ASTRALLA
Napakunot naman ang noo nila pero ako napangisi lang. Siya din ang dahilan kung bakit ako napuyat. Napuyat ako kaka trace kung nasaan niya. Siya ang pinaka matalik kong kaibigan, his father was mafia kaya mas marami siyang koneksyon.
"Mabuti naman at sumagot ka. Akala ko nga patay ka na at hindi kita matrace. Sperm ka rin eh, nasaan ka ba ang hirap mo hanapin" saad ko. Tumawa nanaman ito na parang demonyo. He's Daemon Camero prince of a mafia boss.
"Chill hindi ko naman alam na nami-miss mo na pala ako, so let's straight to the point ano ba maitutulong ko binibini" ito ang gusto ko sa kanya willing siya tumulong kahit saan o anumang oras.
Tumingin sakin si Cath ng masama, hindi niya din alam ang tungkol kay Daemon.
"Sandali nga si Don Azure ba nandiyan? Gusto siya makausap ni lolo mamaya about business"
"Yes nandito si lolo, tawagan niya na lang mamaya si Supremo. And about sa tulong na gusto ko hmmm gusto kong hiramin si Raegan at Wifi alam mo na" napa hmm naman siya.
"Sure issend ko na lang new mission sa kanila and oh advance congratulations sa inyo ni Cath I'll send my gift tomorrow after the wedding niyo na lang buksan magagamit niyo 'yon" natatawang saad niya. Parang ayoko na tanggapin kung ano man 'yon knowing him puro kamanyakan din ang nasa isip niya.
"Wait ikakasal na kayo? Advance congratulations din, pwede ako maging abay?" tumango ako kay Ela.
"Sasama din kami gusto din namin kayo samahan sa new chapter ng life niyo" excited na saad ni Bianca.
"Andami mo palang kasamang magagandang dilag huh, hello kuya Tyrian" pagbati nito kay kuya na para bang nakikita niya ito.
"Yow bro kung sino ka man, salamat sa gagawin mong tulong samin asahan mong ibabalik namin 'yun" pasasalamat nito.
"Sus ayos lang idol tsaka anytime, anywhere tutulong ako ganiyan kalakas sakin si Astra eh" pilyong saad niya.
"Oh sige na bye I still have a meeting in Guam, after new year nandiyan na sila" sabay patay nito sa tawag.
Nalocate ko din siya. Nasa isa siyang tagong isla malapit sa Indonesia. Mukhang dito sila nakatira ng asawa niyang si Moira kasama ang parent's niya at mga kapatid.
"Sino siya?" tanong ni Graz.
"He's Daemon Camero, mafia boss of all mafia's. Mas marami at malaki ang connection niya kesa satin kaya humingi na ako ng tulong sa kanya" paliwanag ko.
May binigay silang folder for nakasaad dito ang mga illegal transactions na nangyayari sa loob at labas ng bansa. Pati ang mga tao na siyang uuntiin namin pabagsakin narito na rin ang kanilang plano.
"Sa tingin ko kailangan niyo ng mga gadgets para mas mapadali ang pagpapabagsak sa kanila na wala nakakakilala sa inyo and about sa isa niyong plano bibigyan namin kayo nang uniform na magagamit during operations anytime and anywhere so that's all" saad ni kuya.
Lumabas na kami ng room at nagpa-alam na ang apat na babalik na sa university. Pumunta naman kami ni Cath sa balcony para mag pahangin at may pag-uusapan din.
Dumaan muna kami sa office ko at kinuha ang ilang files para sa kasal. Nagpatimpla na rin kami ng kape para hindi antukin at nagpadala ng pagkain.
"Kailangan natin ng mga baril, katana at daggers na may halo. Dagdag na tranquilizer at mga gamit na hindi sila mag hihinala" sambit ni Cath. Kinuha ko ang tablet at binuksan.
"Kanina lumabas na results sa mga possible na kasabwat ni Hari at lumabas na si Jade Stone at siya ay may tagong relasyon. Palihim din sila nagkikita, tutol din ang mga magulang nila sa relasyong gusto nila" napatango ito sa aking sinabi.
"So posibleng pinaglalaruan lang ni Hari si Jade para lihim na nakawan ito ng pera. Kawawang babae hindi niya alam ginagamit lang siya tss" naiiritang saad niya. Natawa ako ang kyut niya lang.
"Love is blind nga di'ba tsaka hindi ako naniniwalang hindi gusto ng pamilya ni Hari, makikinabang sila sa pamilya nila Jade at gano'n din sa kabila" may point na sabi ko.
Dumating na si manang at inilagay sa mesa ang kape at cake. Sunod naming pag uusapan tungkol sa kasal.
"Kung sa isla na lang tayo ikasal, beach wedding?" suggest niya. "After ng kasal pwedeng maligo sa dagat ang mga bisita tapos tayo alam mo na" sabay taas baba ng kilay nito.
