri kanina 'yung nakita mong umaga at sa pila it's their plan ang pagselosin ako. and I can to your eyes nagseselos ka kaya naman sinadya kong sundan ka sa restroom kanina para pagselosin din silang dalawa so 'wag ka na magselos sa kanila okay, sila dapat ang pagselosin natin" sabay hawak nito sa kamay ko habang nakangiti ng malapad at halatang masaya siya sa ginagawa niyang pagselosin ang dalawa. Oemg! Girlfriend niya Brielle. Jackpot siya kay Nish maganda, mayaman, at mabait pa. "Their they are 1 table away from us" dagdag pa nito. Nag kunwari akong mag cecellphone at pinunta sa camera. Kitang kita dito ang hindi maipinta nilang mukha. Napatitig ako sa pigura ni Irene kung gano'n nagseselos nga siya hindi sakin kung hindi kay Nish at mukhang maeenjoy ko ang araw na ito. Not bad after all. Dumating na ang order namin. At para mas magselos ang dalawa sa likuran ko ay nagsubuan, tawanan kami ni Nish. She's funny but serious if needed, naughty also. Napaka pakumbaba din siya sa ibang tao. Bagay talaga sila ni Brielle opposite sila. Napatingin ako kay Nish ng lumipat siya sa upuan ko. "What are you doing Nish?" Takang tanong ko. Sa halip ma sagutin ay inilapit niya lang ang mukha sakin. I think hahalikan niya ako na baka kasama isa sa mga plano niya, hindi manlang ako inorient. Akmang magdidikit na ang aming mga labi ng may humila sa kanya. Brielle. Naka ngisi naman ako sa isipan. Bago umarte na nabitin at gano'n din si Nish na naka blank face at hindi maipinta ang mukha. "Let me go Brielle" malamig na sabi nito sa kasintahan. Pero hindi ito pinakinggan ng kasintahan at hinila na lamang siya palabas buti na lamang at bayad na ang kinain namin. Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Napatingin ako kay Irene. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya maski ang mukha niya ay blanko. Tumayo ito at hinawakan ako sa kamay. Pagkalabas namin sa restaurant nakita ko ang lima kong kaibigan na nakangisi pa at binigyan ng 'lagot ka' look. Inirapan ko na lamang sila. Pagkapasok sa kotse ay nanatili lamang kaming tahimik. Ayoko mag salita dahil alam kong galit siya at 'nagseselos' tumatalon sa tuwa ang puso ko isipin 'yon. Ewan mukhang gusto ko na rin siya. s**t! Ano daw? Naglakas loob na ako magsalita. "H-hindi pa ba tayo aalis?" Nauutal na tanong ko dito. hindi siya sumagot at wala nang balak pa paandarin ang sasakyan. Akmang bubuksan ko ang pinto ng ilock niya, naiinis na ako. "Ano bang problema mo?!" Sigaw na tanong ko sa kanya. Hindi ko na talaga mapigilan hindi magtanong. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw pabalik niya sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko para akong nakainom ng kape ng sampung beses sa bilis. "Sshh ako muna magsasalita" saad niya ng magsasalita sana ako. "Everytime makikita kita kasama ng ibang babae o lalaki nagseselos ako maski sa mga kaibigan mo" simula nito. "Sinusundan kita kahit saan, tinatanaw ka sa malayo para masiguradong safe hindi ako mapakali kung sa mga tauhan lang ni dad ako mag tatanong kada oras. Gusto ko lagi kitang nakikita at lagi mong pinapansin kaya lagi kitang inaasar. Akala ko hangggang 'gusto' lang kita pero habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo. 15 ako ng marealize kong mahal na pala kita" saad niya na ikinasinghap ko. "Ang bata pa natin mahal na agad kita. Kaya please Astra don't ever do that thing again" dagdag pa niya. Sinabi niya lahat 'yon ng diretsong nakatingin sakin. "Ang alin? Anong thing?" Maang na tanong ko. "Ang magpahalik sa ibang babae unless it's me" pilyang sabi niya habang nakatingin pa rin sa mata ko. "And if I do that again?" Hamon na tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin as in sobrang lapit. Sobrang lapit din ng mukha siya sa mukha ko. Randam ko ang mainit nitong hininga at ang amoy ng mint. I think hindi maganda ang ganito kalapit. Lalayo sana ako ng hawakan niya ang magkabilang kamay ko. "I'm going to undress you and take to my room naked while making love to me" seryosong sabi niya. Naramdaman ko na lang ang pagtaas ng dugo sa mukha ko alam kong mas mapula pa sa kamatis ako ngayon. Sobra akong kinikilig pero pilit na itinatago ko 'yun. Noon pa man may nararamdaman na ako para sa kanya pero pilit na hindi ko ito pinapansin at tuwing pipigilan ko ang nararamdaman kong iyon mas lalo lang ito umuusbong at lumalalim. Bakit ngayon ko lang narealize ang mga bagay na ito. Mula sa mga alaala naming dalawa noon pa man sobrang ganda niya, mabait, makulit, sweet, talented, matalino at handa ka niyang iligtas at ipaglaban kahit kapalit nito ang kanyang buhay o makatanggap ng kahihiyan sa ibang tao, she's so brave. Lagi siyang nandiyan para sakin, lalo na ng akala kong namatay si mommy at Mauve. Iyak ako ng iyak nuon ayaw kumain at hindi nakikipag usap sa iba kahit kay dad at kuya. Nandiyan siya matiyagang pinapakain ako at inaalagaan. Hindi niya ako iniwan o pinabayaan man lang nung makidnap kaming dalawa. I'm so thankful dahil nandiyan ang isang Catherine/ Irene sa buhay ko. And now I realized one thing na matagal kong itinatanggi sa sarili at sa pamilya ko, mahal ko din pala siya. Matagal ko pa siyang tinitigan. Alam kong nag aalala na siya sakin. "I know masyado kitang nabigla sa pag tatapat ko and I'm sorry kung mahal na kita hindi ko dapat gina–” hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya ng bigla ako magsalita. "I love you too" buong puso kong sagot sa kanya. Kaya kahit natatawa ako sa paninigas at panlalaki ng mga mata niya pinigilan ko ito at binigyan siya ng sweetest smile ko na ikamula niya. "M-mahal m-mo din a-ako?" Utal utal na tanong niya. Ang cute niya talaga este ang ganda lalo na kapag namumula dahil sakin. Walang sabi sabing hinila ko siya sa batok at binigyan ng isang matamis na halik. Finally natikman ko din ang labi niya. Para itong cotton candy sa lambot at tamis. Matagal ko na din itong iniimagine at ngayon nga ay nangyayari na. Pagkaraan ng isang minuto humiwalay siya at magsasalita pa sana pero agad ko 'yon siniil ng isang halik and this time linaliman ko ito at iginalaw ang aking labi. Alam kong iniisip niyang baka nabibigla lamang ako pero hindi totoong mahal ko din siya. Pagkatapos namin maghalikan ay pinag dikit ko ang aming noo, may saliva pang naiwan sa aking labi na naka dikit sa kanyang labi. Kapwa hinihingal pero hindi inalintana. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis kaya hindi ko napigilan na halikan ito kahit smack lang. "So girlfriend na kita huh?" Naniniguradong tanong niya. "Yes, offially yours" nakangiting sagot ko. Hindi naman ako gano'n kamanhid na nililigawan niya ako nung 15 kami kahit niya sinasabi. I know and I can feel it. Masayang masaya ako ngayon. Una buhay si mommy at Mauve, ikalawa malapit na makumpleto ang pamilya namin at ikatatlo girlfriend ko na ang mahal kong bestfriend. Pagkauwi sa bahay malapad ang ngiti sa aking mga labi at magkahawak kamay kami ngayon ni Cath. Mas gusto niya daw na tawagin ko siyang gano'n kapag pangalan niya ang babanggitin ko. Pag pasok namin sa bahay nandito silang lahat malalim ang iniisip at medyo nagkakagulo pati na rin ang parents ni Cath ay palakad lakad tila ba merong bagyo ang darating saamin. At tama nga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD