CATHERINE "Love paabot ng diaper ni Chel at Red diyan sa side table" pasigaw na utos ni Astra. Hindi kami kumuha ng yaya, mas gusti namin na kami mismo ang mag-aalaga sa kanila. Ayaw namin na magaya sila samin na baby pa lang eh iniiwan iwan na ng mga magulang dahil sa trabaho. Lumabas ako ng banyo ng naka bath robe lang at kinuha sa ibabaw ang diaper ng dalawang bata. "Here, nakita mo ba 'yung pabango ko? Kanina ko pa hinahanap eh" tanong ko pagkalapit. "Nasa bag ko ata doon nalaglag kanina ni Red eh paki check na lang kung nandoon" "Thanks" hinalikan ko siya sa ulo bago umalis. Dumeretso ako sa walk in closet namin para makapag bihis na, sunod kinuha ko ang bag niya para kunin ang pabango ko. Pagkatpos makapag ayos pinuntahan ko sila sa connected door. Nakabihis na ang dalawang ba