"Puro ka kamanyakan love" pinisil ko ang ilong nito at humaba naman ang kanyang nguso. Pwede na pagsabitan ng kaldero.
"Ayaw mo nun makakarami agad tayo pero maiba nga ano kaya regalo nung Daemon?" maski ako na-ccurious. "Kung ano man 'yon excited na ako gamitin" dagdag pa niya.
"About sa kasal natin wedding dress or gown? Ano ba gusto mo?" tanong ko para masabi agad sa organizer.
"Ikaw" seryosong saad nito, sinamaan ko siya ng tingin. "Joke, wedding dress for you and tuxedo suit sakin mas maganda ang gano'n right?" napatango naman ako.
Mas maganda nga 'yun para atleast may mag-mukhang lalaki saming dalawa. Siya na rin siguro ang mag aantay sa altar saming dalawa since ako ang naka wedding dress.
"Sabi ni lolo kanina 1st year college tayo sa university hindi tayo pwedeng dumiretso sa pagiging 4th year makakahalata sila" saad ko.
"Kailangan pa ba natin mag disguised?" Tanong niya, napaisip naman ako.
"Mabuti pa nga butt ayoko mag nerdy outfit, maging simple na lang tayo and huwag na lang sabihin surname natin para hindi tayo makilala" sumang-ayon din naman ito.
Namili rin kami ng magiging theme sa kasal pati kulay. Napili namin ang kulay lavender and Lilac. Naglista na rin kami ng mga aattend na abay, flower girl, maid of honor at best man. Nagtalo pa kami kung babae o lalaki ang magiging best man niya pero sa huli babae pa rin napili namin.
"Ma'am ito ho baka magustuhan niyo?" tanong ng nag aasist samin.
Pinakita nito ang isang lilac wedding dress with lace appliques. Ang ganda ng kulay at desinyo niya kaya agad ko itong kinuha. Sinukatan din nila ako agad habang si Cath naman ay tapos na masukatan at inaantau na lamang ako matapos.
"Sino ba mag-bbuntis sating dalawa, ikaw o ako?" papunta na kami ngayon sa hospital ni tita Sage.
"Ikaw na lang ayokong mag buntis ang hirap kaya manganak tas may tatahiin pa pala sa ibaba no'n pagkalabas ng baby parang cs din" hinawakan nito ang kamay ko bago nag salita.
"Mas maganda kung tayong dalawa love para may little me ka at ako di'ba. Maganda na rin kung magka sunuran para may kalaro sila or baka kambal pa maging anak natin" maganda nga 'yun pero ayoko pa rin.
"Ah basta ayoko pa rin tsaka na lang natin pag usapan kung sino mag bbuntis kapag maayos na ang lahat, tsaka teens pa nga lang tayo oh anak ka diyan" hindi sa hindi pa ako ready magka-anak pero gusto hindi sila madadamay sa ano mang gulo ng buhay na kinalakihan namin.
Ayokong pati sila gamiting pain laban sa sarili nilang mga magulang. Kahit na baby pa lang sila malalagay pa rin sa panganib ang buhay nila kaya as soon as possible matapos nanamin ito. Kailangan na matapos ito, masyadong maraming tao na ang nadadamay at madadamay pa.
Hindi ko namalayang nandito na kami. Hindi ko rin nga alam na naglalakad na pala kami sa hallway papuntang office ni tita. Masyado akong nag space out kanina.
"Sorry tita kung medyo na late kami, pinag antay ba namin kayo ng matagal?" hinging paumanhin ng fiance ko.
"Nope actually kadarating ko lang din galing O.R may pinaanak lang, so let's start" sabay musyon ni tita.
Pumasok na ako sa room na natatakpan lang ng kurtina. Humiga ako roon habang inaantay si tita matapos sa gagawin niya. Pinag hubad ako nito ng pang ibaba at may inilagay na kung ano dito. May ginawa pa siyang hindi ko na alam pa dahil nakaharang ng maliit na kurtina na nakalagay sa ang tiyan ko.
Ilang sandali pa ay natapos na ito sa kanyang sinagawa at inilagay ang kulay puting kinuha niya sa malinis na lalagyan. Nilagyan niya din ito ng pangalan ko bago ibigay sa assitant niya. Sumunod naman si Cath.
Habang nag-aantay sinend ko muna through email ang invitation cards para sa kasal namin. Tumunog naman ang telepono ko. Tumatawag ang isang B.G namin, agad ko ito sinagot.
"What happened bakit ang ingay diyan?" dinig ko ang mga putukan ng baril sa baba.
"Señorita bigla na lang nila pinag-babaril ang sasakyan namin mukhang gusto kayong makuha mag-iingat ho kayo, kami na ang bahala dito. May nag aabang na chopper sa helipad ng building na ito" pag bibigay alam nito habang nakikipag barilan pa rin.
Napalingon ako kung nasaan sila tita at Cath may narinig kasi akong may natumba. Napabunot naman ako ng baril sa bewang ko, pinatay ko na rin ang tawag at itinutok sa harap ko ang baril. May nakita akong anino ng dalawang lalaki kaya mabilis na inalis ko ang nakaharang na kurtina at tinutukan sila.
Natutulog si tita sa swivel chair niya habang pilit nilang pinapatulog si Cath pero hindi nila magawa. Mabilis na binaril ko ang isa nakahawak sa bibig at braso ni love sa magkabilang balikat nito. Derekta naman pumasok ang tracking device sa laman nito.
Agad naman siniko ni Cath sa dibdib ang lalaking nakahawak. Hinablot ko naman ang damit ng lalaki na balak pang tumakas at hinampas ito ng baril sa batok niya dahilan ng pagkawalan nito ng malay.
Hinila ko na si Cath papuntang elevator pero agad din napatigil ng makitang may mga armadong lalaki ang nandoon. Nagpunta naman kami sa gilid nito para umakyat sa hagdan. Malalaki ang hakbang namin pataas habang may baril pa rin na hawak.
Narinig ko naman na binaril ni Cath ang mga paakyat na armadong lalaki kaya mas binilisan pa namin ang pag-akyat. Nakahanda na ang chopper pero patay na ang driver doon. Binaril ko naman ang dalawang sniper sa kalapit na building bago pumasok at pinaandar ito.
Inantay ko munang makapasok sa dito si Catg at isinara na ang cabin. Ginalaw ko ang throttle upward at ang yoke o ang steering wheel. Nasa 5 feet pa lang ang taas ng helicopter ng may sumabit sa landing skids ng sasakyan.
Mas pinataas ko pa ang helicopter at pinagewang-gewang ito pero mukhang matibay sa kalaban at hindi pa rin nahuhulog. Napilitang lumabas si Cath at hinarap ang kalaban. Kahit nag-aalala nag focus ako sa pag mmani-obra sa loob.
Ilang minuto pa nakarinig na ako ng putukan at gumegewang na rin ang sasakyan nasa gitna kami ngayon ng city. Ilang sandali pa dumating na si Cath na pawisan at may dugo ang ilong.
"Anong nanyari sa ilong mo? Ayos ka lang ba may masakit ba sayo?" Tanong ko dito.
Nandito kami ngayon sa safe house namin sa Antipolo sa may itaas ng bundok.
"A-aray dahan-dahan naman love. Nakakainis talaga ang lalaking 'yun ang manyak niya pa" iritang asik nito. Natawa ako kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"Kung magsalita ka parang ang banal mo, eh isa ka pang p*****t 'noh" saad ko tsaka itinapon sa trash can ang mga bulak na ginamit ko kanina.
"Syempre fiance kita at mahal kita. Sayo lang naman ako clingy at p*****t eh" sabay pisil nito sa butt ko. Ibang klase parang walang nangyari samin kanina kung umasta.
"Aba dapat lang dahil kung hindi iccremate ko kayo ng buhay ng babae mo sinasabi ko sayo Catherine" pagbabanta ko sa kanya.
Sumaludo muna ito bago sumagot. "Aye aye captain, tsaka good girl kaya ako. Hindi naman ako papatol sa ibang babae eh sayo lang kakalampag" natatawang pagbibiro niya kaya natawa na rin ako.
"Tatawagan ko muna sila kuya para sabihin ang nangyari kanina at makapag handa sila kung sakaling pati sila pagbantaan" paalam ko sa kanya sabay punta sa likod ng bahay.
Naka-ilang rin ng ang cellphone ko bago sagutin ni kuya ang tawag. Ang tagal ha, ano ba ginagawa niya ngayon?
"Ang tagal mo naman sagutin ang tawag kuya, ano bang ginagawa mo?" iritang tanong ko.
"Sorry na lil sis galing kasi ako sa meeting bakit may nangyari ba?" balik tanong niya.
"Yes, kanina pinag-tangkaan ang buhay namin kanina habang nagpapa-freeze ng egg cell kay tita Sage. Maging alerto kayo at higpitan ang security ng mansyon baka may iba pang madamay" habilin ko.
"Sure kami nang bahala dito, mag-iingat ka Astra. Ittrace na rin namin kung sino ang nag-utos sa kanila sa ngayon diyan muna kayo mag-palipas ng gabi, sasabihan ko na rin sila Dad" 'yun lang at ibinaba na niya ang tawag.
Na-sstress ako sa kanila. Kumuha ako ng sigarilyo at sinindihan ito. Kung sino ka man sisiguraduhin kong pagbabayarin kita ng malaki. Masyado ka nang naaliw, hindi ko na ito palalagpasin pa ulit. Muli kong kinuha ang cellphone sa bulsa bago bumuntong hininga. Siguro ito na ang tamang oras para ilabas ka sa lungga mo, humanda kayo.